RONI woke up the next morning with a good mood but no one was around to share it. Pumasok na si Borj sa trabaho habang si Bianca ay nasa tennis lesson nito. Nagbibihis siya nang may mapansin siyang nakapatong na sobre sa ibabaw ng laptop niya. Her name was scrawled across it. Sulat kamay iyon ni Borj. He left a note for her.
Ngunit hindi liham kundi tseke ang laman ng sobre, kabayaran sa pagtuturo niya kay Bianca.
Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng pagkaasiwa. Sinadya ba ni Borj na itaon ang pagbabayad sa kanya pagkatapos ng may mangyari sa kanila? Nagpapahiwatig ba ito na kasama sa binabayaran nito ang pagkakaloob niya ng sarili niya rito?
Marahan niyang ipinilig ang ulo. Wala siguro iyon sa isip ni Borj, na nagkataon lang iyon. Hindi na niya maalala kung kasama sa mga dahilan niya dati kung bakit isang delubyo ang pagpasok niya sa isang malalim na ugnayan kay Borj ang pagiging paranoid niya.
Nag-aalmusal siya sa dining area, she was having a cup of coffee and a cinnamon roll, nang maalala niya ang cell phone niya at ang ilang ulit na pagtawag kahapon ng kanyang pinsan. Kinuha niya iyon sa drawer na pinaglagyan niya. She had more than thirty missed calls, eighteen were from Sunshine and twenty-five text messages from different friends. Lahat, maliban sa tatlong missed calls ng pinsan niya nang nagdaang araw, ay pumasok nang araw lang na iyon.
Muntik na niyang mabitawan ang cell phone nang bigla iyong tumunog.
Ang pinsan niya ang tumatawag.
"Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo, Ate Roni? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito nang sagutin niya ang tawag.
"Nasa labas kami kahapon, naiwan ko ang phone ko," pagsisinungaling niya. "Bakit? Ano ba'ng nangyari?"
"Nabasa mo na ba ang The Philippine Reporter ngayon?"
It was a broadsheet. "Ano'ng meron do'n?"
"Basahin mo ang column ni Nelia Bugarin. Naroon kayo ni Borj. Na-extra din ang pangalan ko."
Kinabahan agad siya sa tinuran ng pinsan. Nelia Bugarin was a gossip and society columnist for the broadsheet. Nagpaalam agad siya sa pinsan at nagtungo sa sala, sa lalagyan ng mga bagong diyaryo. Bahagyang natatarantang dinampot niya ang bagong kopya ng The Philippine Reporter. Araw-araw ay may kopya roon ng halos lahat ng pahayagan. Hinanap agad niya ang pahinang kinaroroonan ng artikulong binanggit ng pinsan niya.
Dati-rati, kapag nagbabasa siya ng nasabing pahayagan, ang column agad ni Nelia Bugarin ang binabasa niya dahil natutuwa siya sa lagi na ay sarkastiko at mapangutyang panulat nito sa mga tanyag at bigating tao sa lipunan.
Is Miss Behavior Misbehaving With Manila's Most Eligible Bachelor?
Iyon ang titulo ng artikulo ni Nelia.
Alam na nito na nasa bahay ni Borj siya nakatira. Binanggit din nito ang paglabas nila at panonood ng sine noon kasama si Bianca at ang pagsa-shopping ni Bianca kung saan kasama nila ang pinsan niya. Paano raw ba sila nagkakilala ni Borj? Ikinokonsidera na ni Nelia na may relasyon sila ni Borj. Seryoso raw ba sa kanya si Borj?
Or is our Miss Behavior just flavor of the month? sabi pa sa column nito.
Iniimbitahan ni Nelia ang sinuman na may alam sa kanilang dalawa ni Borj na tawagan ito at isiwalat ang lahat ng nangyayari sa pagitan nila ni Borj.
Gusto niyang sakalin ang babae nang mga sandaling iyon. Hindi pa siguro nababasa ni Borj o kahit ni Bianca ang artikulo dahil wala siyang natatanggap na reaksiyon mula sa mga ito. Kung nabasa iyon ni Borj, nakatitiyak siya na nanaisin din nitong pilipitin ang leeg ng tsismosang si Nelia. Ayaw ni Borj ng anumang klase ng publisidad, lalo na ng gaya ng artikulo ni Nelia Bugarin. Alam niyang paboritong subject ni Nelia si Borj at noon pa man ay inis na sa babaeng iyon si Borj.
BINABASA MO ANG
The Millionaire & His Lovely Miss Manners
RomanceKinuha ni Borj Jimenez and serbisyo ni Roni upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito. Hindi ikinakaila ni Ro...