Nang makarating ako sa HQ ng Nostalgia ay naabutan kong nakaupo si Clymene at Klaus na naghihintay sa akin.
"Yow. " hindi pa man ako nakakaupo ay may nagsalita na na lalaki mula sa likuran ko.
"Zylus. Kailan ka pa dumating? " tanong ko sa lalaking lumabas mula sa kusina ng HQ. ang akala ko ay nasa Korea pa ito dahil sa misyon niya na hindi pa natatapos duon.
"Kahapon pa ako dumating . Bukas pa sana ako pupunta dito pero tinawagan ako ni Clyme at sinabi ang nangyari kaya nagmadali akong pumunta dito. " sagot nito at umupo sa tabi ng kapatid ko. Umupo naman ako sa tabi ni Clymene na ngayon ay walang mababakas na emosyon sa mukha.
"Naikwento na sa akin ni Klaus at Cly ang lahat kanina. Nagulat din ako sa nalaman ko dahil wala namang nababangit na kahit ma ano sina tita simula ng mangyari ang aksidente noon kay Carter. " panimula ni Zylus.
Zylus Marquezz, , ang nag iisang pinsan ni Carter. Isa ding agent si Zylus at isa ito sa pinakaunang miyembro ng Nostalgia.
"Nagtataka lang ako. Kung buhay nga siya bakit ginamit niya ang totoo niyang pangalan na Carter Fierro? Maliban sa pamilya niya at sa akin, ikaw Nike, si Cly, Styx,Eirei at Naevius lang ang nakakaalam na Carter Fierro ang totoo niyang pangalan dahil simula ng mabuo ang Nostalgia ay Cain Marquezz ang ginagamit niyang pangalan. We all know how he hate the name Carter Fierro right? Bakit yun ang ginamit niyang pangalan ngayon?" ani ni Zylus. Agad namang pumasok sa isip namin ang sinabi ni Zylus. Tama siya, He hate the name Carter Fierro dahil sa papa niya. Ayaw niyang dalhin ang ibinigay na pangalan anh ang apilyido ng ama niya dahil sa pag aabanduna nito sa kanila noon ng mama niya. Palaging Cain Marquezz ang ginagamit niyang pangala, maliban sa amin ay wala ng ibang nakakaalam ng pangalan niyang Carter Fierro kahit ang ibang agent ag wala ding alam sa totoo niyang pangalan.Kung iisiping mabuti ay nakakapagtaka nga kung bakit ginamit niya sa pagkakataong ito ang pangalang Csrter Fierro. Oh Damn! Bakit ngayon lang namin naisip ang bagay na ito?
"We really need to talk to him para malaman natin ang lahat. " Clymene said.
"Klaus, nakausap mo na ba siya? " baling nito sa kapatid ko. Tumango naman ang kapatid ko sa naging tanong ni Clyme.
"Pumayag siya. Gusto na niya kayong makausap bukas na bukas din. " sagot ng kapatid ko. What?Pumayag siya agad hindi man lang ba siya nag isip muna bago makipag usap sa amin?
"bakit ang bilis naman ata niyang pumayag.? " nagtatakang tanong ko.
"Lycons killed one OF CHAIN's member. They're planning to attack the syndicate anytime soon dahil kapag hindi pa daw ito napabagsak ng maaga ay madami pa ang mamamatay na kasamahan niya. " paliwanag ng kapatid ko.
"Hindi pa din siya nagbabago. Ayaw ma ayaw niya pa din na nalalagasan ng kasamahan. " nakangiting wika ni Zylus habang walang naging reaksyon si Clyme sa mga sinabi nito.
"Where? " Clymene asked
"He will send the address kung saan siguro mamaya. " sagot ng kapatid ko. Tumango naman si Clyme at tumayo.
"Let's sleep. Masyadong gabi na. Let's rest for a while. " ani nito bago tumalikod at pumasok sa silid niya.
"Magiging maayos ba siya sa pagkikita nila bukas? " Zylus asked habang nakatingin sa pintuan kung saan pumasok si Clyme.
"I don't know Zy. Magtiwala na lang tayo sa kanya. " sagot ko at tumayo.
"Klaus, pumasok ka na sa silid mo. " utos ko sa kapatid ko. Tumango naman ito at pumasok sa silid niya.
" You want coffee?" alok ko kay Zylus. Tumango naman ito kaya tinimplahan ko din ito ng kape.
"How's your mission?" tanong nito mula sa kawalan habang iniaabot ko ang kape sa kanya. Natigilan ako sa naging tanong nito ngunit ngumiti lang ako bago sumagot
" It's fine. "
"Is he treating you right? Tell me if not, I'm going to punch him. " wika nito na nakapagpangiti sa akin. Parang nakakatandang kapatid ko na si Zylus at malapit talaga ako sa taong ito. Siya ang nagbibigay ng mga payo sa akin kapag nasa isang sitwasyon ako na hindi ko na alam ang gagawin. Halos siya din ang napagsasabihan ko ng lahat noon at ang pinakaunang nakaalam na nagkaroon kami ng relasyon ni Max at ang taong nakaalam din kung bakit ko nagawang iwan si Max.
"Galit pa din siya sa akin Zy but i can't blame him. Kasalanan ko naman talaga kaya dapat lang siyang magalit. " sagot ko dito.
"Galit siya dahil hindi niya alam ang rason kung bakit mo ginawa ang mga bagay na yun Nike. Why don't you to tell him? Hindi habang buhay maitatago mo ang totoo sa kanya Nike. At hangat itinatago mo ang totoong dahilan kung bakit mo siya iniwan ay hindi maaalis ang sakit at galit sa puso ninyo pareho. " ani nito.
"I Know Zy. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. Masaya na siya, nakikita konh masaya na siya. I don't want to ruin that happiness dahil lang sa mga sasabihin ko. " naiiling na tumingin sa akin si Zy.
"And how about you? Masaya siya pero paano ikaw? Magiging miserable ka na lang ba habang buhay? " tanong nito.
"I don't know Zy. Maybe i tell him kapag natapos na ang lahat ng ito. Dahil kapag natapos na ang lahat ng ito wala ng dahilan para magkita o mag krus pa ang landas namin. " sagot ko at mapait na ngumiti.
Tumayo naman si Zy at lumapit sa akin bago ginulo ang buhok kasabay ng pagpitik sa noo ko.
"Aray naman! " reklamo ko.
"Sumasakit ang ulo ko sainyong magkakaibigan. Bigay ako ng bigay ng payo hindi ninyo naman sinusunod. Tsk Hingian ko na kayo ng bayad nina Styx sa bawat payo na ibinibigay ko sa inyo? Mabuti na lang nabawasan na kayo ng isa dahil amy asawa na si Eirei.Tsk tsk. " naiiling na wika nito.
"Matulog ka na nga. May gagawin pa kayo bukas. " utos nito sa akin at itinulak ako papunta sa pinto ng silid ko.
"Sandali. " pigil ko.
"Kumusta kayo ni Freya?" tanong ko. Kumunot naman ang noo nito sa naging tanong ko st imbes na sagutin ay patuloy padin ako nitong itinutulak papasok sa kwarto ko.
"Stop asking. Matulog ka na. "
"Don't tell me hindi ka pa umaamin? " tanong ko ulit. Nakita ko namang namula ito na ikinangiti ko. Magsasalita pa sana ako ng bigla ako nitong itulak papasok sa kwarto ko at agad itong isinara dahilan para hindi na ako makapagsalita pa.
"ang sama talaga ng ugali. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. " reklamo ko sa sarili ko. Dumiretso na lang ako sa higaan ko at nahiga. Matiim kong pinagmasdan ang kisami ng silid ko.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin ang lahat sayo Max? " tanong ko sa sarili ko bago ipinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
RandomOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.