Chapter 12

369 17 0
                                    

Nike's POV

APAT na araw na simula ng mangyari ang engkwentro namin sa sindikato.  Mabilis namang gumaling ang mga sugat ko sa tagiliran na nakuha ko noon, nagkaroon na rin ng progress sa kalagayan ni Astraea ngunit hangang ngayon ay hindi parin ito magigising.  Apat na araw na rin simula ng malaman namin na may tao ang sindikato sa loob ng aming organisasyon.Simula ng araw na iyon ay naging mahigpit si Clymene sa pagbibigay ng impormasyon sa mga miyembro ng Nostalgia tungkol sa mga hakbang namin na gagawin laban sa sindikato dahil hangang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino sa kanila ang traydor.Nagsimula na ring palihim na magimbestiga si Clymene, knowing her hindi niya mapapatawad ang taong traydor sa samahan. Pinaghirapan niya ang Nostalgia na minana pa nito sa mga magulang niya kaya nasisiguro namin na hindi ito papayag na masira ang organisasyon.Tanging ako,si Styx at Eireisone lang ang pinagkakatiwalaan niya ngayon tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa Lycon's Syndicate.



"Wala pa bang plano kung kailan ninyo huhulihin ang sindikato?" Max asked. 
Liningon ko ito na abala sa binabasang project proposal.


"We are still gathering information,Mr.Sandoval.Hindi kami maaaring basta basta na lang gumalaw dahil hindi basta bastang sindikato ang kalaban namin. Hindi rin namin maaaring ilagay sa panganib ang buhay ng bawat agent namin." paliwanag ko.


"Kung gagawa kami ng hakbang ngayon ay siguradong hindi lamang ang organisasyon namin ang mapapahamak maging ang mga client namin. Sana naiintindihan mo na hindi madaling kalaban ang sindikagong iyon.  dagdag ko pa.Hindi na ito sumagot sa mga sinabi ko at bumalik sa ginagawa niya.


Samantalang ako naman ay nagpatuloy sa pag aaral ng mga impornasyong nakuha namin muka kay Naevius. Ibinigay nito ang iilang impormasyon sa amin tungkol sa mga plano ng pinuno ng sindikato na sa telepono lang nila nakakausap. 

Tiyak na magiging malaking tulong ito.  Nabangit niya din na baka matagal na naman ang muling pakikipag usap niya sa amin dahil kailangan niyang maging maingat dahil pinagdududahan na ang bawat miyembro ng sindikato na maaaring trumaydor sa kanila.



Makalipas ang ilang oras ay pumasok si Lance sa loob ng opisina.



"Sir,nandito po si Ma'am Colene." kasunod nito ay ang pagpasok ng isang may hindi katangkarang babae na nakasuot ng damit na hapit na hapit sa katawan nito at halos lumuwa na rin ang dibdib ng babae. I didn't know na nag eexist ang ganoong damit.



Well,bukod sa black shirt and pants madalang din naman akong mag suot ng mga dress na katulad ng suot ng babae ngayon.Nagsusuot lang ako kapag may importanting okasyon o may formal gathering akong pupuntahan. at hindi ko rin type na mag suot ng ganyang mga damit na halos ipakita na ang buong kaluluwa mo. 


Lumabas na si Lance nang makapasok ang babae. Agad naman nitong ipinulupot ang kamay ng babae sa katawan ni Max na ikinakunot ng noo ko. 

Who is She? Siya ba ang kausap ni Max noong nakaraang araw? 

Agad kong iniyuko ang mukha ko nang makita kong agresibong hinalikan ng babae si Max.May kirot na biglang dumaan sa dibdib ko na hindi ko maintindihan dahil sa nakita ko. Gustong gusto kong hilahin ang babae palayo kay Max pero wala naman akong karapatang gawin ang bagay na iyon. 

Inangat ko ang aking tingin at pinilit na ipakita na hindi ako apektado.  Hindi dapat makita ng taong ito na hanggang ngayon ay apektado parin ako sa kanya. Matapos siya nitong halikan ay kumawala ito sa pagkakayakap ng babae.




"What are doing here Colene.? " tanong nito sa babae habang nakatingin sa akin kaya iniiwas ko ang mga mata ko.



"Kauuwi ko lang from Germany kahapon at nalaman ko na nandito ka kaya pinuntahan kita. MDid you miss me, baby? " malanding tanong ng babae.



"Hindi ka na dapat nag abala pang pumunta dito.Alam kong pagod ka dapat nagpahinga ka na lang." narinig kong sagot ni Max.



"Sir, lalabas lang po ako." sabat ko sa usapan ng dalawa na ikinalingon ng babae.


"Who is she?" mataray nitong tanong.



"She's my secretary." simpleng sagot nito.


"You can leave now,Miss Villaruel. " utos ni Max sa akin at bumalik sa pakikipag usap sa babae.



"Gusto mo bang pagurin kita mamaya.  My place or yours? " narinig ko pang mapangakit na tanong ng babae bago ako makalabas.



Nang makalabas ako sa opisina ay agad akong napaupo dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. And then suddenly a tear fell from my eyes.



"Godness Nike Why the hell are you crying?! "saway ko sa sarili ko habang pinupinasan ang luhang pumapatak mula sa mga mata ko.



"Hindi magandang diyan ka umiiyak, baka mapagkamalan kang nababaliw niyan." kasabay nito ay ang paglahad ni Lance ng panyo sa akin.


"Let's go somewhere else,Miss Nike. " he said at naglakad patungo sa rooftop ng building.



"Here,drink this.Para naman gumaan ang pakiramdam mo." wika nito at iniaabot ang inumin sa akin. 



"Thank you."



"Hindi na ako magtatanong kong bakit ka umiiyak dahil obvious naman kung sino ang dahilan ng mga luhang iyon. " wika nito ng nakangiti.



"Napuwing lang ako kanina." dahilan ko at ininom ang ibinigay nito.



"Don't lie to me, Miss Nike.Masyado ko na kayong kilala simula palang mg maging bodyguard kayo ni Sir Max noon.  Isa lang din ako sa iilang taong nakakaalam kung gaano kalalim ang pinagsamahan ninyo at kung gaano kayo nasaktang dalawa. " wika nito.  He's right. Sa lahat ng taong malapit kay Max ay isa ito sa nakakaalam ng lahat ng pinagdaanan nila. 



I heaved a deep sighed, "Ang hirap pala,'yong hindi ka naman dapat masaktan pero nasasaktan ka.'yong wala ka namang karapatang makaramdam ng ganitong sakit pero nararamdaman mo na kahit anong pilit mong kalimutan 'yong nangyari noon pero sa tuwing nakikita mo siya ay laging nitong pinapaalala sayo kung ano ang nagawa mo noon at kahit hindi niya sabihin alam kong nasaktan ko siya ng sobra.Ang hirap,  kasi hanggang ngayon nabubuhay parin ako sa alaala ng nakaraan ni hindi ko nga alam kung paano bibitaw." wika ko na natatawa.

"Lahat ng tao nakakaramdam ng sakit.  Lahat may karapatang masaktan, kung hindi ka na nakakaramdam ng sakit ibig sabihin lang no'n ay manhid ka na at may mali na sayo. Hindi rin naman kasi maganda kung hindi ka makakaramdam ng sakit at puro lang saya, paano ka matututo kung sa mga pagkakamali mo kung palagi ka lang masaya. Minsan ang sakit may naiibibigay na aral na hindi naibibigay ng kasiyahan. " wika ni Lance na nakatingin sa malayo.


"at alam mo ba kung bakit nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo siya? Dahil hanggang ngayon nabubuhay ka padin sa nakaraan. Dahil hanggang ngayon hindi mo padin napapatawad ang sarili mo.  Miss Nike, hindi ka dapat mabuhay sa alaala ng nakaraan dahil patuloy ka niyang sasaktan. Hanggat hindi mo pinapatawad ang sarili mo hindi maaalis ang sakit na nararamdaman mo.  You need to let go of everything. You need to forgive yourself Miss. Sapat na siguro ang apat na taong sakit, panahon na siguro para palayain ang sarili mo sa sakit at maging masaya. " dagdag pa nito kasabay ng pagbuhos ng masaganang luha mula sa mga mata ko at ang pagbabalik ng mga alaalang dahilan ng lahat ng sakit na ito.

Maybe he's right. Maybe this is really the right time to let go of everything. To let go of my memories with him.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon