Chapter 28 [Hatred]

7.1K 543 115
                                    

I saw the blood on my hands. Nakarinig pa ako ng ilang putok ng baril. I saw Reid and Bruce got out of the van and fired shots at the masked men. Halos hindi na ako makapag-isip ng tama sa mga nangyayari.

Mas dumami ang dugo sa aking kamay. Bumigat ang taong nakayakap sa akin at unti-unti akong nahila nito pababa. Kimpoy saved me from those bullets and now he's the one who's bleeding. Ang dugo sa mga kamay ko ay nanggaling sa kanya.

It happened so fast. Hindi ko maalala kung paano niyang sinalo ang mga balang 'yun, hindi ko alam kung matutuwa ako na buhay pa ako at walang tama, pero ikinahabag ko ang makita ang kaibigan na nawawalan na ng malay.

"R-Ri... Riles..." pinilit niyang magsalita. Ipinatong ko ang ulo niya sa aking mga hita.

Teardrops are now running down my face. Hindi ko siya kayang panoorin sa ganitong kalagayan.

"Damn.. b-bakit... bakit mo sinalo 'yun?!" naiiyak kong tanong kahit alam kong wala nang silbi pa dahil nangyari na ang nangyari.

There are blood coming out of his mouth, he almost choked on it.

Nakakarinig pa rin ako ng mga putok hanggang sa tuluyang matahimik ang lugar. Pagtingin ko ay hunarurot na ang namaril na naka-motorsiklo.

"The fuck! Bruce!" narinig ko ang boses ni Reid kaya nag-angat ako ng tingin at natanaw ang dalawang lalaking tauhan.

Mahigpit na nakahawak si Bruce sa kanyang tagiliran, pinipigilan ang pagdanak ng dugo roon. Nabaril siya?!

"R-Reid! Tulungan mo ako! Let's go to the hospital!" sigaw ko sa kanya kaya madali itong dumalo sa akin upang buhatin ang nawawalan ng malay na kaibigan ko.

"S-Si Bruce, may tama rin siya." anunsyo ni Reid habang binubuhat ang kaibigan ko sa kanyang mga bisig.

Lumingon ako sa kinatatayuan ni Bruce, tahimik ito ngunit bakas ang sakit na dinadamdam sa kanyang mukha. Tumakbo ako patungo sa kanya at kinuha ang braso niya, iniakbay ko ito sa aking balikat at pumasok kami sa loob ng sasakyan.

There were few people around watching us but no one dared to help. Hindi ko na pinansin 'yun dahil walang tigil ang iyak ko habang nasa biyahe kami. Kandong ko ang ulo ni Kimpoy sa backseat, papikit-pikit na siya pero nakangiti pa rin.

I shook my head. Tuluyang bumubuhos ang aking luha. As far as I can remember, the gun was aimed at me. The bullet was supposed to be shot at me, pero iba ang kinalabasan. Kimpoy willingly jumped at me and saved me from those bullets.

"Who are those guys?!" natataranta kong tanong kay Reid na mabilis na nagmamaneho.

"Hindi pa namin alam. Fuck!" hinampas nito ang manibela nang huminto kami sa stoplight.

Binalikan ko ng tingin si Kimpoy na ngayo'y nakapikit na.

"K-Kimpoy! Wake up! Malapit na tayo! Please! Don't die on me!" tinapik ko nang marahan ang kanyang mukha.

Ang isa kong kamay ay nakatapal sa kanyang sugat upang hindi siya maubusan ng dugo. Kung anu-ano ng negatibong kaisipan ang pumapasok sa utak ko. Maging ang boses ng babaeng manghuhula ay nagpaulit-ulit sa aking utak.

"But be careful.. someone close to you... will soon be gone..."

Damn it! This is not it! That's not gonna happen! Kimpoy will get through this, I believe in that! Hindi maaari! Ang tangi kong kaibigan, hindi siya maaaring mawala!

"Tanda mo pa 'yung hula sakin noon? That something big will happen?" Kimpoy's last words are also replaying on my mind.

Iniling ko ang lahat ng iyon at mas nagtiwala na malalampasan namin ito. This can't be happening. No one's going to die tonight!

Saved By His Demons (BxB) ✔Where stories live. Discover now