Chapter 39

40 1 0
                                    

Chapter 39



It was me.

Sa sarili ako nakakaramdam ng pandidiri, at dismaya. Kung noon ay lahat ng galit, poot, pandidiri, dismaya, ay isinisisi ko lahat kay Zen, ngayon ay bumalik na lahat sa akin. From what happened last week, I realized that it was me all along.

Ako yung dapat kagalitan, ako yung dapat na sisihin.

I never stopped thinking about this issue since it happened last week. I've been stressing myself with what is already done, and I think that I really deserve to suffer in this kind of torture, yet my family thinks I need space and I need to unwind kaya naman nang yayain ako ni Krystle na samahan siya magbakasyon sa Mactan ay sumama na ako.

My parents shouldered everything kaya nakakuha na rin ako ng hint na hindi talaga ito bakasyon para kay Krystle, kung hindi para sa akin.

My parents knew, since Gael told them what happened to me. Katulad ng dati kong ginagawa, kinulong ko ang sarili ko sa kwarto at hindi lumalabas.

"Ate's been in there magmula pa kagabi, hindi siya lumalabas." Dinig kong sabi ni Gael.

"Let me," ani Mama.

The memories of what happened last night never flushed away from my mind. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Kahit pa sabihin nating wala namang nakaalam sa kahihiyan na ginawa kong pagpatol sa taong may karelasyon na, hirap pa rin akong bumangon sa sarili ko. 

Even so, I did this to me. I should find a way to be okay just like the first time.

"What happened, anak?" Nagulat nalang ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod kahit pa nakahiga ako. It was mom. 

I already stopped crying and just looking at nothingness, but when I felt her presence, my tears flew down my cheeks in a flash. Sobs filled the room again, and everything to me is a blur. Akala ko ay tapos na akong umiyak ngunit hindi pa rin pala.

"I'm sorry, Mama! I'm sorry! Sorry!" I never stopped crying these words, and my mom just hushes me.

"Wala kang kasalanan, anak. Stop saying sorry, please?" My mom pleaded as she wiped my tears using her thumb. My vision of her went clear. Maging siya ay naiiyak na makita akong ganto, pero mapipigilan ko bang hindi sabihin ang totoo? 

Hindi ako inosente.

"No, Ma. Kasalanan ko. I know he's already in a relationship pero pinilit ko e. I wanted to be with him kasi akala ko, Ma, doon ako sasaya... I just wanted to be loved, Mama..." 

"Shh, no, anak. It's not your fault, baby. Stop saying that."

"I'm sorry for accusing you as a mistress back then, Ma. Kasi hindi naman talaga ikaw ang ibinibintang ko sa'yo, turns out ako pala 'yon, Ma. Ang dumi dumi kong tao." 

"Alliah! Ano ba! Hindi ka kabit, okay? Please stop blaming yourself for everything, anak. We are the ones to blame here. Kami bilang magulang ninyo ang nagkulang sa inyo. Hindi namin kayo nabigyan ng oras, ng panahon, at ng sapat na pagmamahal na kailangan ninyo. Kasi anak ang akala namin ng Papa niyo ay sapat na ang pera para magampanan ang mga pangangailangan ninyo. Kahit mga bata palang kayo noon, ang inaasikaso namin kaagad ay ang pag-secure ng hinaharap niyo kasi palubog ang negosyo noon, e. Takot na takot kami ng Papa mo na wala kaming maibigay sa inyo. I'm so sorry, anak. Mali kami, kami ang nagkamali rito."

My heart's aching so bad when I discovered that my Mom is blaming herself for everything, and I can't say nothing. Hindi ko na siya sinisisi para sa mga nangyayaring ito, kasi ako naman itong gago na alam nang mali pero pinagpatuloy siya pero I can't deny that she's also right. In my peripheral vision, I saw Gael just looking at our mom and also crying, si Papa nama'y hindi makaimik at nagsisisi habang nakatingin lamang sa kung saan. It hurts me to see them really regretting everything they have done.

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon