Chapter 18 [Use]

8.8K 581 102
                                    

But be careful.. someone close to you... will soon be gone...

"Huy! Tara na kaya? Kanina ka pa tulala riyan." halos lumukso ang puso ko sa gulat nang sumulpot si Kimpoy sa aking harapan.

I didn't notice the academic contest is already over. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan sa bleachers at dinampot ang aking bag.

On our way to the cafeteria, naikwento sakin ni Kimpoy ang kasiyahan niya dahil ang grupo nila ang nanalo sa kaninang patimpalak. Hindi ko na nga rin iyon napansin dahil sobrang bagabag ako kanina.

We took our lunch with just us two. Sina Gael at Renan kasi ay hindi namin makakasama dahil kandidata sila sa palaro mamayang hapon. Kimpoy kept on talking about the recent contest he won while I silently eat my own food.

"Muntik ko pa ngang makalimutan ang huling sagot, pero buti naalala nung isang kagrupo ko!"

I know it's so stupid to get emotionally affected by what the fortune teller said. And it's also too bizarre about that someone close to me will soon be gone. What does 'gone' even mean? And someone close to me? Aside from Leviticus and my friends, I don't have anyone close to me other than them. The scope is so limited that I can pinpoint whoever it maybe.

"Pero mali talaga 'yong sagot ng kabilang grupo kanina e. Pinagbigyan lang dahil namali ang spelling."

Revelations.. Family.. I don't even have a family in the very beginning, so what should I know about it? Nothing, right?

The more I overthink about it, the more I become dense. Hindi ko naman dapat pag-aksayahan ng panahon pa na pag-isipan iyong sinabi ng manghuhula. Ako pa rin naman ang may hawak ng buhay ko. Ang mga hula o anumang payo mula sa astrolohiya, gabay lang ang mga 'yon.

"Tama naman ako 'di ba?"

Saka lang ako nakabalik sa realidad nang nakatitig na sa mukha ko si Kimpoy at parang may hinihintay na sabihin ko.

"O-Oo. Tama ka." tugon ko kahit na hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. He pinched my nose and continued eating his food happily.

I took so much time for spacing out. Bumawi na lamang ako nang manood na kami ng basketball game ni Gael. Nasa bandang unahan ng bleachers kami nakaupo ni Kimpoy. Gael is wearing his red jerseys, may itim na headband sa kanyang ulo at itim rin na leg sleeves.

Kumaway pa ito nang masilayan kami sa bleachers. Hindi pa nagsisimula ang laro pero nakakailang ubos na ng chips itong si Kimpoy, hindi yata nabusog sa kinain namin nung lunch.

"So kumusta naman na kayo ng mangliligaw mo, Riles? Hindi mo pa rin sinasagot? Sumuko na ba?" nakuha ni Kimpoy ang buong atensyon ko nang bumaling siya sakin habang dinidilaan ang daliring may crumbs pa ng kinaing chips.

Ayaw ko na sanang pag-usapan muna 'yon pero mas mabuti na rin siguro ito upang hindi ako muling mabagabag sa mga salita ng fortune teller. I have to keep myself preoccupied.

"Not yet, but he's persistent." tugon ko while thinking about Leviticus. Ano na kayang ginagawa ng unggoy na 'yon sa bahay? Natuloy kaya siya sa site?

"Aside from thinking about you all day, wala na akong ibang pinagkakaabalahan, Riley."

Parang tangang nagreplay ang boses ni Leviticus sa aking utak. I can't help but to also reminisce how he used to lick his lips whenever he's sipping on his tea or whenever we're talking.

"Bakit ayaw mo pang sagutin? Gusto mo naman, ah? Ano pang hinihintay mo? Ganda ka?" gusto ko nang sabunutan itong katabi ko dahil sa ingay niya, mabuti nalang at may ibang mundo ang mga katabi naming naghihintay sa pagsisimula ng laro.

Saved By His Demons (BxB) ✔Where stories live. Discover now