Chapter 37

33 1 0
                                    

Chapter 37 



"Check mo 'yong nasa site na sinend ko sa'yo!"

"Gago, chineck ko na kagabi, 'di ko mahanap!" sabi ni Rey kay Jad nang bigong mahanap kung ano mang hinahanap nila. Sigurado akong isa na naman 'yan sa kagaguhan nila.

Katatapos lamang ng pangalawang practice namin sa linggong ito. Kada linggo ay naisipan namin na magkaroon ng dalawang practice. Tuwing Monday at tuwing Sabado. Hindi kasi ako pupwede ng linggo kaya sila na ang nag-adjust sa kung anong araw ako pupwede.

"Hindi 'yan 'yon!" muling dinig kong reklamo ni Rey. Hindi pa rin sila tapos magbangayan dalawa kahit pa nasa loob na kami ng pick up truck ni Wilson. 

Napag-usapan nila na ihahatid nila ako sa bahay after namin mag-snacks sandali sa labas. Hindi rin naman kasi ako masusundo ni Zen dahil busy siya sa pag-rereview dahil alam ko ay umpisa na ng kanilang prelims sa Monday. Speaking of that!

"Hoy kayong apat! Nakapag-review na ba kayo? Prelims niyo sa lunes diba?" tanong ko nang maaalalang kolehiyo nga rin pala ang mga ito.

"Oo kahapon tapos bukas ulit," ani Jad habang tutok sa cellphone ni Rey.

"Tapos na kami ni Wilson kaninang umaga," sagot naman ni Rey na tutok sa cellphone niya.

"E, ikaw, Wis?" tanong ko kay Elwis na nasa shotgun seat katabi si Wilson na magdadrive.

"Tapos na rin kahapon. Baka mamayang gabi, magtuloy ako sa pagrereview," sagot naman niya.


Si Zen kaya? anong ginagawa no'n? Kanina pang alas singko noong sinabi niyang nagrereview siya e alas siyete na ngayon. Kumain na kaya ang isang 'yon? Napakunot ang noo ko sa mga tanong ko sa isipan. Am I being clingy? Gaga ka, Alliah! Boys don't like clingy girls pa naman.

Balak ko na sana siyang i-text kanina pero nawala ang balak kong iyon nang mapansin ang pagiging clingy ko. Nitong mga nakaraang araw rin na hindi kami nagkikita ay ako itong text nang text at tawag nang tawag sa kaniya. Naiirita kaya siya? Baka kasi oo tapos sagot lang din siya nang sagot sa mga text at tawag ko dahil ayaw niya akong masaktan or what? Ilang beses na rin akong nagkkwento kay Elwis na miss na miss ko si Zen tapos nasasabihan niya rin akong clingy raw pala ako! Totoo ba?

Gusto ko tuloy bigla sakalin ang sarili ko sa mga naiisip! 

Buong oras na nagssnacks kami hanggang sa makauwi na ako rito sa bahay ay nasa isip ko 'yang mga 'yan. Kaya nag-decide ako na hindi ko muna siya itetext at hindi ko na rin muna tatawagan dahil nagmumukha akong sabik na sabik sa kaniya. 

Well, oo naman. Miss ko siya pero ayokong sabihin niya na ang clingy ko! saka hindi ba kapag mas clingy ka, mas mabilis kang pagsawaan? I wouldn't want that to happen! Ang pagsasawa niya sa akin ay never kong inisip! 

"But I want to text him!" reklamo ko sa sarili saka naupo mula sa pagkakahiga sa kama ko. Para akong isang batang nagtatantrums dahil hindi sinama mag-Jollibee.

Tila nagbago ang ihip nang mag-ring ang phone ko. Agad akong tumayo at dali daling kinuha ang phone kong iniwan ko sa sariling study table.

Si Zen!

Wala pang ilang segundo nang makita ko 'yon ay sinagot ko na agad.

"Hi!" hingal kong bati. 

[Hi! You're not replying to my texts]

"Uh, busy kanina sa practice, then hindi ko na namalayang may cellphone pa nga pala ako..." nanantyang sabi ko. Buti nalang ay mabilis akong nakaisip ng dahilan. Ayoko namang marinig niya mula sa akin na pinipigilan ko lang maging clingy dahil tatawanan niya na naman ako. 

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon