I summoned all the spirits to recover my equilibrium while walking back to the designated table. Tapos nang magbigay ng speech ang unang speaker sa harapan, may sumunod na babaeng speaker na medyo may katandaan na, kabig-kabig ang dibdib na in-occupy ko ang upuan ko.
Sawyer noticed my sudden comeback.
"You okay?" bulong nito, pahapyaw ang tingin ni Leviticus sa aming dalawa, hindi na yata nakikinig sa nagsasalita sa harapan.
"Ye—" I stopped and bit my tongue, inaalalang hindi nga pala ako maaaring magsalita sa harap ng isa riyan. He might identify my voice so I need to keep my mouth shut.
Napansin ko ang pagkalito ni Sawyer sa sagot kong hindi natapos, kung kaya't tumango nalang ako bilang tugon. Evading someone's stare, ipinirmi ko ang mga mata sa harapan at nagkunwaring nakikinig sa discussion.
"We never thought that Legend would be outside the country, kaya rin pala nagmamadali siya no'ng umalis noong huling kita namin." narinig kong panimula ni Weston, nakuha ang atensyon ni Leviticus dahil sa napag-usapang kapatid.
Kumunot ang noo niya sa narinig.
"Huling kita?" kuryosong tanong ni Levi, bumaling sa kausap.
"Yeah, we were at the Gracianos the last time. Oh! Speaking of, have you two met?" wika ni Sawyer na bumaling naman sa akin at pagkatapos ay kay Leviticus, making him gazed at my direction once again.
I inhaled deeply while in the middle of process of recollecting my thoughts. Nang wala silang narinig sa akin ay muling nagsalita si Sawyer.
"This is Richard Bailey Graciano of Graciano Constructions, we and your brother met him two days ago.." pakilala ni Sawyer sakin, muntik na akong maubo pero pinigilan ko.
I remained calm, hindi naman ako dapat mangamba dahil hindi naman niya alam ang tunay kong pangalan noon. Ano ba, Riley? Pahalata ka masyado! Ano, hanggang ngayon rurupok ka pa rin sa unggoy na 'yan?
Hindi ako marupok, I told myself that.
"Leviticus Amedeo Torralba, pleasure to meet you.." sa hindi ko inaasahang pagkakataon, he approached me and even offered his hand for an expected handshake. Tinitigan ko lang 'yun, napansin niya ang pagtagal ng titig ko roon kaya sumimsim ako at tinanggap 'yon.
It's just a split second, though. Naiwan pa sa ere ang kanyang kamay nang bitawan ko ito. Nasisiraan na siguro ako ng ulo para isiping baka makilala niya ako kapag nahawakan niya ang anumang bahagi ng katawan ko.
He seemed a bit amused with what I did, unti-unti niyang binaba ang kamay at mariing tumingin sakin. He's probably confused why I didn't say anything to him.
Bumaling ako sa dalawang inhinyerong katabi ko na naging abala na sa pag-uusap tungkol sa dini-discuss sa harapan. Pasulyap-sulyap pa rin sa gawi ko si Leviticus samantalang pilit na pilit ang leeg kong nakapirmi sa harapan, malakas ang pakiramdam kong stiff neck ang resulta nito mamaya.
Itinuon ko ang pansin sa babaeng speaker na nakatayo sa podium. Her voice can be heard around the whole place because of the speakers installed on every edge, I roamed my eyes around trying to find someone familiar... I thought Symon Monteguido would be here, pero 'di ko pa siya nakikita mula kanina, o baka aligaga lang talaga ako kaya 'di ko na napansin?
The speech lasted for an hour. There were a brief presentations from the hotel's staff, may mga nagsayaw at tumugtog ng tradisyonal na sayaw at awitin, they even wore traditional costumes. Maingay ang mga tao dahil sa tuwa sa panonood samantalang kapag ngingiti ako ay agad ding napapawi dahil sa taong nasa harapan ko.
Hours passed, natahimik na ang buong lugar at bumalik ang marahang saliw ng jazz music sa background. Everyone stood up for a break, ang iba'y nagtungo sa banyo at ang iba'y tumungo na sa buffet table upang kumuha ng pagkain.
YOU ARE READING
Saved By His Demons (BxB) ✔
RomanceRiley, feeling aimless and disconnected from the world, stumbles upon Leviticus' secluded house during a moment of desperation. Seeking solace and a temporary escape from his own problems, Riley decides to trespass and assume a false identity to hid...