💵Chapter Eleven💵

511 32 4
                                    

MAALIWALAS ang mga sumunod na araw ni Roni.

Borj had made her a consultant on his upcoming meeting with the representatives from the Japanese company Jimcorp wanted to join with in its Asian expansion.

Bianca continued to do good. Wala siyang duda na hindi ipapahiya ni Bianca ang sarili pati na siya. With her good looks and intelligence, Bianca was destined to put Manila on fire. Gaya ni Bianca, madali ring matuto si Borj pati na ang ibang empleyado nito na makakasama nito sa pagharap sa mga negosyanteng Hapon. She had been teaching them how to act, speak, move, gesture, and speak while in a meeting with the Japanese businessmen.

At ang pinakamalaking dahilan kung bakit tila lagi siyang nakalutang sa ulap ay ang gabi-gabing pagkakaroon nila ni Borj ng pagkakataon na magkasarilinan. May kutob siya na nakakatunog na si Bianca sa ugnayan nila ni Borj. At tila binibigyan talaga sila nito ng espasyo dahil palagi itong maagang magpahinga. Ang hindi lang niya alam ay kung batid ni Bianca kung gaano kalalim ang ugnayan nila ng kuya nito.

Isa lang siguro ang bahagyang nagpapakulimlim sa mga araw niya sa epekto ng artikulo ni Nelia. Dalawa na sa mga kliyente niya ang umatras, isa roon ay ang serye ng pagtuturo niya sa isang private elementary school at ang isa pa ay sa grupo ng mga asawa ng mga military officials na magdaraos ng malaking party. Nagpapasalamat din siya na may bago pa ring kliyenteng lumalapit sa kanya, ito ay pamilya ng isang dalagang nakatakdang mag-debut.

Sa TeenSpace, hindi niya kinalimutang gumawa ng artikulo tungkol sa pagiging lihis sa kagandahang asal ng pagkakalat ng tsismis o usaping wala namang basehan o ebidensiya.

Until a new development on Bianca's life came up.

"May gustong makipag-date kay Bianca," sabi niya kay Borj.

Naghahapunan sila at hindi nila kasalo si Bianca. Kinatok ito ni Borj ngunit nagdahilang masakit ang ulo at mamaya na lang daw kakain.

Agad na kumunot ang noo ni Borj. "Kaya pala nagkukulong sa kuwarto. Sino?"

"Si Miguel Fontanilla. He's sixteen. Sa ibaba lang siya nakatira, dalawang palapag mula rito."

Tumangu-tango ito. "Kilala ko ang father niya, he's a college dean. Hindi ba masyadong bata pa si Bianca para makipag-date?"

"Kung may chaperone, para sa akin, okay lang."

"Ano ba ang sinabi mo sa kanya?"

"Wala. Sabi ko, isasangguni ko sa 'yo dahil ikaw ang kapatid niya, hindi ako."

"Kung hihingin ko ang opinyon mo, ano ang ipapayo mo sa akin?" tanong nito.

"Papayuhan kitang payagan siya. Pero may chaperone nga. It's just a friendly date. Kung boyfriend na niya 'yong guy, ibang usapan na 'yon."

"Pag hindi ko siya pinayagan, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon ni Bianca?"

"Sa tingin ko, magagalit siya sa 'yo," aniya. "Ire-remind lang kita na nangyayari ang phase na ito sa lahat ng kaedad ni Bianca. Payagan mo siya pero ia-advice kita na bago sila lumabas ay makilala mo muna 'yong guy."

"That's a good idea. Para ma-intimidate ko para kung sakali mang may iniisip siyang hindi maganda kay Bianca ay magdalawang-isip siya."

"Puwede," natatawang sang-ayon niya rito.

"May idaragdag ka pa para sa proteksiyon ni Bianca?"

"Wala na," sagot niya. "Payag ka na?"

"Ayokong magalit sa akin ang kapatid ko."

Gusto niyang kiligin para kay Bianca nang marinig ang sagot nito.





SA PAGKAGULAT ni Borj, namalayan na lang niya ang sariling tumutulong kay Roni na iligpit ang pinagkainan nila nang gabing iyon. Iyon ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na ginawa niya iyon. Good Lord, he was becoming domesticated. Aminado naman siyang kakaiba si Roni sa lahat ng babaeng naugnay sa kanya. Napakabait at napakasimple nito, walang hilig sa luho. Mula nang makasama niya ito sa bahay, hindi pa niya ito nakitaan na may isinabit na mamahaling alahas sa katawan o nagsuot ng mamahaling damit. Instead of an expensive necklace, she wore cheap beaded necklace. At sa halip na mga paksa tungkol sa negosyo, tsismis tungkol sa mga kilalang tao sa lipunan, si Bianca, at ang mga nangyayari sa bahay ang paborito nitong paksa. Hindi rin niya napapansing pinupuri siya nito upang magpalakas sa kanya at wala rin itong pabor na hinihingi sa kanya. She was here to do her job and she was doing it very well. Hindi pa niya binabanggit na napakaganda nito.

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon