"Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong mo oras na magising ka na. Hindi ko din alam kung mapapatawad mo ako kapag nalaman mo ang lahat. " mahinang wika ni Clymene habang pinagmamasdan si Max na hangang ngayon ay wala pading malay.
"You've been hurt so bad. Ayoko ko ng masaktan ka ulit. Please forgive for doing tha." tuluyan ng tumulo ang luha ng dalaga ng hawakan nito ang kamay ni Max. Hindi alam ni Clymene kung ano ang maaaring mangyari kapag nagising na ito lalo na ngayong nasa kamay ng sindikato si Lance.
Pinunasan nito ang mga luha niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang hinihingal na buntis na si Eireisone.
"H-how is he? " tanong nito habang nakatingin sa nakaratay na katawan ni Max. Bakas sa boses nito ang pag aalala pero nagawa padin nitong maging kalmado. Eireisone is know for being calm despite of everything na nangyayari sa palaigid nito .
"Ligtas na siya. Ang sabi ng doctor ano mang oras ay maaari na siyang magising." sagot ni Nike dito na hindi magawang tignan si Eirei. Nike is blaming herself for what happened to Max na kahit titigan ang pinsan ni Max na si Eireisone ay hindi nito magawa.
"I-Im sorry Eirei. " mahinang wika ni Nike na ikinalingon ni Eireisone. Nilapitan ni Eirei si Nike at niyakap ang dalaga.
"Don't be sorry. it's not gour fault." nakangiting wika nito habang yakap ang kaibigan.
"Nasabi na nina Styx ang nangyari. Wala kang kasalanan Nike kasalanan ito ng Sindikatong iyon. " galit na wika ni Eirei habang nakakuyom ang mga kamao nito ng bitawan sa pagkakayakap si Nike.
"They've got Lance Ei, I'm really sure Max will be mad at me because of that. " wika ni Nike na pinipigilan ang luha nito.
"We'll get him back Nike. We will. Hindi natin hahayaang magtagumpay sila sa gusto nila. " walang emosyong wika nito.
"Nike. " agaw nito sa atensyon ni Nike na pinagmamasdan si Max.
"Do me a favor please. "
"W-what favor Eirie?"
"Kapag nagising na si Max, please tell her everything. "nagulat naman si Nike sa sinabi ng kaibigan kaya hindi ito agad nakasagot.
"If you really don't want to hurt him more, tell him the truth . He deserves to know everything,lahat ng nangyari at dahilan kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon four years ago. Please Nike, sapat na ang apat na taong pagtatago. "nagmamakaawang wika ng kaibigan nito habang nakahawak sa kamay ng kaibigan. Hindi na napigilan ni Nike ang pag agos ng luha nito dahil sa mga sinabi ni Eirei kaya naman ay agad itong niyakap ng kaibigan.
"Eirei nandito ka na? Nasaan ang asawa mo? " kaagad na wika ni Clymene ng makapasok ito sa silid ni Max dahilan para maghiwalay sa pagkakayakap ng dalawa. Dahan dahang pinunasan ni Nike ang mga luha sa mata at humarap kay Clymene.
"Susunod na saw siya. After ng tawag ni Naevius at ibalita ang lahat ay agad akong pumunta dito. Kanina ko lang natawagan si Chaos. " sagot nito.
"Mag iingat ka Eirie, hindi natin alam kung ano ang sunod na hakbang ng sindikato." babala ni Clymene dito saka tumango naman si Eirei.
" Clymene, I'm going ---" hindi na natapos ng bagong pasok na lalaki ang kung ano pang sasabihin nito ng makita nito si Eirei. Maging si Eirei ay nagulat din sa nakita.
"K-kuya C-Cain. " garalgal na boses ni Eirei ng makita nito si Carter. Gumuhit naman ang nagtatakang tanong sa mukha ni Carter ng tawagin siya ni Eirei na Cain kaya naman ay agad na hinawakan ni Nike ang kamay nito. Mukhang nakuha naman agad ni Eireisone ang ibig sabihin ni Nike kaya agad itong nagsalita.
"I'm sorry. Kamukha mo lang yung kakilala ko. " hingi ng paumanhin ni Eireisone dito at sinuklian naman ito no Carter ng ngiti.
"Carter Fierro. "pagpapakilala nito at inilahad ang kamay kay Eireisone na agad naman nitong tinangap
"Eiresone Sandoval Del Rosario. "pagpapakilala nito.
"Max's sister?"
"No. I'm his cousin. "
"Ah. " matapos nitong magpakilala kay Eireisone ay ibinaling nito ang atensyon kay Clymene.
"I'll go ahead. I'll call you once na nakausap ko na ang tao namin sa loob. " paalam nito kay Clymene at agad namang tumango ang babae.
"I'll go ahead Ladies. " paalam nito bago tuluyang lumabas ng silid ni Max.
"Tell na hindi siya ang Cain na kilala ko. Tell me na namamalikmata lang ako sa nakita ko. " baling ni Eireisone sa dalawang babae ng tuluyan ng makalabas si Carter. Sandaling katahimikan ang namayani bago ito pinutol ni Clymene dahilan para mapaupo si Eirei sa narinig
"He is Carter Fierro o Cain na kilala mo. " wika ni Clymene.
"P-Paano nangyari ito?" nangangatal na wika ni Eireisone habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sabay namang umiling si Nike at Clymene sa naging tanong nito.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
RandomOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.