Chapter 9

371 18 0
                                    

Nike's POV

DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula ng matanggap ni Max ang banta ng Sindikato.Naging mahigpit pagbabantay sa kanya mula sa paligid ng kompanya dahil na rin sa request ni Eireisone na magtalaga ng mga taong magmamanman sa paligid nito.  Ngunit dalawang linggo na rin kaming walang nakukuhang impormasyon tungkol sa hakbang ng Lycon dahil hindi rin namin makausap ang agent naming nasa loob.  Lahat kami ay naghihintay sa update ni Naevius sa loob ng nakaraang linggo ngunit wala kaming nakuha mula sa kaniya bagay na ikinababahala na namin.


Dalawang  linngo na rin kaming naging abala sa loob ng opisina. Agad ko namang natutunan ang ang mga itinuro ni Joyce ngunit may mga pagkakataon parin na nagkakamali ako isang bagay na agad na ikinagagalit ni Max.  Perfectionist kasi ang damuhong iyon.  Tulad ngayon,


"Bukas na ang presentation ng proposal na iyon pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin natatapos? At kada araw na ipinapakita mo ang presentation palaging may mali. Kailan mo ba mapeperpekto iyon?" halos sabunutan na nito ang sarili nitong mga buhok dahil sa sobrang inis. 

Imbes na makipag sagutan dito na kadalasang ginagawa ko ay mas pinili kong manahimik na lang.  Alam ko namang paraan niya lang ito para maibalas ang galit niya sa akin.

"I'm sorry, Sir." paumanhin ko at napahilamos ito sa mukha.


"Humingi ka ng tulong kay Joyce o kung kanino man.  You need to finish that before Midnight,  Now go.  Sinisira mo ang araw ko." bulyaw nito sa akin.  Hindi ko ininda ang mga sinabi nito ay lumabas ng opisina eksakto namang nabungaran ko si Lance.



"Pagpasensyahan mo na si Sir Max,Miss Nike,  hindi ko rin maintindihan kung bakit ganyan ang ugali niyan simula ng dumating siya rito.Hindi naman siya ganyan noon." paumanhin ni Lance na siguradong narinig ang mga pinagsasabi ng boss nito.


"Ayos lang.Wala naman iyon sa akin.  Nandito lang maman ako para gawin ang trabaho ko." pilit ngiting sagot ko.


"Pero ang usapan po hindi ba  ay bodyguard niya lang kayo?  Bakit pati ang pagiging secretary niya ay pinangatawanan niyo? " tanong ulit nito.

Tama siya,dumating na si Lance pero hindi parin ako tinatanggal ni Max sa pagiging secretary niya. Talagang sinasadya na niya ang bagay na ito.



"Kasama sa binabayaran ni Mr. Sandoval ang pagiging secretary ko hindi lang ang pagiging bodyguard ko sa kanya.  Siguro wala rin naman masama do'n dahil nagkausap naman sila ng maayos ng agency ko. " paliwanag ko rito na ikinangiti nito.


"Siya nga pala,  alam mo ba kung paano gawin ang proposal na ito? " tanong ko sa kaniya at ipinakita ang business proposal dito.



"Kailangan na kailangan ko talaga ng tulong para matapos ito before midnight." i added.


"Ah, madali lang iyan Miss Nike. I'll help you with that." Nagliwanag ang mukha ko mula sa narinig ko. Hulog talaga ng langit itong si Lance.



"Talaga?  Maraming salamat." pasalamat ko rito bago kami pumunta sa opisina ni Joyce upang humingi rin ng tulong. Inabot kami ng apat na oras sa pag-aayos ng presentation ng proposal.


"9:46 pm na pala. Nakakapagod." saad ni Joyce habang inuunat-unat ang katawan.

"Pasensya na kung naabala ko pa kayo."saad ko. Agad naman itong ngumiti sa akin.


"Ano ka ba Miss Nike maliit na bagay lang ito." Joyce said while smiling.



"Maraming salamat talaga sainyong dalawa. hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ang tulong niyo."Saad ko pa.

"Don't thank us yet,hindi pa natin alam kung magugustuhan ito ni Sir Max." Lance said.



"Oo nga Miss Nike.Sana lang Miss Nike ay wala ng maging reklamo dyan si Sir Max." segunda naman ni Joyce.



"Don't worry kapag nagreklamo pa ang taong 'yon ihahampas ko na sa kanya ang folder na ito." Pagbibiro ko na ikinatawa nila.



"Anyway,  mauna na ako sainyo Miss Nike. " paalam ni Joyce bago lumabas na inihatid naman ni Lance sa baba.
Lumabas na ako sa opisina ni Joyce at bumalik sa opisina Max. Naabutan ko itong abala sa pagpirma at pag review ng mga project ng company.



"Sir,  eto na po yung presentation para sa proposal bukas."wika ko nang makalapit sa table nito.Umangat ang mukha nito at kinuha ang folder sa akin. 


Sinuri niya ito ng mabuti habang nakakunot ang nood habang ako naman ay hindi mapakali sa kinatatatyuan ko.  Sana tama na ang ginawa ko ngayon!



"Much better. Pwede na ito. " saad nito at inilapag ang ang folder sa kanyang lamesa.Napangiti naman ako sa narinig ko. Atlast!



"Magligpit ka na ng mga gamit mo.Uuwi na tayo." utos nito na agad ko namang sinunod.



KINABUKASAN ay naging abala naman kami para sa board meeting at sa presentation ng proposal. Hindi naman ako nakaramdam ng kaba dahil matagal ko na ring ginagawa ang mga ganitong bagay kaya sanay na ako.



"You are the owner of Villaruel's Car Enterprise Right?"tanong ng isa sa mga board,kumunot naman ang noo ni Max sa naging tanong nito. 


"Yes sir."


"Bakit nandito ka sa company knowing na may sarili ka namang kompanya? " dagdag pa nito na sinangayunan naman ng iba pang board members.


"I'm exploring. I'm looking for something new na malayo sa car company ko.It is just for temporary,I'll consider this as a job experience also." simpleng sagot ko na ikinatango naman ng lahat.



"May punto ka sa proposal mo at dahil alam kong kaya mo itong gawin ay pumapayag ako sa project na ito. " sagot ng isa sa board na sinangayunan ng iba na nauwi sa aporoval ng proposal.


"Not bad." narinig kong sabi ni Max bago lumabas ng conference room at bumalik sa kanyang opisina habang ako naman ay binabati ng board members at ng iba pang empleyado.


Mabuti na lang at naaprobahan dahil kung hindi siguradong gigisahin niya ako at kapag hindi ako nakapagpigil ay baka tuluyan ko na talagang bitawan ang misyong ito.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon