💵 Chapter Twelve💵

478 35 9
                                    

MAY MGA kailangan pa siyang gawin sa opisina pero ipinasya na ni Borj na umuwi.

It was a beautiful, not-too-hot afternoon, and he could surprise Roni and Bianca by taking them out for an early dinner and a movie. Nahihiwatigan na niya ngayon kung bakit iniwan noon ng kanyang ama ang kompanya nila at itinalaga sa kanya ang pamamahala niyon. Bakit nito nanaising makulong sa opisina kung sa bahay ay may mga taong nagmamahal at nagpapasaya rito? Kung maaapektuhan ang pag-usad ng kompanya sa laging maaga niyang pag-uwi, walang problema, magdaragdag siya ng tao.

Tahimik ang buong bahay pagpasok niya. Walang ingay mula sa telebisyon sa sala pati na ang stereo sa kuwarto ni Bianca na tuwing tumutunog ay tila nayayanig ang gusali nila sa lakas. Nang maghanap siya, nakita niya sina Roni at Bianca sa balkonahe. Parehong nakatalikod ang mga ito sa kanya. Nakaupo si Roni, nakataas ang mga paa at nakapatong sa kalapit na railing. Nakatayo sa likuran nito si Bianca at inaayusan ang buhok ni Roni. Sa kalapit na mesa ay nakapatong ang ilang produktong pampaganda kasama na ang mga panglinis at pangkulay ng kuko. The two were obviously bonding.

Nagawa niyang makalapit sa mga ito nang walang ingay. Tumayo siya sa tabi ng glass door, sumandal doon at pinakinggan ang pag-uusap ng mga ito.

"Pag magde-debut ako, ikaw rin ang magte-train sa akin, Ate Roni?" tanong ni Bianca kay Roni.

"Kung io-offer sa akin, siyempre hindi ako tatanggi," sagot ni Roni. "Kaya lang, sa totoo lang, ayoko na talaga ng ganoong trabaho."

"Ano ang gusto mo?"

"I'm trained to work with companies and professionals, not teenagers and that's what I really want to do."

"Like the stuff you're doing for Kuya Borj's meeting  with the Japanese?"

"Oo," sagot ni Roni. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong makapasok sa company ng kuya mo? Matagal na akong nagpapadala ng proposals sa Jimcorp bago pa niya ako kinuha para sa 'yo."

"Talaga?"

"Akala ko nga noong ipinatawag ako ng Kuya Borj mo sa opisina niya napansin na nila ang proposals ko."

"Eh, di  nagulat ka nang hindi pala?"

"Oo. Pero tinanggap ko na rin ang offer niyang turuan ka."

"Obviously."

"Sarcastic interruptions are really unnecessary," Roni teased Bianca. "As I was saying, hindi ko na rin pinakawalan ang opportunity na 'yon dahil baka maging daan 'yon para magkaroon pa ako ng ibang trabaho para sa Jimcorp," pagpapatuloy ni Roni. "Yon nga ang nangyari. Pag naging maganda ang resulta ng meeting ng kuya mo sa mga Japanese businessmen, makakatulong nang malaki sa kin yon. Working with Jimcorp will open a lot of doors for me."

Natigilan siya. Tama ba ang narinig niya? Ginagamit lang ni Roni na stepping stone ang Jimcorp para sa ikakaunlad ng career nito?

Hindi siguro. Sigurado siya na hindi ganoon ang ibig sabihin ni Roni.

"Pag nangyari yon, wala na rin si Miss Behavior at ang mga debutante?"

"Baka," sagot ni Roni sa tanong ni Bianca. "Lalo na pag na-impress din sa 'yo ang mga tao. Sasabihin nila, talagang mahusay ako. I'll be in high demand for social training. Dahil 'yon sa naka-attach na palagi sa resume ko ang surname na Jimenez at ang Jimcorp. You and your Kuya Borj will make me rich."

Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig.

"Eh, di ba dati pa naman, ikaw na ang pinaka-magaling?"

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon