"Hello Styx? May problema ba?" tanong ko at may narinig na sunod sunod na putok mula sa kabilang linya. What the hell is happening?
"Nabaril si Max. Lycons attacked us. " nanlalaki ang mga mata kong humarap kay Clymene at nanginginig na nagsalita.
"Lycons. " tanging salitang nabangit ko bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Styx at Klaus maging sina Carter.
"Hey, anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? " takang tanong ni Zylus ngunit hindi ko nagawang sumagot.
'Nabaril si Max'
'Nabaril si Max'
'Nabaril si Max'
paulit ulit na salitang tumatakbo sa utak ko.
please, keep him safe!"Umataki ang Lycons kina Styx." sagot ni Clymene sa tanong ni Zylus bago hinarap sina Carter.
"Susunod kami sa inyo. Baka may maitulong kami. " wika ni Carter at agad namang tumango si Clymene bago sumakay ng sasakyan.
"Hurry up Zylus! " utos ko kay Zy habang nanginginig padin ang kamay ko.
"Calm down ate. Hindi makakatulong kong magpapadala ka sa emosyon mo. " wika ng kapatid kp na nasa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Kapag may nangyaring masama kay Max i swear I'll kill them all! " galit kong wika habang mabilis na pinapatakbo ni Zylus ang sasakyan habang nakasunod naman sina Carter.
.......
Nasa lobby kami ng building ng opisina ni Max dahil sa may darating daw itong investor at kailangan naming salubungin. Palinga linga ang mga mata ko sa kabuuan ng building upang masiguro na walang kahinahinalang tao sa paligid.
"Styx. " rinig kong tawag ni Naevius kaya naman ay nilingon ko ito. Sinesyasan ako nitong tumingin sa labas bago ito lumapit sa akin.
"Kanina pa nasa labas ang dalawang lalaking yan. Alam kong hindi sila normal na empleyado mg kompanya. Careful Styx, hindi natin alam kung anong maaaring mangyari ngayon. " wika nito bago bumalik sa pwesto niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas at kapansin pansin ang ibang titig ng dalawang lalaki kay Max. Tila may hinhintay lamang ang mga ito.
"Where's Lance? " tanong ni Max sa amin at luminga linga para hanapin si Lance.
"Lumabas sandali si Lance,may kukunin daw siya sa parking lot. " sagot ni Naevius dito at tumango naman si Max sa naging sagot nito.
Makalipas lang ang ilang minutong paghihintay ay dumating na din ang hinihintay ni Max na Investor. Isang lalaking matangkad na natatakpan ang kalahati ng mukha na nakasunod sa isa sa empleyado ni Max. Bakit parang pamilyar ang mata ng lalaking ito ? Nakita ko na ba siya dati? At ganun na lang ang gulat ko ng tangalin ng lalaki ang mask na nakatakip sa mukha niya at makilala kong sino ang lalaking ito.
What the hell is he doing here?!
"Tres my man! Its been a while. " bati ni Max dito bago ito niyakap.
"Yo. Miss me that much huh? " pagbibiro nito kay Max.
damn it! bakit nandito ang siraulong ito?!
Tila hindi naman ako nito napapansin dahil hindi pa ito lumilingon sa kinatatayuan ko.
"Ops. Destiny is pain in the ass. " narinig kong wika ni Naevius kaya Nilingon ko ito at tinignan ito ng masama.
"Oh? Styx Dela Torre is that you? " tila gulat na tanong nito na tumingin sa direksyon ko.
"No. I'm not Styx Dela Torre. Nanaginip ka lang. " walang ganang sagot ko dito. Ngunit imbes na mainis sa naging sagot ko ay ngumiti lang ito ng nakakaloko. And i don't really like that smile!
"Ang swerti ko naman managinip para mapanaginipan ang isang magandang binibini. Right Max? " Nakakalokong tanong nito sa kaibigan at tinanguan naman ito ni Max.
"Let's have a sit." alok ni Max bago ito naupo.
"So, what are you doing here Styx? are you working for Max? " tanong nito sa akin.
"None of your business. " walang emosyong sagot ko at tinignan ito ng masama.
Magsasalita pa sana ito ng biglang may malakas na pagsabog na nagyari sa labas dahilan para magpanic ang lahat ng taong nasa loob ng building.
"Fuck! " napamura na lang ako dahil sa malakas na pagsabog.
"Naevius! Bantayan mo si Max. Don't let anyone go near him! " utos ko kay Naevius ng mapansing may ilang kalalakihan na may dalang malalaking armas ang papasok sa loob ng building.
"Yuko! " sigaw ko sa lahat ng makitang papaulanan na ng bala ng isang lalaki ang lahat ng taong nasa loob. Agad namang nahablot ni Naevius si Max sa ilalim ng mesa.
Damn it! Bakit ngayon pa umataki ang mga hayop na sindikatong ito?! Hindi ko mapigilang mapamura habang hawak ang dalawang caliber 45 na baril na tanging dala dala ko."Fuck! Styx ! May tama si Max! " sigaw ni Naevius na hindi kalaguan sa akin. Tumingin ako sa gawi nila at napansing may dugo ang suot na damit ni Max.
"Holyshit! Takpan mo ang sugat niya Naevius. Huwag kang aalis sa tabi niya, I'll handle this. " gigil kong wika at tumingin sa labas. Nakita kong papasok na ang mha lalaking may gawa ng pamamaril at pagsabog.
Walang pagdadalawang isip na lumabas ako sa pinagtataguan ko at sunod sunod na pinaulanan ng bala ang mga ito na agad namang tinamaan.
"Fuck Styx! Are you trying to kill yourself?!" Rinig kong wika ng isang lalaki na nakikipagpalitan din ng bala ng baril sa kalaban. Agad naman akong dumapa at nagtago sa isang lamesa na malapit sa akin ng may magpaulan ulit ng bala.
"Hindi ka sasatuhin ng mga balang yan Styx, for godness sake! " hiyaw ni Tres sa akin na siyang nakipagbarilan din kanina. Damn?! Bakit may dala dalang baril ang lalaking ito?!
"Shut up Prime! " hiyaw ko ulit bago tumayo at pinagbabaril ang mga lalaking papalapit sa amin. Tumago na din si Tres at nakipagbarilan din. I didn't know na marunong itong makipaglaban.
Natigil ang tangka kong pagbaril sa lalaking pumasok ng makita kong hawak nito si Lance.
"Pull the trigger and i will make sure that he'll die. " banta nito.
"Fuck you Rojan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/214477643-288-k459206.jpg)
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL
RandomOne of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.