"is everything ready? " tanong ni Clymene sa lahat.
"Yes. Were ready." seryosong sagot ng lahat sa naging tanong ni Clymene
it's 2am in the morning at lahat ay naghahanda na sa gagawing pag ataki ilang minuto mula ngayon.
"Eirei?" kuha ni Clymene sa atensyon ni Eirei.
"it's done Cly. Magaling ang tao ng CHAIN sa loob para mailagay ang maliliit na camera sa buong paligid ng Lycons." nakangiting sagot ni Eireisone dito.
"She's really great pagdating sa mga ganitong bagay. Nakakabitan niya nga ng mga hidden camera ang bawat silid namin noon ng hindi namin nalalaman. " pagbibiro ni Sebastian na ikinatawa nila.
Nabaling ang atensyon nila ng pumasok si Nike at seryoso lang ito sa pag assemble ng baril niya. Walang makikitang emosyon sa mga mukha nito. Matapos ang nangyari kahapon sa pagitan ni Erebos at Max at ang naging pag uusap nila ni nike ay naging ganito na ang lalaki. Walang alam ang lahat kung anonang nangyari sa pag uusap ng dalawa. Ni hindi din ito nagkikibuan.
"Max. " ani ni Eireisone ng lumapit sa kanya ang pinsan. Tila natigilan naman si Nike ng marinig ang pangalan ng lalaki.
"Stay here. Huwag kang lalabas ng HQ kahit anong mangyari. Dahil kapag nagkataon na lumabas ka ay iyon ang oras na masisisra ang plano at hindi natin maililigtas ang mga bihag nila at si Lance. " paalala ni Clymene dito.
"Ikaw ang main target. Kapag nakuha ka nila hindi sila magdadalawang isip na patayin ka. " dagdag pa ni Carter. Hindi nagsalita si Max at tumango lang ito sa mga sinabi nila.
"are you okay? " tanong ni Eireisone dito ng makita ang ang walang buhay na mga mata nito.
"I'm fine. " tanging sagot nito.
"Nike, mali ang pag assemble mo. " wika ni Magnus kay Nike na nasa kaliwa nito. Tila natauhan naman ang dalaga at agad na inayos ang baril nito.
" Nike? Ayos ka lang? " tanong din ni Khalix sa dalagang katani nito.
Ngumiti lang ang dalaga bago sumagot sa tanong nito.
"Ayos lang ako. " sagot nito bago bumaling sa lahat.
" I'll wait outside. " wika nito bago tinalikuran ang lahat at lumabas. Lahat ng mga mata ay nakasunod lang sa kanya ngunit walang ni isa man ang nagtanong kung ano nga bang nangyayari kay Nike.
" Let's go. " wika ni Clymene sa lahat.
"Eirei ikaw ng bahala dito. " bilin nito sa dalaga.
"Mag iingat kayo." wika naman ni Mr. Montgomery sa mga ito.
"Clymene. " wika ni Max bago pa ito makalabas.
"Please...... Please keep her safe. " malungkot ang mga matang wika ni Max kay Clymene.
"She can handle herself. And don't worry walang mangyayaring masama sa kanya. " sagot ni Clymene dito bago ito lumabas.
"Don't worry. Babalik siya. Babalik siya sayo." nakangiting wika ni Eireisone kay Max.
"Oo babalik siya.. Babalik siya.. Pero hindi para sa akin. " sagot nito ng may mapait na ngiti sa nga labi bago tinalikuran si Eireisone.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
CasualeOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.