💵Chapter Four💵

569 36 10
                                    

"WALA nang problema, Tito Cesar. May nakuha na ako para turuan si Bianca," wika ni Borj kay Cesar na kausap niya sa telepono. Nasa loob siya ng opisina niya at inaasahan na niyang isa ito sa mga unang tatawag sa kanya upang kamustahin ang sitwasyon ni Bianca. Cesar could sometimes really be a nag. Hindi ito tumitigil hangga't hindi napeperpekto ang isang bagay. Maganda lagi iyon para sa kompanya pero pagdating kay Bianca, pinasasakit niyon ang ulo niya.

"Sino ang kinuha mo? Ch-in-eck mo bang mabuti ang credentials niyan? Yong reference niya?"

Sekretarya niya ang gumawa ng mga iyon pero hindi na niya ipapaalam iyon kay Tito Cesar. "She's highly recommended. Her name's Ronalisa Salcedo and she trains debutantes and gives advice to teenagers in the Internet. She's quite popular. Everyone likes her including Bianca." Pumasok ang sekretarya niya na may dalang kape para sa kanya. "Marami-rami itong trabaho sa mesa ko pero kung may importante ka pang idi-discuss---"

"No, no, get back to work. Bibisitahin ko si Miss Salcedo within this week."

Iyon ang problema sa mga taong musmos ka pa lang ay may edad na at kilala ka na, sa isip-isip niya habang ibinababa ang telepono. Nananatili lang bata sa paningin nila, isang batang walang kapasidad gumawa ng matinong trabaho kung hindi nila gagabayan.

Siguradong ang dahilan ng pagbisita ni Tito Cesar kay Miss Salcedo ay aalamin nito kung may kakayahan nga ang babae na turuan si Bianca. Pero kumpiyansa siya na hindi siya ipapahiya ni Roni.

He turned his computer on but working was far from his mind. Hinanap niya sa Internet ang Website na TeenSpace. Hindi na niya ikinakaila sa sarili na interesado siya kay Roni. Isang nakakasakit ng ulong home page ang bumungad sa mga mata niya nang marating niya ang pakay na Website. Halu-halo ang disenyo niyon at matitingkad ang kulay. Most of its contents were about TV stars, TV shows and bands, which he had never heard before. Nasa isang sulok ng home page ang link para sa column ni Roni. He clicked on it and a smiling picture of Roni---beside the words Miss Behavior, Etiquette for the 21st Century---greeted him.

Ironically, karamihan ng liham na tinatanggap at binibigyang-payo ni Roni ay hindi tungkol sa etiquette. Marami roon ay mula sa mga kabataang naghihinagpis kung bakit hindi pa ibinigay ng Diyos sa kanila ang lahat. Mga teenager na ang problema ay napakadaling solusyunan kung magkakaroon lang ng oras ang mga ito na alisin ang pansin sa mga crushes, high-end cell phones, at laptops.

Pero kapuri-puri ang mga sagot at payong ipinagkakaloob ni Roni sa mga ito. Walang sarkasmo, walang pagkutya sa mga salita nito kahit katawa-tawa ang problemang isinasangguni rito. She was very polite and very enlightened about her subject. Tito Cesar would be very happy.

Out of curiosity, he Googled "Miss Behavior" and he found several interesting articles about Roni and her popular Internet column. Gaya niya, pinupuri ng mga ito ang kaalaman at kabaitan ni Roni sa pakikiharap sa mga tagahanga nito na humihingi ng payo rito.

Cherry buzzed the intercom, interrupting his reading.

"Sir Borj, Miss Salcedo is on line one."

Magrereklamo na ba si Roni dahil nakukunsumi na ito sa kapatid niya dahil mahirap itong turuan? Ang bilis naman, sa isip-isip niya.

Pero hindi reklamo ang hatid ni Roni sa pagtawag nito.

"Starting tonight, kailangang nasa bahay ka na bago mag-alas-siyete," sabi nito sa kanya.

"Ano'ng meron sa alas-siyete?" tanong niya.

"That's dinner time."

"Huwag n'yo akong intindihin. Usually, dito sa office o sa labas ako kumakain."

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon