CHAPTER 58

339 11 0
                                    


"N-No N-No No!!!!  Eirei!!  Lance!! " sigaw ni Max bago ito nagmamadaling lumabas ng HQ.

"Goddamit! Sean! Drea!  Follow him! " utos ni Eireisone sa mga agent na kasama nito.  agad namang tumalima ito at sumunod kay Max.

"Erebos may hospital na malapit sa kinaroroonan ninyo.  Dalhin na niyo na ang dalawa. " utos ni Eireisone ngunit ni isa sa mga ito ay walang gumalaw bagay na nakapag painis kay Eireisone.

"GET YOURSELF BACK IDIOTS!  THEY WILL DIE ANYTIME SOON KUNG HINDI PA KAYO GAGALAW! FOR GODNESS SAKE! " hiyaw ni Eireisone bagay na nakapagpabalik sa atensyon ng lahat.

Agad na binuhat ni Erebos si Nike habang tinulungan naman ni Naevius ang sugatang si Erhen. Pinagtulungan ding buhatin nila Magnus si Lance na pare parehong walang malay.

halos paliparin na ng mga ito ang sasakyan para lang makarating sa hospital. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na ang mga ito sa hospital.  Agad na tinawagan ni Eireisone si Max.

"Hey bastard, I'll  send you the location kung nasaan dinala sina Nike. " inis na wika ni Eireisone kay Max bago nito pinatay ang telepono.

"Nurse emergency! " hiyaw ni Carter ng makapasok ang mga ito sa loob ng hospital habang hawak ang tatlong walang malay. Agad naman silang tinulungan ng mga nurses doon kasabay ng paglabas ng tatlong doctor.

"Erebos? " sabay sabay na wika ng mga ito ng makita si Erebos.

" i need your help.  Gawin ninyo lahat just to save them." wika dito ni Erebos. 

"gagawin namin ang makakaya namin. " sagot ng isang doctor bago sila nito tinalikuran.

"Kilala mo sila? " Khalix asked.

"Isa sila sa mga kasamahan ko sa dating hospital na pinagtatrabahuhan ko.  Magagaling sila, i know they can save them. " wika ni Erebos sa mga ito.

"Damn it!  Nike will be okay right?" tanong ni Clymene habang may luha sa mga mata. 

" She will. " sagot ni Carter dito habang nakahawak sa mga balikat nito.  Si Styx naman ay walang imik na nakatayo lang sa gilid na tila hindi padin makapaniwala sa nangyari. 

"Where is she?! " hinihingal na tanong ni Max ng maabutan niya ang mga ito sa labas ng operating room.

"Nasa loob siya." sagot ni Naevius.

"Damn it!  It's all my fault!  Ako ang dahilan kung bakit sila nasa sitwasyong iyan. " garalgal na wika nito. 

"Wala kang kasalanan. Biktima ka lang din.  At isa pa trabaho naming protektahan ang bawat client namin kahit buhay pa namin ang kapalit." sagot ni Zylus dito. 

Hindi na nagsalita si Max at nanatili lang itong nakatayo sa labas ng emergency room kasama pa ang ibang agent at miyembro ng CHAIN.

"Clymene. Naayos na ng mga agent natin ang lugar na pinagkutaan ng sindikato.  Nakuha na din ang bangkay ni Rojan." imporma ni Zylus.  Tumango lang si Clymene bilang sagot dito.

Dalawang oras ang makalipas ay lumabas ang mga doctor mula sa emergency room.  Agad naman itong nilapitan ni Max.

"Kumusta sila Doc? " agad na tanong nito.

tumingin muna ang isang doctor sa gawi ni Erebos .

"Stable na ang lagay ng kapatid mo Erebos.  Walang gaanong damage. Mabuti na lang at minor lang ang naging resulta ng pagkakabaril niya." wika ng doctor na ikinahinga ng maluwag ni Erebos.

"Thanks Reiv. " wika nito sa doctor.

"pero si Nike Villaruel ay hindi maganda ang lagay." wika naman ng isang lalaki.

"Same as Lance. " dagdag pa ng isang doctor.

"Naparuhan si Nike dahil sa balang tumama sa kanya kaya naman unconscious parin ito hangang ngayon.  She need to go series of test para masigurado na maayos na ang kalagayan niya. " paliwanag ng doctor kay Max.

"Katulad ng kay Nike ay malala din ang lagay ni Lance.  Hindi ko pa nasisigurado na ligtas na nga ang kalagayan niya. Kailan pa namin siyang obserbahan. " dagdag pa ng isang doctor bago sila nito iniwan.

"Damn it! "

"Crap! "

"Shit! "

"Godness! " sunod sunod na mura ang narinig matapos umalis ng mga doctor.

"Stop it guys.  Magtiwala lang tayo na magiging ligtas sila. " saway ni Levin sa mga ito.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon