HINDI pa rin kinikibo si Borj ni Bianca.
Tinatangka niyang kausapin ito habang naghahapunan sila ngunit hindi ito sasagot, sa halip ay binibilisan ang pagkain at iiwan siya pagkatapos.
Inabala na lang niya ang sarili sa paghahanda sa nalalapit na pagpupulong niya sa mga negosyanteng Hapon upang hindi tuluyang mapikon sa kapatid, ngunit tuwing gagawin niya iyon ay pumapasok sa isip niya si Roni. Kung walang aberyang nangyari sa pagitan nila, napakalaking tulong sana ang magagawa nito sa pagpupulong na iyon. Roni was doing great teaching and preparing his officers for the meeting. Wala itong pinalalagpas kahit na maliit na detalye, ang kulay ng isusuot nilang kurbata sa meeting, kung saan uupo ang bawat isa, kung bakit dapat bawasan ang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita, kung anong mga salita ang gustong marinig ng mga Hapon. Roni really knew how an important meeting should proceed and how they could get what his company wanted.
To think that Roni even asked for just a small fee for that job.
The sight of Roni at the Med Ball had nearly knocked him off his feet. Napakaganda nito nang gabing iyon. Nasanay kasi siya na simple at kaswal lang ang lagi nitong suot---jeans, T-shirt, at tsinelas na pambahay. But when she dressed as a socialite, wearing blue cocktail dress that exposed just enough cleavage to remain classy yet still leave him salivating. She stunned him.
He realized he had treated her with unbelievable rudeness during the Med Ball.
He remembered one of her lectures to Bianca: "You don't have to be friendly. You don't have to be kind. But you have to be polite. There's no excuse for flat-out rudeness. I don't care how angry you are."
Hinayaan niyang kontrolin siya ng galit niya. Ang tanging nasa isip niya nang gabing iyon ay ang katotohanang nasaktan siya nito at kailangan niyang gumanti. Pero pagkatapos ng pagpapahiya niya rito sa harap ng mga panauhin sa Med Ball, isang insidenteng alam niyang magkakaroon ng malaking epekto sa propesyon nito, nakapagmuni-muni siya. He saw the shock and hurt on Roni's face just after he insulted her and while he was leaving her on the dance floor.
Totoo ang nakita niyang reaksiyon sa mukha nito. Nasaktan ito sa mga binitiwan niyang salita. Kung ginagamit lang siya nito, hindi ganoon ang magiging reaksiyon nito. Paano ito masasaktan kung totoo ang akusasyon niya ritong sanay itong manggamit ng tao, na sanay itong manggamit ng lalaki? Kung umarte man ito na kunwa ay nasasaktan ay mahahalata niya iyon. Lagi niyang ipinagmamalaki sa sarili na hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapaikot sa kanya. Ito pa kaya na nakasama niya sa bahay at lagi niyang namamatyagan ang bawat kilos ang makakabilog sa ulo niya?
Totoo rin ang sinabi nito na hindi ito nagpakita ng motibo upang may mangyari sa kanila. Siya ang nagpumilit. Mali ang akusasyon niya rito na ginagamit siya nito, na inakit siya nito para sa kapakanan ng propesyon at negosyo nito.
Nagkamali ba siya sa mga paratang niya dito?
Nadagdagan ang pagkadismaya niya sa sarili nang sa sumunod na araw ay muling tinalakay ni Nelia Bugarin ang namamagitan sa kanila ni Roni sa Med Ball. A lovers' quarrel, Nelia described the incident that happened at the party between him and Roni. Ngunit maaari daw na senyales iyon ng katapusan ng relasyon nila ni Roni.
Nabanggit din sa artikulong iyon si Bianca. Pinuri ng kolumnista ang pagiging maganda, intelihente, at sopistikada ni Bianca. A breath of fresh air and a charming lady, pagpuri nito kay Bianca. Sapat na iyon upang makumpleto ang buong isang linggo ni Bianca ngunit taliwas doon ang nakikita sa kapatid. Laging bugnutin at mainit ang ulo nito lalo na kapag nasa paligid siya. Mas nananaig dito ang pagkadismaya sa naging trato niya kay Roni.
"ATE RONI, huwag mo na lang sagutin ang phone mo, lalo ka lang mai-stress at made-depress niyan," sabi sa kanya ni Sunshine nang idaing niya rito na sunud-sunod uli ang tumatawag sa kanya pagkatapos lumabas ng artikulo ni Nelia Bugarin tungkol sa kanya. Pare-pareho ang tanong ng mga ito. Kung may relasyon daw ba talaga sila ni Borj Jimenez at kung nagwakas iyon ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
The Millionaire & His Lovely Miss Manners
RomanceKinuha ni Borj Jimenez and serbisyo ni Roni upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito. Hindi ikinakaila ni Ro...