Chapter 1

1K 29 0
                                    

Nike's POV


"Is he  dead ?" tanong ko sa iba pang agent na kasama ko.Nasa isang operasyon kami upang tugusin ang isang malaking kidnap for ransom syndicate. Ito ang unang misyon ko pagkatapos ng ilang buwang pahinga. Si Aelous ang naging tao namin sa loob ng sindikato upang masiguro na mapapabagsak ito.  Ilang buwan ding nanatili si Aelous dito na walang araw na hindi nag reklamo sa amin. 



"He's still breathing.Ginulpi mo naman masyado,Nike." natatawang sagot ni Ford. Isa sa anim na lalaki na miyembro ng aming organisasyon.


I shrugged,"These devils deserved to die. They've been killing people just for money."



Hinawakan ko ang earpiece na nasa kaliwang tenga ko ng marinig ang boses ni Clymene.


"It's done.Ang mga pulis na ang bahala d'yan.Bumalik na kayo sa headquarters." utos nito.

"Copy."


"Alright. "

"Let's go. "

Kanya-kanyang sagot ng iba pang agent at isa isang lumabas ng lugar.



"Atlast! Akala ko mabubulok na ako sa grupong 'yon. Ilang buwan akong nagtiis sa amoy nilang nakamamatay dahil hindi man lang maisipang maligo at puro pera na lang ang laman ng utak.They even scratched my handsome face." reklamo ni Aelous habang hawak ang mukha nitong may sugat dahil sa pakikipaglaban kanina.



"Huwag kang maarte.Maliit na sugat lang'yan daig mo pa ang babae at isa pa, hindi ka rin naman naliligo diba? Kaya bagay lang ang misyon ibinigay sayo."matabang na sabi ni Calypso.



Nginusuan ito ni Aelous,"Subukan mo kayang masapak nang maramdaman mo 'yong sakit? Ikaw kaya ang manatili ng halos ilang buwan sa loob ng sindikatong iyon.Look at me? Mukha na akong hindi tao sa itsura ko.Nawala na ang kagwapohan ko." He keep on complaining.



"Kung ikaw kaya ang sapakin ko? At bakit ka nagrereklamo? That's your work, idiot!."Calypso hissed. He we go again, hindi talaga matatahimik ang isang lugar kapag magkasama ang dalawang 'to.


"Will you both shut up? " malamig na sabi ni Styx na ikinatigil ng dalawa. 
Napangisi ako nang matahimik ang dalawa. She's really scary.Isang salita lang nito ay sumusunod agad ang mga agent maliban na lang sa amin ni Eireisone at Clymene.


"Proceed to meeting room." salubong nito sa amin nang makarating kami sa headquarters ng Nostalgia.

"Any idea about the meeting?" I asked the other agents.


Umiling ang mga ito,"She look so serious. Mukhang malaking misyon ito ngayon."Aelous said. Sumunod kami kay Clymene at pumasok sa loob ng silid kung saan naabutan namin ang iba pang miyembro ng Nostalgia.


"Before we proceed to our main agenda, gusto ko lang ipaalam sainyo na pinupuri ng vice president ang successful mission ninyo."panimula nito.


"Malaking misyon ang pinasok natin but im glad that we've done it successfully."dagdag pa nito.

 
"Job well done,everyone. Especially to Aelous." She added at nagpalakpakan ang lahat.

"Now.Let's proceed to our main agenda."Clymene said in serious tone.
Isa-isang inilapag ni Eirosone sa harapan namin ang isang folder,

"Listahan 'yan ng mga malalaking taong target ng Lycon Syndicate ngayon.  Bawat isa sa tatlong 'yan ay matagumpay sa kanya-kanya nilang business at ang isa naman ay anak ng isang opisyal."paliwanag ni Clymene, ang head ng Nostalgia organization.A secret organization created to do the job that the authorities cannot do.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon