💵Chapter Nine💵

564 40 7
                                    

MULA nang iuwi ni Borj sa bahay niya si Bianca, hindi na uli niya ninais pang malayo sa nakababatang kapatid. He adored and loved her. Pero sa gabing iyon, ikatutuwa niya nang husto kung wala ito ngayon sa bahay at nasa ibang lugar ito. Sa ganoon, walang makaistorbo sa kanila ni Roni. Hindi katulad nang nagdaang gabi, desidido na siya ngayon na ituloy ang dapat na naganap. Wala na siyang pag-aalinlangan ngayon.

He really wished Bianca would leave them but his sister was thoroughly enjoying their company. They've enjoyed some take-out sandwiches, then DVD movies, and now game of Monopoly in the living room.

"Kuya, alam mo ba na kung si Ate Roni lang ang masusunod, titigil na siya sa pagiging Miss Behavior?" sabi ni Bianca nang maungkat sa usapan nila ang TeenSpace at ang sikat na column ni Roni doon.

Nakaupo silang tatlo sa sahig. Nakaunat ang mga paa ni Roni malapit sa kanya at nakikita niya kung gaano kaganda ang mga paa nito. Katatapos din lang nitong maligo, basa pa nang kaunti ang buhok nito. Ngayong wala itong makeup at natititigan niya nang malapitan ang mukha nito, sa tantiya niya ay mas bumata ito at gumanda. Ilang taon na nga ba ito? Ilang araw na rin niyang kasama ito sa bahay pero marami pa siyang hindi alam tungkol dito. Mas nauna pa niya itong nahalikan kaysa malaman ang edad nito. Ni hindi niya alam kung may nobyo ito. Pero kung mayroon, papayag ba itong mahalikan niya?

"Mas gusto raw niyang magtrabaho kasama ang mga grown-ups," pagpapatuloy ni Bianca.

"Grown-ups?" ulit niya.

"Yong mga kaedad n'yo at mas matatanda pa. Si Ate Sunshine ang nagsabi sa akin n'on." sabi pa ni Bianca.

"Sometimes, my cousin needs to shut her mouth up," Roni said, with a forced smile on her face.

"Kaya lang naman hindi niya maiwan ang mga debutante na tinuturuan niya saka ang TeenSpace, may mga bills siyang kailangang bayaran."

Ipinaalala ng sinabing iyon ng kapatid na hindi pa nga pala niya naiaabot kay Roni ang tseke bilang kabayaran sa serbisyo nito kay Bianca.

"Pero ang sabi ni Ate Sunshine, malayo raw ang mararating ni Ate Roni kasi magaling siya. And I believe her." Ngumiti pa si Bianca kay Roni.

"Thank you, Bianca," sabi ni Roni dito. "That's quite enough."

"Alam mo rin ba na marunong mag-Japanese si Ate Roni, Kuya? Saka French at German."

"Bianca, that's enough." Tila naiirita na talaga si Roni, hindi nga lang niya alam kung bakit.

"Is that supposed to be a secret?" tanong ni Bianca rito.

"Hindi naman. Parang hindi kasi kailangang banggitin 'yon. Baka isipin ng kuya mo, nagyayabang ako. Saka hindi ako fluent sa mga languages na 'yon, nakakaintindi lang ng kaunti."

Naalala niya ang nakatakda niyang pakikipag-usap sa ilang Japanese businessman. Puwede sigurong ituro sa kanya ni Roni ang mga nalalaman nito sa wika at kultura ng Hapon. The thought of having private lessons with Roni reminded him of his wish for them to be alone that night. At hindi niya alam kung nabasa ni Bianca ang iniisip niya, bigla ay nakaramdam ito ng antok, nagpaalam at nagtungo sa kuwarto nito upang matulog.

Nakita niyang nag-atubili si Roni kung mabilis na susunod sa kapatid niya o hindi. Ipinasya nitong linisin na muna ang mga kalat nila sa sala. Umisod siya palapit dito habang nagliligpit ito. Saglit niyang pinagmasdan ito bago niya pinagapang ang isang daliri niya sa makinis nitong braso. Hindi ito umigtad paiwas ngunit hindi rin ito tumingin sa kanya. Lalo pa siyang dumikit dito at hinawi niya ang buhok na nakatabing sa batok nito at hinagkan ito. Huminto ito sa ginagawa ngunit hindi pa rin sumusulyap sa kanya. Gumapang ang mga labi niya patungo sa leeg nito. Naramdaman niya ang paghinga nito nang malalim. Kanina pa kumakabog ang puso niya.

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon