Sinuklay kong maigi ang aking buhok na mamasa-masa pa dahil sa pagligo.
I can't explain why I stayed in the shower for almost half an hour. Siguro ay nag-enjoy ako sa mukhang mamahaling mga bubble bath products at pang-body scrub roon. The fragrance of it permeated the whole space of my room.
Nang makuntento, bumaba ako sa dining area kung saan naabutan ko ang nakaupong si Sir Leviticus doon. Still, quiet and at peace. Hindi pa nagagalaw ang mga pagkaing nakahain doon.
"Hinintay mo pala ako?"
Marahan siyang gumalaw nang marinig ang boses ko. Binasa niya ang ibabang labi gamit ang dila.
"Y-Yeah.. Should we eat?"
Damn. How could this man makes me feel ecstatic? Obviously, he's on a different level of society or class, and I can't just dive in to his world. I'm just a mere commoner.
"Sige. Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?" tanong ko habang hinihila ang isang upuan sa tapat niya.
Mukhang masasarap ang mga iyon. Hindi ko alam ang pangalan ng ibang luto dahil parang sa restaurant ko lamang nakikita ang mga iyon.
"Yeah."
Ang tipid talaga nitong sumagot. Bitin na bitin ako lagi. Pinakatitigan ko siya, hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat parte ng kanyang mukha.
Nagsimula kaming kumain. Tahimik lamang kaming dalawa, tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig. Masarap ang kanyang luto, in all fairness.
"Did you like it?"
Sandali siyang tumigil at saka uminom sa kanyang baso. Doon ko napanood ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.
"Oo naman, ang sarap mo pala magluto." ngumiti ako kahit na malabong makita niya iyon.
I don't know why I always feel amazed whenever I am talking to him. Kung pagmamasdan mo kasi ng mabuti, animo'y diyos na bumaba sa lupa at nakikihalubilo sa mga mortal.
There is a huge gap between him and I.
"This is the first time I cooked for someone.." aniya sa mahinang boses.
Nag-angat ako ng tingin. What? Ako ang unang taong ipinagluto niya?
"Talaga? I should be honored then.." ngumiti akong muli.
Hindi nagbago ang emosyon sa kanyang mukha kahit na nakatitig siya sa direksyon ko. Ngunit ibang klase ang lalim at tensyon na dala ng kanyang mga mata.
Nang matapos kami sa pagkain ay nag-prisinta akong ako na ang maghugas ng mga pinggan. Hindi ko siya napigilang tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan.
"Ako na po, Sir."
Inagaw ko sa kanya ang plato't mga kubyertos. Dumampi ang kanyang mga daliri sa aking kamay, isang segundo akong natigilan.
"Can you not call me Sir? I don't like to be called Sir." kumento niya. Muling gumalaw ang kanyang adam's apple.
E ano pala ang gusto niyang itawag ko sa kanya?
Inilipat ko ang mga pinggan sa sink at saka naghugas ng kamay. Umiling ako sa kawalan. I think I'm feeling something that shouldn't be. At bago pa man lumago ito, kailangan ko na itong ihinto.
Sinimulan ko ang paghuhugas sa mga pinggan nang makaramdam ng kiliti sa aking batok. May init iyong dala.
"Sht!"
Nabitawan ko ang isang kutsarang hawak nang paglingon ko sa likuran ay si Sir Leviticus ang naroon. Ang kanyang mukha ay isang hibla nalang yata ang pagitan sa akin. Sobrang lapit niya sa hindi ko maintindihang dahilan.
YOU ARE READING
Saved By His Demons (BxB) ✔
RomanceRiley, feeling aimless and disconnected from the world, stumbles upon Leviticus' secluded house during a moment of desperation. Seeking solace and a temporary escape from his own problems, Riley decides to trespass and assume a false identity to hid...