💵Chapter Seven💵

544 35 8
                                    

THE NEXT day, Roni and Sunshine took Bianca shopping for her clothes.

The incident that happened last night between her and Borj kept haunting Roni.

She and Sunshine were seated on a sofa inside the store, watching Bianca choose her clothes, when Sunshine started interrogating her again. "Kumusta na kayo ni gorgeous Borj?" tanong nito.

Sa halip na sagutin nang diretso ang tanong nito, ikinuwento niya ang insidente sa hapag kainan kasama si Cesar Rivera, ang pagsita ni Bianca kay Borj tungkol sa paggamit ng cell phone habang kumakain sila, at ang pagwo-walk out ni Bianca mula sa mesa.

"Ano'ng sabi ni Borj? Ano'ng ginawa niya?" tanong nito.

Sa tanong na iyon, kumislap agad sa isip niya ang muntik nang gawin sa kanya ni Borj at ang muntik nang pagbibigay niya ng pahintulot dito na gawin iyon. "Si Cesar, naman nagalit. Natuwa pa nga dahil natuturuan ko raw nang husto si Bi---"

"Ate Roni, alam kong VIP si Cesar pero wala akong pakialam sa opinyon niya," nakangiting sabi nito. "Ang itinatanong ko ay ang ginawa ni Borj."

"G-ginawa niya?" Oh, damn! Iyon ang sandaling hindi siya dapat mautal dahil mabilis makatunog ang pinsan niya sa totoong saloobin niya. Alam nito ang mga senyales kapag may itinatago siya rito. "W-wala siyang ginawa. Natuwa rin siya---"

"Wala siyang ginawa pero namumula ka? Hmm."

"Wala naman talaga." Dinampot niya ang bote niya ng tubig, binuksan iyon at uminom. Pakiramdam niya, anumang oras ay magbubutil-butil ang pawis sa noo niya. Kapag nangyari iyon, hindi na niya matatakasan ang pag-iimbestiga sa kanya ng pinsan. "Wala naman talaga," kaila niya pagkainom niya. "Okay, may ginawa siya," aniya kapagkuwan. "But I'm not telling you."

Lalong nanukso ang mga mata nito. "So there really is something to tell."

Iningusan niya ito.

"Huwag mong sabihing may nangyari na sa inyo?"

"Wala, ah!" halos pasigaw na sabi niya. Napatingin sa kanila ang ibang tao sa tindahan. "Sunshine, ano ka ba? Ilang araw pa lang kaming magkakilala."

"Kung ayaw mong gumana ang imagination ko, sabihin mo sa akin ang nangyari."

"Tinangka niya akong halikan," halos pabulong na sagot niya.

"Hindi ka pumayag?"

"H-hindi," aniya. "Bakit?" tanong niya nang may mahimigan siyang panlulumo sa boses ng pinsan.

"He probably likes you, Ate."

"Ayokong mag-ilusyon," sabi niya. "I'm not a princess, I just train princesses, so I don't get Prince Charming."

"You're prettier than those girls you train."

"Sunshine, nakalimutan mo na ba ang nangyari sa amin ni Basti?"

Basti was her former boss. Nagkaroon sila ng ugnayan na mabilis na nabunyag. Hindi lang nagwakas ang relasyon nila, pati ang trabaho niya sa kompanya nito ay natapos at muntik nang madamay at masira nang husto ang reputasyon niya. Matagal-tagal ding halos walang kumuha ng serbisyo niya. "Hindi ako tanga para hayaang maulit ang nangyaring iyon."

"Ate, iba ang sitwasyon ngayon," sabi nito. "Basti was your boss, Borj is just a client."

"May pagkakaiba ba ro'n?"

"Wala ba?"

"Para sa akin, wala." Humalukipkip siya. "Hindi ako nag-iilusyon, Sunshine. Kaya huwag ka ring mag-ilusyon."

Pinagmasdan na lang niya ang pamimili ni Bianca, desididong huwag nang sagutin pa ang mga tanong ng pinsan tungkol kay Borj.

Gulat na gulat nang sa pag-uwi nila ay datnan nila si Borj. Mag-aalas kuwatro pa lang ng hapon. Mula raw nang tumira siya sa bahay ng mga ito, at bukod sa araw na naging bisita nila si Cesar, alas-siyete ng gabi ang pinakamaagang uwi ni Borj, sapilitan pa iyon. Mula nang mag-opisina, ngayon lang daw ito umuwi nang maliwanag pa.

Bakit nito ginawa iyon? Gusto ba siya nitong makita agad? Gusto niyang matawa sa naisip.

Ipinakita ni Bianca kay Borj ang napakaraming damit na pinamili nito.

Nagyaya si Borj na manood ng sine at kumain sa labas. Iyon ang dahilan kaya maaga itong umuwi.

Gusto niyang magpaiwan dahil sa pagod ngunit ayaw umalis ni Bianca na hindi siya kasama. Ayaw ring umalis ni Borj nang hindi siya kasama. Nahiya na siyang tumanggi. Binigyan sila ni Borj nang isang oras upang magpahinga at magbihis.

Pasalampak siyang naupo sa katabing sofa. "Mahirap palang kasama sa pagsa-shopping si Bianca," daing niya. "Hindi napapagod."

"Ayoko pa nga sanang umuwi," natatawang sambit ni Bianca.

Pumikit siya habang nakasandal sa malambot na upuan. Wala siyang balak na matulog, gusto lang niyang magpahinga kahit sandali.

Pagdilat niya, nakita niyang nasa tabi na niya si Borj, nakatunghay sa mukha niya. Masuyong hinawi nito patungo sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya. Naroon pa rin ang tila mahinang boltahe ng kuryenteng pumapasok sa katawan niya tuwing magdidikit ang mga balat nila.

Nakatulog ba siya? Hindi niya namalayang naupo ito sa tabi niya. Nasaan na si Bianca? Gusto niyang umigtad palayo kay Borj ngunit tila manhid ang buong katawan niya at hindi niya maikilos. Mula sa buhok niya ay humaplos sa pingi niya ang ilang daliri nito. Hindi ito nagsasalita. Namumungay lang ang mga matang nakatingin sa kanya. What was he doing? Was she dreaming? Pero parang hindi naman. Gusto na niyang yumakap dito habang patuloy ito sa paghagod sa pisngi niya. Lumalalim na ang paghinga niya.

But it would be a very bad idea.

Kapag dumapo pa sa ibang bahagi ng katawan niya ang kamay nito, baka hindi na siya makapagtimpi at yakapin na niya ito nang mahigpit at apuhapin ng mga labi niya ang mga labi nito. The moment her libido kicked in, there would be no stopping her.

She had to run away right now. A kiss from Borj would completely melt her.

"B-Borj... Borj... pupuntahan ko lang sa kuwarto niya si Bianca."

Don't be a coward, Roni, anang isang bahagi ng isipan niya.

Run! Fly! sigaw naman ng isa pang bahagi ng isip niya.

"Borj, I have to go!" sabi niya. Mabilis siyang tumayo at mabilis na naglakad palayo rito.

Tinungo niya ang kuwarto ni Bianca pero nakakandado iyon at malakas ang musikang naririnig niya mula sa loob. Sa pangambang mahabol siya ni Borj, hindi na siya nagtangkang kumatok sa kuwarto ni Bianca. Sa halip ay mabilis siyang pumasok sa kuwarto niya at ikinandado iyon. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at habang nakatingin sa kisame ay inisa-isa niya ang dahilan kung bakit tama ang desisyon niyang takbuhan si Borj.

Pagdating niya sa pang-apat na dahilan, natiyak niyang tama nga ang ginawa niya. Walang ibubungang mabuti para sa kanya ang pakikipag-ugnayan kay Borj. Ni hindi niya alam kung seryoso ito sa kanya.

Kapag natapos na ang trabaho niya kay Bianca, kahit pa ilang beses na may nangyari sa kanila ni Borj, siguradong ni sulyap ay hindi nito gagawin sa kanya.

Kaya tama lang na lagi niya itong iwasan tuwing magkakalapit sila.


💵End of Chapter 7💵

Please hit the 🌟...

Feel free to leave some comments and reactions.

Enjoy reading...📖

Thanks...😊

😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Millionaire & His Lovely Miss MannersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon