Nanghihinang napaupo si Nike. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya at hindi niya man lang nagawang sumagot sa mga sinabi Max. Patuloy lamang ang pag agos ng luha mula sa kanyang mga mata.
Samantala, nagmamadali namang nagtungo si Klaus sa silid ng kapatid niya at nagkataong nakasalubong nito ang papalabas na si Max.
"Kuya Max. " tawag ni Klaus dito ngunit parang hindi siya nito narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napansin din ni Klaus na tila wala ito sa sarili kaya naman ay nagmamadali si Klaus na pumunta sa kapatid niya.
"What the hell ate? Why the hell are you crying?!" halos takbuhin ni Klaus si Nike ng makita nitong walang humpay sa pag iyak ang kapatid niya habang tulalang nakaupo sa sahig ng kwarto nito.
Agad nitong nilapitan ang kapatid at walang pag aalinlangang niyakap ito.
"Stop crying ate. Please stop it. " malumanay na wika ni Klaus sa kapatid.
"H-he said that he still love me Klaus. He confessed his feelings for me. But... But why didn't i even answer? Why didn't i tell him that i still him? Why?! Bakit ang hina hina ko pagdating sa kanya Klaus. Bakit?! " halos mapunit na ang laylayan ng damit ni Klaus dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Nike dito. Wala pading tigil ito sa pag iyak.
"Dahil natatakot ka na sabihin sa kanya ate. " sagot ng kapatid sa malungkot na boses.
Tila natigilan si Nike sa sinabi ng kapatid at saglit itong tumahimik. Kapag kuwan ay muling nagsalita.
"Tama ka. I'm afraid. I'm afraid na kapag naging masaya kaming dalawa malalagay na naman sa kapahamakan ang buhay niya. I don't want to hurt him Klaus. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ang unfair ng mundo. Kung kailanan gusto gusto kong maging masaya saka naman hindi pwede. Palagi na lang bang sakit ang mararamdaman ko? Wala na ba akong karapatang maging masaya? " mapait na wika ni Nike at bumitaw sa pagkakayakap ng kapatid.
"Tell me Klaus. Anong kasalanan ko para maging miserable ang buhay ko? Dahil ba sa minahal ko siya? Mali bang minahal ko siya? " tanong nito sa kapatid habang walang humpay ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata nito.
Hinawakan ni Klaus ang mukha ng kapatid at dahan dahang pinunasan ang mga luha nito.
"Hindi maling minahal mo siya ate. Nagkataon lang na may mga hadlang sa pagmamahalan ninyo. Ate, sapat na ang apat na taong sakit. Hayaan mo ang sarili mong maging masaya. Huwag mo munang isipin kung ano ang maaaring mangyari kapag naging masaya ka. Just go with the flow and let yourself be happy again. Tell him that you still love him. Wala akong kapatid na takot, tell him that you love him. Mahal ka ni kuya Max kaya alam kong maiintindihan ka niya. " wika ng kapatid nito dahilan para muli itong yakapin ni Nike.
..........
"Hoy! Gising!" hiyaw ng isang lalaki kay Lance habang nakahiga ito sa isang silid at duguan. Pumasok ang isang lalaki binigyan ito ng tubig at pagkain
"Kumain ka. Huling araw muna ito. " nakangising wika sa kanya ng lalaki ngunit hindi man lang nag abala si Lance na hawakan ang mga ibinigay nito. Makalipas ang ilang minuto ay may dalawang tao na naman na pumasok sa silid nito.
"Eat up." utos ng isang babae. Ngunit hindi sumunod sa kanya si Lance.
"Don't force him,Erhen. Mamatay lang din naman yan. " wika ng lalaki na umupo sa harap nito habang may sigarilyo sa bibig.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mapahamak si Max. " matapang na sagot ni Lance dito bagay ba ikinatawa ng lalaki.
"I pity you. Isasakripisyo mo ang buhay mo para lang sa isang walang kwentang tao? " Tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.
"Siya ang dahilan ng lahat ng mayroon ako ngayon kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa ama niya. " Lance said.
"Well, I don't even care. Papatayin ko lang din naman siya. " dagdag pa nito.
"Fuck you Rojan! " hiyaw dito ni Lance na mas lalong ikinatawa ni Rojan.
"Anong kasalan sayo ni Max para gawin mo ang mga kahayupang ito sa kanya? Ganyan ka na ba kadesperado para lang makakuha ng pera?! Pwe! Nakakahiya ka! " galit na sigaw dito ni Lance. Saglit na tumigil si Rojan at tumayo bago hinawakan ng marahas ang panga ni Lance.
"Anong akala mo sa lalaking yun Santo?! " gigil na wika ni Rojan habang mahigpit ang hawak nito sa mukha ni Lance.
"Siya at ang ama niya ang dahilan kung bakit bumagsak ang kumpanya namin at kung bakit kami bumagsak. Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang ina at kapatid ko. Kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana sila hangang ngayon.! He killed them! Kaya papatayin ko din siya! " galit na wika nito at itinulak si Lance dahilan para mapasubsob ito
"He didn't do that. " sagot ni Lance.
"He did! " sigaw nito maging si Erhen ay nagulat din sa pag sigaw nito.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
RandomOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.