Matalim ang mga tinging ipinupukol ko kay Leviticus habang sumisimsim siya sa kanyang tsaa. We're currently eating our breakfast. Ayaw ko mang saluhan siya ay mapilit ang lalaking ito kaya wala akong nagawa.
I'm still in bad mood because he pissed me off last night. Kung alam ko lang sanang lalaitin niya iyong pinaghirapan kong i-bake ay hindi ko na dapat pinag-aksayahan pa ng oras iyon.
"Alright, I'm gonna talk to the Montenegros. They might have a brighter idea about this." he's on the phone, kaya malaya akong panoorin siya.
Mahigpit ang hawak ko sa aking tinidor, nagpipigil dahil nagawa niya pa ulit akong asarin kanina tungkol doon. Mabuti na lamang at papasok ako ngayon sa school kaya makakaiwas ako sa kanya.
"No, but they have to know. The merger happened because of you, so we should deal with them too.."
Nakikinig lang ako sa pakikipag-usap niya sa telepono. I have an intuition that he's talking to his brother Legend. Yumuko ako at pinagtutusok ko ang pancake gamit ang tinidor, trying to visualize Levi's face on it.
"Yeah, okay. Fine, let me call you in an hour."
He puts down the phone and sighed deeply, like he's tired of something.
"Everything's okay?" nag-aalala kong tanong sa kanya, sa ngayon ay kalilimutan ko muna ang pagkakainis sa kanya.
"Yeah. May natira pa ba sa apple pie mo kagabi?"
At kung kailan ako nagpasyang kalimutan at isantabi ang inis ay muli na namang nabubuhay ang iritasyon ko dahil sa sinabi niya. Ang mas nakakainis pa ay ang bahid ng ngiti sa kanyang labi. His famous smirk that tells me he's enjoying my annoyance.
"Wala na!"
Umismid ako at binilisan ko lalo ang pag-ubos sa aking pagkain upang makaalis na sa pamamahay niya.
"I thought you baked many? Iyong sunog pa lang ang natikman ko, hindi ko pa nasubukan 'yong maganda ang pagkakaluto.." ngumunguso pa siya at halatang pinipigilan ang paglawak ng kanyang ngiti.
"Wala na! Tinapon ko na! Salamat sa mga insulto mo kagabi!" maanghang kong tugon.
Before, I was under the impression that he's making me fall for him. Pero ano itong ginagawa niya ngayon? Does he really think I'm gonna like him if he keeps on annoying me?
"It was constructive. I wasn't insulting your skills, I know you're a beginner in baking and you should be open to feedbacks.." pahayag niya kahit alam kong labas sa ilong niya 'yon.
Dinadaan niya pa ako sa mabulaklak niyang pananalita gayong gusto lang talaga niya akong inisin.
"I never asked for your feedback. Sinabi ko naman sa'yong sunog pero sumige ka pa rin. Tapos sasabihin mong hindi masarap?!" nanggigigil kong sinabi.
As much as I would love to strangle him right now, looking at his robust built, I won't win in a physical fight with him. It's so unfair that I can't get even with him.
Get even.
Suddenly, I thought of a wonderful idea.
"Dahil hindi naman talaga masarap. Would you like me to lie? I tried to taste it hoping that it was fine even though it got burned." hindi ako nakinig sa mga katwiran niya.
"Pinaghirapan kong i-bake 'yun tapos iinsultuhin mo lang? I'm never gonna bake for you again. Hmp!"
Umismid akong muli. His lips parted when I refused to bake for him again, parang hindi nagustuhan ang kanyang narinig.
"Come on, Riley it wasn't an insult. Maybe I was making fun of yo—"
"See?! Inamin mo rin hudas ka! You were making fun of me!"

YOU ARE READING
Saved By His Demons (BxB) ✔
RomanceRiley, feeling aimless and disconnected from the world, stumbles upon Leviticus' secluded house during a moment of desperation. Seeking solace and a temporary escape from his own problems, Riley decides to trespass and assume a false identity to hid...