Chapter 4

455 24 0
                                    

Nike's POV


Tanging tunog lang ng makina ng sasakayan ang maririnig sa loob ng kotse habang papunta kami sa bahay ni Eireisone.  Max keep insisting na hindi ko na siya kailangan ihatid but it the end pumayag na lang ito.  Hindi na sumama si Lance kay Max dahil bumalik muna ito pansamantala sa Greece upang tignan ang sitwasyon ng mga business ni Max doon. 
Makalipas lamang ang kalahating oras ay narating namin amg bahay ni Eireisone.Agad naman kaming pinagbuksan ng pintuan ng asawa nito.


"Good evening,Atty."bati ko sa asawa ni Eiresone.


"It's nice seeing you again,Nike." Chaos greeted back.

"Kailan ka pa dumating? " baling naman nito sa lalaking nasa tabi ko.

"Hindi ba dapat pinapapasok mo muna ako? Hindi mo man lang itrato ng maayos ang bisita mo. " asik ni Max dito.


"Bwesita kamo. " sagot naman ni Chaos at pinapasok kami.

"Max! " A sweet but loud voice echoed inside the house. Nagmamadali itong tumakbo patungo sa amin. Apat na buwan na rin simula ng matapos ang kaso ng mama nito.Noong nakaraang buwan lang din ginanap ang kasal ng dalawa. 

Matapos ang nangyari kay Gray sa mansyon ay hindi na pinili ni Eireisone na manatili dito instead nanatili na lang sila sa rest house ng lolo nito na siyang ama ni Max.  Malaki ang rest house nila na ngayon ay bahay na nila Eiresone, makikita dito amg pagkahilig ng dating Senior Chairman sa Spanish art mula sa mga dingding maging sa desinsyo at laman ng rest house.

 
"Eirei! Don't run! Makakababa ka naman." saway ni Chaos sa asawa ng bigla itong tumakbo pababa ng hagdan.  Matigas talaga ang bungo ng babaeng ito.  Pinagsabihan ko na ito na mag ingat dahil maselan ang pagbubuntis niya pero hindi sumusunod sa mga sinasabi ko.


Isang buwan ng buntis si Eirei, sinamahan ko ito noong mga nakaraang linggo na magpatingin sa doctor tungkol sa pagbubuntis niya, dahil abala si Chaos sa bagong kasong hawak nito ay nagpasama si Eirei sa akin sa Obygne. Nalaman namin na mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan nito kaya kinakailangan ang matinding pa-iingat.  Ipinaliwanag ko na rin ito kay Chaos kaya mahigpit din ang pag-iingat niya sa asawa. Kapag wala ito ay tinatawagan nito ang mga agent na maaaring mag bantay sa asawa niya pansamantala dahil ayaw nitong maiwan itong mag isa. 


"Careful Eirei."Max said.
Eirei hugged his cousin nang makababa ito. They're really close nang dahil na din siguro sa pagiging malapit ni Eireisone sa tatay ni Max at kung tutuusin si Eireisone na lang ang natitirang kamag anak nito na malapit sa kanya.


"Miss me that much huh? " natatawang sabi ni Max habang yakap si Eirei.

Bumitaw ito sa pagkakayakap at ngumiti sa pinsan,"Hindi ka man lang nagsabing uuwi ka na pala, sana nasundo ka namin. " Eireisone said. Hindi ipinaalam ni Cy kay Eirei na uuwi ang pinsan nito ngayon bagay na hindi ko alam kung  bakit.


"I was too preoccupied this past few days kaya nakalimutan kong tumawag sayo." Max answered.

Bumaling naman si Eireisone sa akin," Hey Nike!" she said and kissed my cheeks.

"Inihatid ko lang siya at gusto na rin kitang makausap. " simpleng sagot ko.

"Oh sure." Eirei said.


"Eirei, I'll stay here for tonight. Pinapaayos ko pa ang mga gamit sa bahay. Ayoko ring mag stay sa hotel.  "agaw ni Max sa usapan namin.
How rude of him.


"No problem Kuya. You can stay whenever you want and i thought you'll be staying here for good? " takang tanong ni Eirei.


"Ayokong manatili sa bahay ninyo Eirei.  Ayokong madamay kayo sa gulo at isa pa hindi naman ako mananatili ng matagal sa bansa. Kapag natapos na ang lahat ng ito at nahuli niyo na sila aalis na rin ako.  Marami akong naiwan sa Greece at hindi ko pwedeng basta-basta lang na iwan ang mga bagay at tao do'n. " paliwanag ni Max. 

"At isa pa ayoko ring maka istorbo sa inyo ng asawa mo." dagdag pa nito.

"Alright.Ikaw ang bahala. basta kung gusto mong mag stay dito, tawagan mo lang ako." tumango naman si Max bilang sagot sa pinsan.


"Attorney, pakisamahan na lang si Chaos sa guest room.  Mag-uusap lamg kami ni Nike." utos nito sa asawa.
Natawa na lamang ako sa tawag nito sa kaniyang asawa,wala talagang pinapalampas ang babaeng ito kahit asawa niya pa.


Agad naman itong sinunod ni Chaos at umakyat na ang dalawa sa taas habang sinundan ko naman si Eirei sa likod ng bahay kung nasaan ang maliit na garden nito.


"Kumusta ang unang araw? " nakangiting tanong nito sa akin na ikinasimangot ko.


"Your cousin is a freaking evil,Eirei!" reklamo ko kay Eireisone na ikinahalakhak nito.


"Napakaaroganti ng pinsan mo Eirei malayong-malayo sa Max na nakilala ko noon.  I know he still mad at me but can he just be kind to me? Kung tratuhin niya ako sa unang araw ng trabaho ko ay parang ipinapamukha nito sa sa akin na malaki ang kasalanan ko sa kanya. " reklamo ko pa.


"You can't blame him, Nike.  It's a defense mechanism.Lagi niyang ginagawa 'yan lalo na sa mga taong nanakit sa kanya noon.Ayaw niya lang na masaktan ng isang tao sa pangalawang pagkakataon." Paliwanang ni Eireisone sa seryosong mukha.


"I know Eirei  but—"


"Kapag naging maganda ang pakikitungo niya sayo mahuhulog ka na naman sa kanya not to mention na hulog ka parin hanggang nagyon sa kanya. Alam ko kung gaano ka karupok Nike, daig mo pa ang kahoy na isang apak lang mababali agad. Alam mo kung anong magiging resulta ng bagay na iyan Nike,hindi ba? "natahimik ako dahil sa sinabi nito. 

She's right.Siguro mas mabuti na nga na ganito ang trato ni Max sa akin para maiwasan ang bagay na iyon.  Kailangan ko rin sigurong kalimutang ang nangyari noon dahil kung titignang mabuti ako lang naman ang nananatili parin sa nakaraan. Panahon na rin siguro  na kalimutan ang nararamdaman ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi kami puwede.


I sighed deeply, "Styx wants you to decode that." pag-iiba ko sa usapan at inilapag ko ang ipinadalang mensahe ni Styx.Kasalukuyan itong nasa loob ng university kung nasaan ang anak ni Senator Young na siyang misyon ni Styx.


"Hindi makagalaw ng basta-basta si Styx sa loob dahil masyadong mahigpit ang university pagdating sa pagamit ng mga gadgets, nagkataon lang na nagkaroon siya ng pagkakataon para ipadala yan sa akin. " paliwanag ko.


"Is her job mission too dangerous?" She asked.

Tumawa ako ng mapakla,"Walang tayong trabaho na hindi delikado,Eirei."


"I mean what something happen inside na hindi natin alam lalo na at masyadong pribado ang eskwelahang pinasukan ni Styx."saad nito na bakas ang pag-aalala sa mukha.


"Stop worrying,Eirei. Maliban kay Styx ay may kapit din tayo sa ibang opisyal sa ekswelahan kaya kung may mangyari man ay makararating sa atin ang impornasyon. At isa pa, alam mo kung paano mag trabaho si Styx sisiw lang sa kaniya ang misyon ito." Saad ko pa na ikinatango naman nito.


"Anyway,i'll go ahead. I need to pack my things." Pagpapaalam ko.


"I heard about it from,Cy." natatawang sabi niya.


"Next time basahin mo muna ang contract bago ka pumira para hindi ka napapahamak." she added.


"Nakakatamad magbasa." Reklamo ko.


"Dahil sa katamaran mong 'yan baka isang araw malaman mo na lang na kasal ka na pala dahil pirma ka lang ng pirma at hindi man lang inaalam kung ano ang pinipirmahan mo."sermon pa nito.


"Yeah yeah yeah. Stop lecturing me. Mag focus ka na lang sa pagbubuntis mo at makinig sa bilin ng asawa mo hindi 'yong inuulan mo na naman ako ng sermon."pagbibiro ko rito.


Kinurot naman nito ang pisngi ko."Oh come on,Eirei! H'wag mo akong paglihian please lang!" hiyaw ko.


Tumawa ito ng malakas,"Sorry. Ang pluffy kasi ng cheeks mo." She said while grinning.




"Aalis na nga ako baka kagatin mo pa ang pisngi ko." Naiiling na saad ko bago lumabas ng kanilang bahay.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon