"Ako na munang bahala dito Max. umuwi ka na muna at magpahinga ka, wala ka pang pahinga simula ng ma ospital si Nike.. " ani ni Eireisone sa pinsan nito habang nasa labas sila ng silid ni Nike.
Tatlong linggo na simula ng mangyari ang aksidente at hangang ngayon ay wala pading malay si Nike at Lance. Unti unti na ding naka recover si Erhen sa mga natamo nitong sugat kaya naman ay makakalabas na ito sa mga susunod na araw.
"I'm fine Eirie. Mas hindi ako mapapanatag kung wala ako sa tabi niya. " sagot nito sa pinsan. Wala ng nagawa si Eirei kung hindi ay intindihin na lang ang pinagdadaanan ni Max.
Hindi niya ito masisisi. He loves Nike so much, hindi nito kakayanin kapag nawala ang babae sa kanya.
"Kumusta si Lance?" tanong ni Eireisone dito.
"Wala paring pagbabago sa lagay niya. Kaya inoobserbahan pa din siya hangang ngayon. " sagot ni Max dito.
"Nadamay si Lance sa gulo ng buhay ko. Hindi sana mangyayari sa kanya ang bagay na yan kung hindi dahil sa akin. " malumgkot na wika ni Max.
"Stop blaming yourself Max. hindi magugustuhan ni Lance kung sisisihin mo ang sarili mo. Kilala natin siya, kapatid na ang turing niya sayo at sinabi niya na gagawin niya lahat para sayo. " ani ni Eireisone dito na ikinangiti ni Max ng bahagya.
"Hey." sabay sabay na bati ng mga taong kararating pa lamang ng maabutan sila sa labas ng silid ni Nike.
"You look like hell dude. " komento ni Tres ng makita nito si Max na sinamaan lang siya ng tingin.
"Minsan nakakapangit talaga ang pag-ibig dude. " dagdag pa ni Magnus na may ngisi sa mga labi.
"Kaya ayokong ma inlove. ayokong maging kasing pangit niya." wika naman ni Khalix.
"Huwag kang magsalita ng tapos baka kainin mo yan. " Sebastian said na tinarayan lang ni Khalix.
"Ang ingay ninyo. " saway sa kanila ni Max.
"Hayaan mo na sila. Ipinanganak na silang ganyan kadaldal. Kailangan mo munang tahiin ang mga bibig nila para tumahimik. " pagbibiro ni Carter na ikinatawa ng lahat.
"Pumunta na din pala kami kay Lance. Nandun sina Naevius kasama si Erhen ngayon." Clymene said.
"That idiot is hitting on my sister. " inis naman na wika ni Erebos.
"Don't be too strick on your sister. Tatandang dalaga yan. " pananaway ni Sebastian.
"at isa pa mabuting tao naman si Naevius. " dagdag pa ni Clymene.
"Matanda na din ang kapatid mo. Hayaan mo na siyang mag desisyon sa buhay niya. " Khalix added.
"Maghanap ka na lang ng lovelife mo hindi yung lovelife ng kapatid mo ang pinapakialaman mo. " Wika din ni Tres.
Pinandilatan ni Erebos ng tingin ang lahat ng taong nasa silid.
"Shut the hell up! " singhal niya sa mga ito.
"Tama sila. Kapag ginusto ng kapatid mo si Naevius wala ka ng magagawa dun. " dagdag pa ni Max na lalong ikinainis ni Erebos.
"Makinig ka sa kanya. Marami ng experience ang lalaking yan. " wika ni Tres at ngumiti ng nakakaloko.
"Damn it! I'm leaving." pikong wika nito pero bago pa man ito makakilos paalis ay magkasabay na lumabas mula sa silid ni Nike at silid ni Lance sina Klaus at Naevius na parehong may pagkagulat sa mga mata.
"Si Lance! "
"Si Ate!".
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
RandomOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.