SINULYAPAN ni Roni ang relo niya habang pumapasok sa gusaling kinaroroonan ng opisina ng Jimcorp International. One fifty. Tamang-tama lang ang dating niya. Sampung minuto bago mag-alas-dos, saka niya pupuntahan ang sekretarya ni Mr. Jimenez. Pupunta muna siya sa ladies room para siguradong maayos ang kanyang hitsura. Ayaw niyang dumating nang masyadong maaga, baka sabihing masyado siyang excited na makuha ang trabaho.
Inside the ladies room, she felt satisfied with her appearance. She was wearing camel-brown suit, peach silk shirt, closed-toe shoes with coordinating briefcase and her grandmother's necklace for good luck. Hindi siguro siya mananalo sa Miss Universe o sa kahit na anong beauty pageant pero kapita-pitagan naman ang hitsura niya at kabigha-bighani rin. But then, a protocol consultant like her should always look dignified and attractive.
Pumikit at huminga siya nang malalim bago lumabas at naglakad patungo sa kinaroroonan ng opisina ni Mr. Benjamin Jimenez.
Nasa isang meeting pa raw ito at hindi pa siya mahaharap. Naupo siya sa sofa at naghintay. Lima hanggang sampung minuto lang daw ang ipaghihintay niya pero mayamaya, pagsulyap niya sa relo niya, may dalawampung minuto na pala siyang naghihintay.
Ang dalawampung minuto ay mabilis na naging tatlumpung minuto.
Nakakaramdam na siya ng pagkasuya at parang gusto na niyang umalis na lang dahil tila walang balak ang Mr. Jimenez na iyon na kausapin siya nang lapitan siya ng isang babae at nagpakilalang si Cherry Dela Cruz. Ito ang nakausap niya sa telepono. Handa na raw siyang harapin ni Mr. Jimenez.
Dapat lang, itinago ang pagkainis na sabi niya sa isip. Pumikit uli siya at huminga nang malalim nang tumalikod sa kanya si Cherry upang igiya siya sa opisina ni Mr. Jimenez.
Isang lalaking may kausap sa telepono ang napasukan niya. And it was Benjamin Jimenez indeed. Nakita na niya sa ilang pahayagan at magazine ang mukha nito. One magazine, a reputable one, called him Manila's most eligible bachelor.
Sinenyasan siya nitong maupo sa silyang nakaharap sa mesa. Taking a deep breath again, she obliged. Nakaramdam uli siya ng pagkairita na kahit ngayong nasa opisina na siya nito ay hindi pa rin agad siya makakausap nito. But at least, he acknowledge her. Dapat na lang siguro niyang tanggapin na talagang masyadong abala ang mga katulad nito, okupado ang bawat minuto.
May buti rin namang idinulot na nakikipag-usap pa ito sa telepono. Napagmasdan niya ito. Mas guwapo ito kaysa hitsura nito sa mga babasahin. May karapatang kiligin dito ang mga kakilala niyang babae. Siya lang, kung hindi siya naunahan ng kaunting pagkaasar, baka kinikilig na rin siya ngayon. Kakaiba sa ibang executive, may kahabaan nang kaunti ang buhok nito.
Ang kabuuan ng kuwarto ang sunod na pinagmasdan niya. Mamahalin at elegante ang mga gamit na naroroon. Nang ibalik niya ang tingin sa lalaki, wala na itong kausap sa telepono. Agad itong ngumiti nang magtama ang mga mata nila.
And oh, my God! He had a charming dimple, one which would give any woman alive a pulse spike. At bilang patunay, naramdaman niyang bumibilis nga ang pulso niya nang mga sandaling iyon, pati na ang pintig ng puso niya. Tila uminit din nang bahagya ang silid. Idagdag pang nakatitig sa kanya ang magagandang mata nito.
Kinamayan siya nito. "Pasensiya na kung medyo pinaghintay kita, Miss Salcedo," hinging-paumanhin nito sa kanya. The hand he offered her was strong and warm. Nagbigay ng hindi maipaliwanag na kilig sa kanya ang pagdadaiti ng mga kamay nila. Parang mas gumuguwapo rin ito sa paningin niya habang lumilipas ang mga sandali.
Focus, Roni, mabilis na paalala niya sa sarili. Hindi ka naririto upang humanap ng bagong crush. Trabaho ang ipinunta mo rito at iyon ang gagawin mo.
BINABASA MO ANG
The Millionaire & His Lovely Miss Manners
RomantikKinuha ni Borj Jimenez and serbisyo ni Roni upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito. Hindi ikinakaila ni Ro...