"Are you done?" nakabalik ako sa tamang wisyo nang makita ko siyang lumabas ng registrar kung saan ang pasahan ng requirements.
Tumango siya bilang tugon. "Oo. Halika na."
Sabay kaming naglakad palabas ng main building. Marami pa ring estudyante sa paligid, karamihan ay mga seniors na magpapasa rin ng kanilang requirements, ang iba naman ay nasa lower levels at nagpa-practice ng kanilang cheering o 'di kaya'y sa ibang sports.
"Tanda mo pa 'yung hula sakin noon? That something big will happen? Hindi kaya baka may kinalaman 'yun sa pag-amin ko kay Gael?"
Nakalabas kami sa main building. Kimpoy's giving me a skeptical look, 'yong tipong parang gusto niyang sang-ayunan ko ang sinabi niya.
"Umamin ka na kasi nang malaman mo. Something big? How big is that?" malisyosong komento ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa kanya.
"Loko! Sa laking tao ni Gael, malamang na maliit ang pototoy 'nun!" aniya saka kami sabay na nagtawanan.
"But seriously, you should admit your feelings to him. Aminin mo na hangga't maaga, baka pagsisihan mo pa sa huli 'pag 'di mo ginawa, sige ka.." babala ko sa kanya kaya napasimangot siya at napaisip ng malalim.
"You think I won't have any other chance? Kailangan kaagad na talaga, Riles?" pangungulit pa niya habang palabas na kami sa gate ng school.
"Oo. Hindi natin alam pero baka mawalan ka na ng pagkakataon sa susunod. Time flies so fast, do it fast so you won't have to regret it in the end." dagdag payo ko pa.
He gave me a sweet smile and then hugged me quick. A hug that tells me this is going to be the last.
"Salamat Riles! O sige na nga, aamin na ako sa ungas na 'yon. Pero bukas na dahil may lakad pa tayo ngayon!" he said in excitement.
I shook my head but suddenly I got blinded by a bright light coming from somewhere. Nang maglaho ang liwanag ay napansin kong nasa ibang lugar na ako. But it's still somewhere in the school.
I looked around and saw the court below, Gael is practicing his skills for the upcoming basketball game. On the other side of the court is Renan, doing the same for his sepak game. I realized I was in the gymnasium, and I remembered this was some time in the past, during our foundation week.
"Huy, Riles?"
Someone poked my right cheek, nakuha nito ang buong atensyon ko kaya nang lingunin ko ay nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Kimpoy, he's wearing an all-white clothing, and he's kinda pale.
"Ano? Ba't gulat ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng multo?" aniya saka pabirong tumawa. Hindi ako natuwa sa biro niya pero magkahalong gulat at takot ang nararamdaman ko ngayon.
"This is not real.." I murmured in low voice while still staring at him. I missed him but I'm afraid once I touch him, he would fade in thin air.
Pero imbes na magpadala sa takot ay naglakas loob akong hawakan siya. Hindi tumagos ang kamay ko sa balat niya. This is... true! Good god!
"Shit! Kimpoy!" hinablot ko siya at binalot ng yakap. Hindi ko napigilang mapaluha nang muli kong maramdaman ang kanyang presensya, at ang mahawakan at mayakap siya ay malaking bagay na.
"Riles, 'di ako makahinga! Baka ma-dedo na naman ako, ano double dead lang? Baboy?" binitiwan ko siya at bahagyang natawa sa biro niya. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil sa hindi napigilang pagbuhos ng emosyon.
"Sorry, na-miss lang kasi kita.." I smiled behind my tears. He pouted his lips and helped me wipe away my tears.
"Hindi ka dapat nandito, Riles. Hindi mo pa oras. May mga tao pang nagmamahal sa'yo.." panimula niya ng isang seryosong usapan. What is he talking about? Teka, kung nakikita at nahahawakan ko siya, ibig sabihin ba nito'y....
YOU ARE READING
Saved By His Demons (BxB) ✔
RomanceRiley, feeling aimless and disconnected from the world, stumbles upon Leviticus' secluded house during a moment of desperation. Seeking solace and a temporary escape from his own problems, Riley decides to trespass and assume a false identity to hid...