💵Chapter Five💵

561 33 4
                                    

SA BALKONAHE ng kuwarto ipinasya ni Roni na magtrabaho nang hapong iyon kapiling ang laptop niya. Sinamantala niya ang sandali habang nasa tennis lesson nito si Bianca. Nasa TeenSpace siya at sumasagot ng ilang e-mails. Looking over the railing from twenty floors up made her feel dizzy but as long as she stayed away from the railing, she was fine.

She had just posted her column when her cell phone rang.

Boses ng pinsan niyang si Sunshine ang narinig niya sa kabilang linya. "Sabi ko sa'yo, tawagan mo ako kahapon. Ano na ba'ng nangyari sa 'yo riyan, Ate Roni?"

"I'm doing very well here. This place is wonderful and very comfortable." She picked up her laptop and went back to her room. Nahiga siya sa kama at pinakinggan ang sunud-sunod na mga tanong ng pinsan. Kinumusta nito si Bianca at itinanong ang ugali ng dalagita. "Mabait siya, walang ere, hindi feeling senyorita. At para makilala mo siya ng husto, bibisitahin ka namin within this week. Samahan mo kaming mamili."

"Hihintayin ko 'yan," sabi nito bago dumiretso na ito sa alam naman niya na talagang pakay nito sa pagtawag, ang magtanong tungkol kay Borj. "Karapat-dapat ba siyang maging Manila's Most Eligible Bachelor?"

"Puwede," sabi niya.

"Huwag mo akong puwede-puwedehin diyan. Give me all the details. Alalahanin mo, hostage ko si Fluffy," natatawang sabi nito.

"Okay, okay, don't hurt my cat," biro niya. "He's very charming, like Bianca. He's nice to Bianca, bagaman parang nagkakailangan pa silang dalawa. Kailan lang naman sila nagkasama sa bahay. He's cute but he's always very busy. Hindi pa yata kami nagkakausap nang hindi kami nai-interrupt ng cell phone niya. Maniniwala ka ba na hanggang sa mesa, habang kumakain kami ay nasa tabi niya ang cell phone niya?"

"Normal na 'yon sa panahon ngayon, Ate. Ginagawa ko 'yan minsan. I don't think it's a flaw. He's probably busier than God."

"Hindi mo dapat sinasagot ang phone mo pag may kausap ka na nakatayo sa harap mo."

"Then teach him some etiquette."

"Para kay Bianca lang ang ibinabayad niya sa akin," biro niya.

"Cute naman siya kaya patawarin mo na."

"Cute? He's the yummiest guy I've ever met."

"The yummiest? Wow!"

Oops, wrong choice of word, she thought. Ano pa ngayon ang pipigil sa pinsan niya upang itukso siya at itulak kay Borj?

"So he is crush-worthy?"

Ayan na, sabi niya sa isip. "Sunshine, hindi dahil attractive para sa akin si Borj ay ganoon na rin ako para sa kanya," sagot niya rito. "Sa tingin ko, mas attractive pa sa akin ang cell phone niya kaysa ako para sa kanya." Naalala niya ang balak sanang pagtanggi ni Borj sa hiling niya ritong umuwi nang alas-siyete gabi-gabi. Kung interesado ito sa kanya, baka ito ang humiling sa kanya kung maaaring umuwi ito lagi nang alas-siyete upang makasabay siya sa hapunan. "Para sa kanya, isa lang ako sa maraming tutor ng kapatid niya. Nakita ko na ang French Tutor ni Bianca, mas maganda sa akin 'yon."

"Bakit siya nag-aaral ng French?"

"I don't know. May business dealings ang Jimcorp sa ilang European countries, o baka may bahay sila sa France at plano nilang tumira doon in the future," sabi niya.

"Pero ikaw ang in-invite niyang tumira diyan sa bahay at hindi 'yong French tutor ni Bianca."

"Dahil walang deadline ang pag-aaral ni Bianca ng French." Nakahinga siya nang maluwag nang marinig niya ang boses ni Bianca sa labas ng kuwarto niya. Hindi na niya kailangang magsinungaling sa pinsan upang makapagpaalam dito at matapos na ang pag-uusap nila. "Sunshine, nandito na si Bianca. It's time for her introduction and handshake lessons."

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon