Chapter 16
"Ang harot harot nga e! Sakit sa mata ha! Miski kanina sa flag ceremony, kahit malayo, kahit maraming sagabal nakuha niyo pa magtitigan. Batukan ko kayo riyan e!" biro ni Agatha habang kumakain ng sundae.
"Asus! Inggit ka lang, Gatha, e! Sabihin mo lang, pwede ko naman kayo ipagkanulo ulit ni Aaron," natatawang biro ni Klyde. Agatha rolled her eyes at kumain nalang. Kakastart palang ng lunch time so hindi naman kami nagmamadali makabalik ng classroom. I'm with Zen, Agatha, Hazel, and Klyde dito sa canteen. Si Axl, Keith, at Aaron ay may ibang ginagawa raw.
"Pwede ba? I'm over it na so stop na, okay?" Agatha rolled her eyes again in annoyance.
"Kung hinhintay mo dumating dito si Aaron, hindi darating 'yon kasi nasa cr 'yon kasama sila Keith at Axl! Nagba-vitamins sila roon!" halakhak pa niya dahilan para batuhin siya ni Zen ng tissue dahil sa bunganga niya.
"Vitamins for what?" si Agatha.
"Vitamin J, Agatha. Kung wala kang ari ng lalaki, hindi mo mararansan!"
"Ew! You are so kadiri, Sebastian! Nakakadiri ka! Ew!"
Natawa ako sa diring diri na mukha ni Agatha ngayon. She's really disgusted sa sinabi ni Klyde habang tuwang tuwa naman si Klyde na pinanonood ang mukha ng kaibigan ko.
"I can't imagine na tutubuan ako ng penis!"
"Agatha!" saway ni Hazel.
"Oo pero sa noo ka raw tutubuan!" halakhak na naman ni Klyde.
"Kamusta pala ang Maynila ninyo ha?" Hazel diverted the topic. Bigla tuloy akong nahiya. I'm expecting this na talaga na tatanungin kami, nahihiya ako kasi kingina hindi naman ako sanay sa mga ganito. Matagal tagal na rin magmula nung huling ganito.
"It was fun. Tamang stroll sa gabi gano'n..." kwento ni Zenat nagpatuloy lang siya habang nakikinig kaming lahat. Klyde would sometimes interrupt para may idagdag na kwento.
Mabilis ang takbo ng oras lalo na kapag nagsasaya ka o maraming ginagawa. Sa mga sumunod na subject namin ay hindi nagkaroon ng awa ang mga guro namin sa pagpapagawa ng mga activities. I couldn't handle it all and I'm glad Hazel was there to help me naman kahit papaano.
"Everyone, listen okay?" Our adviser spoke as she entered our classroom. Nag aayos na kaming lahat ng bag para lumabas na sana pero mukhang may announcement siya.
"This Saturday, October 31, we'll be having a Halloween Party na gaganapin dito sa school of course. We'll be having booths and such, and ang magiging party hall ay ang gymnasium as usual. The party will start at 6pm to 10pm. Pwede na kayo magparegister now kung sasali kayo so that alam natin kung ilan ang bilang ng mga sasali. So, sinasabihan ko na ang lahat to wear your favorite costumes! It can be horror or fantasy!" Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagpalakpakan at naghiyawan sa anunsyo ni ma'am at nagsimula na siya magtanong kung sino ang mga sasali and of course lahat kami sa section na ito ay kasali.
Hindi pa kami nakakalabas ng school ay busy na ako kakaisip kung anong susuotin ko at gayon din si Agatha at Hazel.
I am not fond of parties except this one dahil intriguing ang nga costume sa akin lalo na kung makikita ko kung madadala ba nila ng maayos ang gusto nilang iportray.
"Mag cat woman kaya ako? Since it's bagay naman sa akin dahil may boobs naman ako."
"Ay weh? sana all nabiyayaan!" reklamo ni Hazel, "Ako baka mag Ms. Minchin nalang ako."
BINABASA MO ANG
Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)
Novela JuvenilVarra Series #1 Alliah Gail Arciveles is not a believer of love. Lumaki siyang hindi nabigyan ng tamang gabay ng kaniyang mga magulang dahilan kung bakit galit na galit siya sa mga ito. All she wanted is to be guided and to be loved by her parents...