Chapter 34

40 1 0
                                    

Chapter 34 



"You can simply wrap it around the Christmas tree, Alli," suhestyon ni Mama dahil kung ano ano pang pinaggagawa ko sa garland bago isabit sa artificial na puno. Ibang theme naman ang decorations namin this year compared sa last year na ginawa namin.

For this year, we'll be having a white and gold Christmas, and unlike last year, hindi namin makakasama ang mga relatives namin sa pagcecelebrate or hindi ko alam dahil baka pwede pang mabago iyon dahil ako na mismo nga nagrequest na sana makapunta sila noong nakipag-video call kami sa kanila after noong mall show.

My family were very happy about our performance at hindi natigil si Mama kakapuri sa akin. Tuwang tuwa siya dahil isa sa mga anak niya nakapagmana ng hilig niya rin sa pagkanta.

Hindi na kami nakapagmeet ni Zen noong gabi na iyon dahil nandoon ang pamilya ko at sila lang ang dapat kong puntahan. Alam naman na ni Zen 'yon kaya sa text at call nalang din kami nag usap at nagkita nalang din kami noong Lunes nang umaga.


"Nasaan pala si Gael, Alliah? Kanina ko pa hindi nakikita ang batang 'yon," ani Mama nang matapos ko na kabitan ng garland ang Christmas tree. Nagpunta naman ako sa sulok at yumuko paa abutin ang tatlong Christmas ball na nahulog niya.


"I don't know pero usually, naglalaro lang 'yon kasama ng mga barkada or basketball perhaps? Adik na adik pa naman 'yon sa basket ball, as we all know." 


Napa-sapo ng noo si Mama, "Hindi nagpaalam 'yon ha."


Natawa ako roon at na-imagine na pagagalitan si Gael pag uwi niya. Sa imahinasyon ko lang iyon dahil hindi naman iyon mangyayari. Pagsasabihan siguro, pero pagagalitan? Hindi.


Ilang oras matapos ang pag-aayos namin ay saka lang ako nakaramdam ng pahinga. I texted Zen a good luck dahil ang alam ko ay magbabasketball silang mag-pipinsan. Hindi pa siya nagrereply until now kaya baka nasa court na iyon at naglalaro. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang doorbell. My brows furrowed in confusion. I am not expecting anyone today. Hindi kaya kay Mama na bisita ito?


"Ma, are you expecting visitors today?" I asked loudly so she could hear me from the kitchen. 


"No! Sila Agatha ata 'yan, pinag-paalam ka sa akin, e. I thought you know?" si Mama. 


What? They bypassed me again! Talagang sa nanay ko sila dumidiretso kapag alam nilang hindi ko bet 'yang mga lakad nila. Saan ba kami pupunta na naman? I sighed at saka tumayo at naglakad palabas sa may gate. Pagka-bukas ko ay bumungad sa akin ang Agatha na naka-red jersey at black high-waisted shorts kasama si Hazel na naka-busangot sa tabi niya.


"Hi! Good morning! Tara na!" maligayang bati ni Agatha sa akin.

"Saan punta? Sa nanay ko na naman talaga kayo dumiretso," sabi ko sa kanila. 

"Ewan ko riyan. Aga aga nanghahatak kesyo may urgent daw tayong pupuntahan."

"It really is urgent naman e! We're gonna watch Klyde's game today!"

Bahagya akong nabuhayan sa sinabi ni Agatha. Game ni Klyde? kasama si Zen doon, ah? 

"Gaano ba ka-importante 'yang game na 'yan? Tournament ba 'yan, ha?" tanong naman ni Hazel na nag-ikot ng mata.

"Hindi naman ganoon ka-big event, but I want to watch him play kahit sa mga gantong laro lang. Plus, alam ko may pustahan ata?"

"O, e ano ganap namin doon?"

"Support me while I support him!" Talagang desididong pamimilit ni Agatha... Sino ba naman ako para humindi?


Umakyat lang ako sandali para magbihis ng mas maayos na damit. Nagsuot lang ako ng black fitted shirt at high waisted maong short at saka naglagay ng kaunting make-up. Dahil nga naroon si Zen ay pupunta ako. Pagkababa ko ay sumakay na ako sa sasakyan nila Agatha matapos magpaalam kay Mama. 

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon