💵Chapter Six💵

567 35 8
                                    

BORJ wanted to help his younger sister but didn't know how to start. Alam niyang anumang oras ay kakastiguhin ito ni Tito Cesar at hindi niya alam kung sa pagkastigong iyon ay madadamay si Roni.

Si Roni ang unang kumilos. Hinawakan nito sa kamay si Bianca. "Bianca, honey, hindi appropriate na i-request mo sa isang tao na samahan ang isa pang tao sa isang social function. Pareho mo sila inilalagay sa isang hindi komportableng sitwasyon." Mahinahon ang boses ni Roni, walang bakas na kahit kaunting pagkataranta. "Hindi mo alam baka wala namang balak sumama sa kanya 'yong pinapaimbita mo sa kanya. Either way, may mao-offend sa kanilang dalawa. Maaaring gusto nilang sumama sa isa't isa pero hindi ikaw ang magde-decide para sa kanilang dalawa kundi sila mismo. At kahit gusto nila ang isa't isa, baka mailang sila pag nalaman ang tungkol sa request mo. Naiintindihan mo?"

Tumango si Bianca.

Bravo, Roni! Gustong pumalakpak ni Borj.

"Remember, Bianca, one of the most important purposes of etiquette is to make everyone feel comfortable and at ease. Ang pagse-set up ng date, laging nakakailang yan sa maraming tao."

Listen to that, Tito Cesar, nangingiting wika ni Borj sa sarili.

Kung parinig iyon ni Roni para kay Tito Cesar, hindi iyon halata dahil na kay Bianca lang ang atensiyon nito. Harinawa, hindi na uli mababanggit ni Tito Cesar si Trisha. Kailan ba huling pumasok sa isip niya si Trisha? Hindi na niya maalala.

Bianca apologized and Cesar was visibly pleased.

Then Borj's cell phone rang.

"You're not supposed to do that, Kuya Borj," narinig niyang sabi ni Bianca nang tumayo siya at dinampot ang cell phone niya na nasa ibabaw ng mesa. Nakita niyang sasawayin sana ni Roni si Bianca sa pamamagitan ng tingin pero huli na, nasa kanya na lang ang atensiyon ni Bianca. "Sabi ni Ate Roni, hindi raw dapat dinadala sa mesa ang cell phone kapag kumakain. It's rude to put technology before people."

"Bianca," sabi ni Tito Cesar sa kapatid niya. "Maraming trabaho ang kuya mo at maraming gustong makipag-usap sa kanya na hindi dapat pinaghihintay."

"Pero ang sabi ni Ate Roni, wala raw exception ang rule na 'yon, kahit mayamang-mayaman ka pa o kahit guwapong-guwapo ka," sabi ni Bianca.

Nakita niyang bahagyang namutla si Roni. "Pero mali na itinatama mo ang isang tao sa harap ng ibang tao, Bianca," anito.

"Pero bakit lagi mo akong ikino-correct?"

"Dahil 'yon ang trabaho ko. Tinuturuan kita kung ano---"

"Bakit sila, hindi mo turuan? Si Kuya Borj, kahit nasaan, dala-dala ang cell phone niya. Si Tito Cesar, mali ang pagkakahawak sa tinidor niya saka---"

"Okay, okay," pagsabad niya sa umiinit na usapan. "Look, Bianca..." inihulog niya sa bulsa ng pantalon niya ang cell phone. "Hindi ko na sasagutin ang tawag." Naupo siya. "I learned something today. Hindi sa lahat ng oras ay puwedeng sagutin ang cell phone. I'm sorry."

"I'm sorry, too," sabi ng anyong nasusuyang si Bianca. "I'm sorry for being rude and for losing my temper. If you'll excuse me, babalik na muna ako sa kuwarto ko dahil sumasakit ang ulo ko at gusto ko nang magpahinga." Pagkasabi niyon ay umalis na ito sa mesa at tinungo ang kuwarto nito.

Ilang sandali ring walang kibo sa kanilang mga naiwan sa mesa.

"Well," mayamaya ay nangingiting sabi niya. "Hindi araw-araw na nagkakaroon ng sahog na drama ang hapunan natin. It was certainly a dramatic exit."

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon