Chapter 32

49 2 0
                                    

Chapter 32


Halos kinse minutos din ang naging paghihintay namin kay Jad. Nakakaguilty dahil sobrang inip na inip ako kakaantay dahil lang sa hindi ko sinamahan si Zen. Sana kasi diba ay ganito rin kabagal ang oras kapag kasama ko siya. Nasaan na kaya 'yon? Ano kayang ginagawa niya?

He didn't spend his time for his girlfriend for me tapos in the end, hinayaan ko siyang mag-isa. Hindi ako sumama sa kaniya. He didn't text me though. Nagmessage ako sa kaniya saying I am sorry pero I received no reply. Is he busy or he just chose to ignore me?

Kungsabagay. Kahit sino naman kapag hindi mo sisiputin sa pinag-usapan ay magagalit. Kaya naiintindihan ko kung sakaling galit siya at hindi niya ako papansinin. Baka yung kahapon na rin ang last na kita at pag uusap namin dahil sa ginawa kong ito. My vision went blurry from what I am thinking. Binabalot na naman ng sakit ang puso ko at unti unti itong dinudurog.

Iniisip ko lang din naman ang kapakanan niya... I am just that stupid.

Wala kaming karapatang maging magkasama. Wala akong karapatan sa kaniya. I certainly have no chance on him pero wala... I just want to try and be with him kahit pa hindi pang permanente.

"Jad! Ang tagal mo!" reklamo ni Rey na kumakain na ng fries na niluto ni Elwis.

"Sorry! Hinatid ko pa pauwi si Jamaica e." Tinutukoy niya ang kaniyang girlfriend. Inuuna niya ang girlfriend niya sa lahat ng bagay. Ganoon naman ata talaga dapat.

Pinili nila na rito sa bahay ni Wilson magcelebrate para sa kung anong announcement man yan. Nagluto pa sila ng mga kakainin, so this really must be important for them, for us. May pa-venue venu pang nalalaman itong si Elwis kanina tapos dito lang pala sa bahay ni Wilson.

"Usog ka, mare," sabi ni Rey dahil uusog din siya para makaupo si Jad sa couch na inuupuan namin. Pinunsan ko ang aking mga mata para hindi nila mahalata na umiyak akong bahagya.

Ngumiti ako kay Jad at napatingin kay Elwis na naglakad na rin palapit dito dala ang bowl ng lomi.

"Anong announcement ba 'yan?" I probed nang nagtinginan lang kaming lima rito.

"Oo nga, Elwis. Anong announcement ba 'yan? Masyado 'tong pa-tense!" si Jad na dumukot na rin ng fries mula sa table.

Ngumisi nang malawak si Elwis saka naupo sa armrest ng pang-isahang couch kung saan nakaupo si Wilson. Para siyang bata na tuwang tuwa sa naiisip niya.

"Magsalita ka na oy! Hintay na hintay kami rito oh!" sabi pa ni Wilson.

"Wait. Ganto 'yan. Kahapon, pagkauwi ko, I received an email galing sa manager ng Nocturnal Silence. Magkakaroon daw sila ng mall show sa Tagaytay and the band invited five underrated bands to perform with them or to guest sa mallshow na iyon!"

I already screamed sa kalagitnaan ng sinasabi ni Elwis at nang makumpirma ay napagpatuloy ko na ang pagtitili ko. Napatayo pa ako at nagtatalon. Si Jad naman ay napapamura at napatayo na rin habang si Wilson ay tahimik at nanlalaki ang mga mata. Si Rey gulat na humahalakhak at si Elwis ay kalmado ngunit bakas na bakas sa itsura ang saya.

Fudge! This is a big break especially for them! Knowing na ang Nocturnal Silence ay isang sikat na banda! Nag'guest sila sa mga tv shows at kumakanta ng mga official sound track ng mga sikat na movies at teleserye! nagkaroon na rin sila ng concert at lahat ng iyon ay sold out! Wait!

Is this for real!

Ang dami nilang pwedeng pagpilian na banda yet napili nila ang kanila Elwis! I am very much happy for them! Para akong nanay na tuwang tuwa sa achievements ng mga anak. Isa isa ko silang nayakap nang mahigpit sa sobrang kasiyahan para sa kanila. Parang promotion na rin nila ito at sigurado akong after ng mallshow na ito ay makakakuha na sila ng maraming invitations para rumaket or baka nga makakuha pa sila ng offer mula sa ilang music industry management!

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon