SA ARAW ng pagbabalik ni Roni sa opisina ni Borj, pumili siya ng damit na isusuot na walang intensiyong magpaganda para kay Borj. Knee-length navy-blue skirt, light blue silk shirt, closed-toe pumps, and understated jewelry. Her overly conservative outfit made her look like a spinster librarian.
Sumulyap siya sa relo niya. Kailangan na niyang umalis. Pagdating sa opisina, si Cherry muna ang kakausapin niya. Then she'd meet with Borj and his VPs for one last briefing before Mr. Hiramine and his group arrived.
Huminga siya nang malalim bago lumabas ng bahay. Tiyakin niyang walang magiging epekto sa puso niya ang muling pagkikita nila ni Borj.
INSIDE the conference room, Borj watched Roni while she instructed his people where to sit and where to put the water glasses and how to bow. Siya lang ang nakakahalata na tensiyonada ito at alam niyang hindi iyon dahil sa pressure ng trabaho kundi dahil sa presensiya niya.
Naaalala niyang ilang araw na rin palang mag-isa lang siyang natutulog sa kama niya habang pasimple niyang pinagmamasdan ang katawan nito at ang mapang-akit na mga kurba ay pilit lumilitaw kahit pa napakakonserbatibo ng suot nito.
May nagbiro sa isa sa mga lalaking empleyado niya at nakaramdam siya ng selos nang buong pusong tumawa rito si Roni. Kaninang kadarating lang niya sa opisina ay nasalubong niya ito. Nairita siya sa matabang na pagbati nito sa kanya. Dumating ba ito roon upang magtrabaho lang talaga? Wala ba itong intensiyong ipakita na handa itong tanggapin uli siya? Iyon ang kanina pa niya inaabangan, mga senyales na naglubag na ang puso nito sa kanya.
Kanina pa niya ito gustong hilahin papasok sa opisina niya, isara ang pinto, ikandado iyon, humingi ng tawad dito, at ipakita rito kung gaano siya nasasabik na muling mayakap at mahalikan ito.
After the meeting, he'd do just that.
With Roni in charge, he had no doubt of the meeting's outcome. Sa tulong nito, maisasakatuparan ma niya ang plano niyang pagpapalago pang lalo ng kompanya niya sa Asya na ilang taon din niyang pinlano. Out of nowhere, his own words came back to him. Ginagamit lang sila ni Roni upang maabot nito ang mga ambisyon nito, iyon ang ugat ng alitan nila. Ano ngayon ang ginagawa niya? Hindi ba't ginagamit din niya ito ngayon upang maisakatuparan ang mga plano niya para sa lalo pang pag-unlad ng Jimcorp? Wala bang karapatang magalit ngayon sa kanya si Roni? Paano kung pagkatapos ng lahat ng iyon ay tuluyan nang hindi ito magpakita sa kanya? Alam niyang iyon ang balak nito bago niya ito ipinatawag upang tapusin ang nasimulan nitong trabaho para sa kompanya.
Huwag naman sana, hiling niya sa sarili.
He was certain that he had fallen in love with her.
Mayamaya pa ay ipinaalam sa kanila ni Cherry ang pagdating ng mga makakapulong nila.
Roni clapped her hands to call the attention of everyone. "It's showtime, gentlemen. Here they come."
THE MEETING went well.
Dapat ay masaya si Roni pero may kaba pa ring hindi mawala-wala sa dibdib niya.
"Salamat sa lahat ng tulong mo," sabi sa kanya ni Borj nang maiwan sila nito sa conference room.
"Maraming salamat," pormal na tugon niya rito.
Isang tseke ang iniabot nito sa kanya.
Nang tingnan niya iyon, nakita niyang sobra ang halagang nakasaad doon sa napag-usapan nila. Binanggit niya iyon dito.
"You deserve it. You did a very good job."
"Hindi ko kailangan 'yan," sabi niya habang ibinabalik dito ang tseke. "Gumawa ka ng bagong tseke, ilagay mo ro'n ang amount na napag-usapan natin at ipadala mo na lang sa bahay. And since I'm not working for you anymore and I don't intend to work for you again. I can now tell you that you're a first class jerk!" Dinampot niya ang briefcase niya at tinungo ang pinto.
Nahawakan siya nito sa kamay at napigilan bago siya nakalabas. "I don't think Miss Behavior would approve of that language," nakangiting sabi nito.
Nakikiusap ang boses nito nang muling magsalita at tila nagsusumamo ang mga mata. "Baka puwede tayong mag-usap," sabi nito.
The phone in his pocket started ringing but to her surprised, Borj ignored it.
"Pero tama ka," sabi nito. "I'm a first-class jerk for hurting you. I am very sorry."
The phone kept ringing.
"Bakit hindi mo sagutin 'yong phone, baka importante ang tawag?" sarkastikong sabi niya rito.
Kinuha nito ang cell phone nito pero hindi para sagutin kundi para patayin. "Wala nang mas importante pa sa pag-uusap nating ito," wika nito. "Besides, it's always rude to answer the phone when you're talking to another person in the flesh. I learned that from Miss Behavior." Tumitig ito sa kanya. "Am I forgiven?"
Bago pa siya nakapagsalita, masuyo nang lumapat sa pisngi niya ang kamay nito at hinaplos iyon. Lalo itong lumapit sa kanya na halos magdikit na ang mga mukha nila. "I missed you. Magsimula uli tayo, mahalin mo ako at ipinapangako ko, hindi ka na muling masasaktan kahit kailan."
Nabibingi siya sa malakas na kabog ng dibdib niya. "Noon pa kita minamahal," pag-amin niya sa marahang boses.
Hindi na niya nadugtungan ang sinabi niyang iyon dahil ipininid na ng mga labi nito ang mga labi niya. Pumikit siya at gumanti ng halik dito. Gumapang sa leeg niya ang mga labi nito habang ang mga kamay nito ay nagsimulang maglakbay sa katawan niya. Mayamaya pa, naramdaman niyang wala itong planong magsimula at matapos sa halik lamang ang ginagawa nila.
"The door is locked, don't worry," he told her.
"Borj, pinapaalalahanan kita, it's utterly not proper to make love inside the conference room during office hours," nangingiting sabi niya habang wala naman siyang ginagawang hakbang upang pigilan ito.
"Well, I think some of your etiquette rules seem pretty old-fashioned. You should make new ones," he said chuckling.
For once, Miss Behavior totally agreed with him. "You know what?" she said. "Forget the rules."
💵💵💵💵💵 W A K A S 💵💵💵💵💵
Please hit the 🌟...
Feel free to leave some comments and reactions.
Enjoy reading..📖
***Maraming-maraming salamat sa lahat ng walang sawang nag-abang at sumabaybay sa ikalabing isang kuwento ng pag-ibig nina Borj at Roni. Entitled---The Millionaire and his lovely Miss Manners.
Pakatutukan ang isa ko pang Stefcam story na Imaginary Boyfriend...
To all StefCam fans, sa lahat ng Team Di maka-move on, para sa inyo ito.
Maraming salamat uli at God bless us all...😘
BINABASA MO ANG
The Millionaire & His Lovely Miss Manners
RomanceKinuha ni Borj Jimenez and serbisyo ni Roni upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito. Hindi ikinakaila ni Ro...