💵Chapter Thirteen💵

538 36 17
                                    

NANG makauwi si Roni sa kanyang bahay, agad niyang tinawagan ang pinsang niyang si Sunshine at ipinaalam dito na puwede na nitong dalhin sa kanya si Fluffy. Hindi makapaniwala ang pinsan niya nang ikuwento niya rito ang mga nangyari. Agad itong nagtungo sa bahay niya bitbit ang alaga niyang pusa at isang galon ng paborito niyang ice cream. Hindi nito nakakalimutan na sa panahon ng kalungkutan, ice cream lagi ang hinahanap niyang kainin.

Pinagaan niyon ang pakiramdam niya kahit papaano. Parang may nakadagan pa ring malaking bato sa dibdib niya.

Sa mga sumunod na araw, inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho. Dahil wala namang nakakaalam na biglaan at hindi maganda ang pagtatapos ng trabaho niya kay Bianca, marami pa ring kliyenteng gustong kumuha ng serbisyo niya. Bakit hindi si Bianca Jimenez ang huli niyang kliyente, kapatid ng isa sa pinakamayaman at pinakaguwapong negosyante sa bansa. She probably was the most popular etiquette consultant in the country at that time. Pero alam niya, sa sandaling may makaalam ng dahilan ng wala sa oras na pag-aalsa-balutan niya, lalo na si Nelia Bugarin, parang bulang maglalaho ang lahat ng gustong magtiwala sa kanya.

Ang depresyong nararamdaman niya ay nagsimulang mapalitan ng pagkamuhi.
Nagagalit siya na hindi man lang siya hiningan ng paliwanag ni Borj. Kung hinarap agad siya nito nang sandaling narinig nito ang mga sinabi niya, madali niyang maipapaliwanag na hindi seryoso ang pag-uusap nila ni Bianca. Naniniwala ba ito na kaya niyang sabihin na siya ang pinakamagaling sa linya niya? Hindi siya ganoon kahambog. When Borj finally confronted her, she'd been caught so off guard by his anger that she hadn't been able to defend herself.

And didn't Borj know that eavesdropping was rude?

Hindi rin ba nito naisip na kung totoo ang mga sinabi niya na gagamitin lang niyang hagdanan ang Jimcorp pati na ito mismo, bakit niya iyon ihahayag kay Bianca? Hindi ba siya nangangamba na baka magsumbong ito sa kuya nito? Ganoon ba siya katanga?

Naiinis na siya sa sarili niya na pinahintulutan niya ang sariling mapamahal sa kanya si Borj gayong hindi naman siya sigurado kung may plano itong mahalin din siya.

May mga oras na pinaplano niyang tawagan ito upang magpaliwanag dito ngunit bakit niya gagawin iyon gayong ito naman ang nagkamali at hindi siya. Parang lalong bababa ang tingin niya sa sarili kung siya pa ang maghahabol gayong siya ang tinapakan nito. Ito ang nag-aakusa, ito ang dapat kumalap ng ebidensiya upang patunayan ang mga akusasyon nito. Isa sa paraan upang makakuha ito ng katibayan ay ang kausapin siya. Suriin nito ang magiging paliwanag niya, kung totoo lahat ng sasabihin niya. Mas maganda kung katabi nila si Bianca habang nagpapaliwanag siya.

Si Bianca ay nananatiling malapit sa kanya. She would send her e-mails almost twice a day. Binabalitaan siya nito ng mga nangyayari dito. Bianca kept her up-to-date with her French lessons, her Math struggles, her dress fittings and most importantly, her budding romance with Miguel Fontanilla. Inis ito kay Borj, hindi raw nito kinikibo ang kuya nito.

Si Fluffy, nahalata yatang malungkot siya, laging naglalambing at sumasampa sa kandungan niya. "You're a good kitty," she would often tell her cat. "Thank you. Buti ka pa, mahal mo pa rin ako."

With that, she started crying again.






ALAM na ni Borj ang tungkol sa nakaraan ni Roni at ng dati nitong boss na si Basti. It was Cesar who fed him the information. Mula nang palayasin niya si Roni sa bahay ay inimbestigahan na ni Cesar ang buhay ni Roni na parang isang takas na kriminal ang dalaga. At natuklasan nga ni Cesar ang ayon dito ay kahindik-hindik na dati nitong relasyon kay Basti. Nadagdagan ang pagkamuhi niya kay Roni. Hindi pala siya ang una nitong sinubukang gamitin. Noon pa pala nito pinagsusumikapang iangat ang sarili nito.

Ngunit may sandaling tinatanong din niya ang sarili niya kung tama ba na makaramdam siya ng matinding galit kay Roni. Hindi ba't may mga babae rin siyang pinaikot? Ginamit din niya ang mga ito para sa sarili niyang kapakanan. Puwede siyang mangatwiran na tama lang na gawin niya iyon sa mga babaeng iyon dahil pera lang ang habol ng mga ito sa kanya. Pero gaano ba siya kasigurado na lahat ng iyon ay kuwarta at impluwensiya lang talaga niya ang habol?

The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon