NAGTUNGO muna sa isang pizza restaurant sa loob ng mall sina Roni bago sila manood ng sine.
"Paano ko ngayon kakainin ito?" tanong ni Bianca habang nakatingin sa pizza na in-order nila. "Knife and fork?"
"Easy," sabi ni Roni. "Pick up a slice and take a bite."
"Yes, finally, a food I can eat with my hands," natutuwang sabi nito.
Naglagay ng isang slice ng pizza si Borj sa isang plato at iniabot sa kanya. Nagpasalamat siya rito. Hanggang maaari, umiiwas siyang magkadikit ang mga balat nila. Hindi lang niya alam kung nahahalata nito iyon. Borj touching her emitted a voltage that delightfully sort of paralyzed her.
Isa iyon sa iilang pagkakataong hindi pormal ang kasuotan nito---naka denims lang ito at black shirt.
Tuwing kinakailangan niyang tumingin sa mukha nito, na nagreresulta sa hindi niya maiwasang pagkakita sa mapang-akit na biloy nito sa pisngi, agad niyang isinasaisip ang mga dahilan kung bakit kailangan niyang iwasan ito. Nakakahiya kay Bianca kung mahahalata nito na natataranta siya habang kasama si Borj.
Borj's impersonation of Cesar made her laugh so hard. His jokes and the pizza made her stomach hurt.
Nagpatiuna si Bianca sa paglalakad patungo sa sinehan. Si Borj ay sumabay sa kanya. Sa umpisa ay hindi ito kumikibo, nakatingin lang sa nauunang si Bianca.
"Sorry nga pala kanina," mayamaya ay sabi nito. "I know I made you uncomfortable."
Hindi mo na sana binanggit 'yan, gusto niyang sabihin dito. The mere fact that she was honestly laughing at his jokes meant that all was forgiven. "Wala 'yon," hindi makatinging sabi niya rito. "Kalimutan na natin 'yon."
"Bakit?"
Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. "Anong bakit?"
"Bakit ka umiwas?"
Huminga siya ng malalim. "Maraming dahilan. Una, nagtatrabaho ako para sa 'yo." Kung ugali nitong mamingwit ng mga empleyada sa kompanya nito at palagi itong nagtatagumpay, magtataka nga ito kung bakit siya umiiwas dito. "Pangalawa, ayokong maapektuhan ang pagtuturo ko kay Bianca. Pangatlo at ang pinakaimportanteng dahilan, labag sa kagandahang asal 'yon. It's an inappropriate behavior."
Nagkibit-balikat ito bago ngumiti, handang pilit at hindi maitago ang pagkadismaya sa mukha. "Hindi siguro ako makakapangatwiran sa pangatlo," sabi nito.
At may balak pala itong mangatwiran sa unang dahilan niya?
Binilisan na nito ang paglalakad hanggang sa makaagapay kay Bianca.
Gusto niyang malungkot habang sinusundan ito ng tingin. Hindi na siguro uli ito magtatangkang halikan siya.
She gave herself a mental slap to the forehead. What was she thinking? Hindi siya dapat malungkot at manghinayang. Dapat ay matuwa siya na mukhang nakapag-isip-isip na ito. Hindi na talaga siguro ito magtatangka uli na may mangyari sa kanila. He was a proud man. Hindi na ito susugal na mapahiya uli, lalo na kung sa isang ordinaryong babae lang na tulad niya.
Maybe the movie would make him completely forget that unfortunate incident.
PINIPIGIL mainsulto ni Borj habang papasok na sila sa loob ng sinehan.
Inappropriate behavior.
Ang buong akala niya kanina ay hindi tututol sa ginagawa niya si Roni. He saw desire in her eyes and it was an inappropriate behavior? Nag-alangan lang siguro ito dahil kasama nila sa bahay si Bianca. Kung silang dalawa lang, hindi siguro lalabas sa bibig nito na ang ginagawa nilang iyon ay lihis sa kagandahang-asal.
BINABASA MO ANG
The Millionaire & His Lovely Miss Manners
RomanceKinuha ni Borj Jimenez and serbisyo ni Roni upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito. Hindi ikinakaila ni Ro...