Chapter 4

195 64 129
                                    

Chapter 4

No one knows how many times I've said thank God dahil dumatin ito in my head. I really don't know what will happen to me kapag hindi siya dumating. Probably, hindi ako makakauwi sa bahay at hihintayin ko nalang kung kailan ako pupulutin dito sa kalsada na basag ang mga buto.

I just never thought that it'll be Zen who'll came, who just pass by. I always pick a fight with him at alam niya naman kung gaano ako naiirita sa kaniya and I'm sure that he feels the same towards me.

I can defend and protect myself from anyone yet I still don't know why I am so amazed with this man.

Who would've thought na yung tipo ng lalaking ayaw ko pa ang magsasalba sa akin sa mga pagkakataong ganito.

"Z-zen... " Nangangatal na sambit ni Yen.

"Seryoso? Pati babae hahampasin mo ng dos por dos?" Puno ng awtoridad ang boses ni Zen nang sabihin niya iyon sa mga lalaking hahampas sa akin.

"Teka nga, Guevarra. Ba't ka ba nangingialam dito ha?" tanong nung pinakagitnang lalaki saka sya kinurot kurot ng babae para pigilan na magsalita.

"Ano ba? Tara na." bulong niya, "Tara nalang please."

"Hindi kasi, Yen. Nangingialam kasi e. Wala ka namang issue dito diba?" 

"Bakit? Kailangan pa bang may issue bago ako mangialam dito?" sambit muli ni Zen.

"Oo. Kailan ka pa natutong makigulo sa gulo ng iba?" 

I heard Zen clicked his tongue at sapilitang hinila ang kahoy mula sa lalaki dahilan para mapa-atras ako ng kaunti. Nagulat ang lalaki na nakuha iyon ni Zen kaya dahan dahan na rin siyang lumakad pa-atras.

"Ngayon mismo," aniya at ambang ihahampas na ang kahoy sa kanila. Hindi pa naibababa ni Zen ang kahoy ay nagsitakbuhan na silang lahat. Kaniya-kaniya na sila ng ruta sa pagtakbo para lang makatakas.

I'm stunned, really. Hindi pa rin ako makagalaw kahit na wala na ang grupo nila Yen. Bumalik lang ako sa katinuan nang tapikin ako ni Zen.

"You fine?" he asked.

"H-ha?" 

"Ayos ka lang ba?" he repeated.

"A-ah syempre. Oo naman. Ba't naman hindi?" I even awkwardly laugh para mabawasan ang awkwardness sa gitna naming dalawa. I smiled at him para mapaniwala siya na ayos lang ako at napataas nalang siya ng kilay.

"Oh... 'kay?"

Inalis ko na ang tingin niya at inayos na ang backpack ko para magsimula na maglakad. Kaunti nalang naman ay nasa gate na ako ng subdivision namin. Rinig kong pinaandar niya ang motor niya papalapit sa akin at nang matapatan ako ay binagalan niya ang takbo para masabayan ang lakad ko.

'Di pa rin ba siya convinced na ayos nga lang ako? Kita naman niyang hindi ako tinamaan ng kahoy dahil sinalo niya. Ang nagpagulantang pa nga sa katauhan ko ay ang ginawa niyang pagsalba sa akin kanina kaya paano ako hindi magiging okay?

"Ayos nga lang ako," I said without looking at him. Mapalagay na dapat siya.

"Huh? Pinagsasabe mo?" dinig kong tanong niya. Napatigil ako at napaharap sa kaniya.

"Ha? Sinusundan mo kasi ako... Naisip ko na kaya mo ako sinusundan ay hindi ka naniniwalang okay lang ako..." or maybe I'm wrong? Fudge, that's embarassing!

Ilang segundo pa siyang napatulala sa akin at saka tumawa. Doon ko narealize na ibang rason nga, bakit naman niya ako susundan dahil doon e magkaaway nga kami? Ah, tanga! Kainis! Madiin akong pumikit at dahan-dahang humarap sa nilalakaran ko para maglakad nalang ulit. Iniwan ko siyang patawa-tawa roon.

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon