It was a beautiful day when I woke up next to the man I love, Leviticus is sleeping soundly beside me while his steel-hard arms are snaked around my body.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukhang nakaharap sa akin, nakapikit siya kaya malaya kong natititigan ng ganito kalapit ang kanyang mukha. Marahan kong pinaglaruan ang balahibo sa kanyang brasong nasa ibabaw ng dibdib ko. May katamtamang bigat ito at kahit na mahirapan akong huminga ay ayos lang.
He's completely topless, balot pa naman siya ng kasuotan bilang huling memorya ko kagabi bago antukin at makatulog kaya hindi ko malaman kung kailan ito nakapaghubad ng kanyang damit.
Nakabalot ang malambot na tela ng comforter sa ibabang kalahati ng aming katawan, kaya malaya ko ring nasilayan ang dibdib niya at ang namumula niyang mga utong. That very sight gave me a not-so-decent imagination.
Nang magpasya akong buhatin ang braso niya upang alisin sa ibabaw ng aking dibdib ay ang paggalaw rin niya at bahagyang pagkagising. He opened one of his eyes and in a swift motion, he pulled me and enveloped me tighter making it harder for me to get up.
"Lev... huy.. babangon na ako.." tinapik ko nang marahan ang kanyang braso. His skin feels so warm that I want to touch him more.
He groaned. Mas lalo pang humigpit ang kanyang pagkakayapos sa aking katawan, parang ayaw akong bitawan.
"Leviticus... I need to get up now.. may pasok pa ako." inalog ko ang kanyang mukha gamit ang paghawak sa kanyang baba upang magising siya lalo.
Pero hindi siya tuminag sa kanyang posisyon. As much as I want to stay with him like this, I need to get up now to prepare for school. Kailangan ko na ring asikasuhin ang mga requirements na kailangan kong ipasa upang makasama ako sa darating na pagtatapos.
"One more... minute..." he murmured, still eyes closed, lips are pursing. I sighed as I indulge him for another minute.
Nang makalipas ang isang minuto ay sinubukan ko ulit bumangon. Hindi naman na niya ako hinatak ngunit ang bigat ng kanyang braso ay pumipigil pa rin sa akin.
"Levi!" calling out his name, dahil malakas ang pakiramdam ko na nagtutulug-tulugan nalang ang isang 'to at ayaw akong paalisin.
"Damn.. you're so grumpy in the morning.." nagmulat siya ng mga mata at bumangon rin ngunit yumakap pa sa akin mula sa likuran. Bago iyon, napansin ko ang bahid ng walanghiyang ngisi sa kanyang labi.
"Ikaw talaga ang sisisihin ko kapag nahuli ako sa school. Maghahanda pa ako ng almusal nat—"
He attacked my lips without my approval. Sht! Ano ba 'tong lalaking 'to, hindi pa ako nagsisipilyo!
"Ikaw nalang ang almusal ko, tapos ako naman sa'yo. Mas nakakabusog pa..." aniya nang pakawalan ang aking labi. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kilig pero sumimangot pa rin ako para hindi niya malamang natutuwa ako sa ginagawa niya.
"Cannibal lang, Levi? Pakawalan mo na ako at nang maihanda ko na ang almusal natin." pagpupumilit ko at itinataboy ang kanyang brasong lumilingkis pa rin.
"I didn't mean to eat ourselves literally, like what the fuck are you thinking, Riley?"
This time, hindi ko na napigilang bumungisngis dahil sa tuwa. Binibiro ko lang naman din siya pero sineryoso niya.
"Seriously, Levi kailangan ko nang bumangon. Aasikasuhin ko pa ang requirements ko sa school para sa graduation." humilig ako sa kanya upang maintindihan niyang seryoso ako.
Nahulog na ang comforter sa sahig dahil sa kalikutan namin kanina. He's wearing a black boxers at sa pinakagitna nito ay may bumabakat na kung ano.
I gulped something in my throat.
YOU ARE READING
Saved By His Demons (BxB) ✔
RomanceRiley, feeling aimless and disconnected from the world, stumbles upon Leviticus' secluded house during a moment of desperation. Seeking solace and a temporary escape from his own problems, Riley decides to trespass and assume a false identity to hid...