Chapter 25
Maganda ang naging gising ko sa mga sumunod na araw. I spend my time kapag umaga kasama ang mga pinsan ko at kapag gabi naman ay yayain ako ni Zen na magsimbang gabi at kakain kami ng bibingka pagkatapos noon. Pinapayagan naman ako ng magulang ko dahil siya naman ang kasama ko lalo na't ngayon na kilala na nila si Zen.
Minsan ay gusto kong yayain si Hazel at Agatha rito sa bahay dahil Krystle and Carlie wants to meet them kaso nga lang kahapon ay lumuwas na si Hazel at ang family niya papuntang Bohol para doon magcelebrate ng pasko at bagong taon. Si Agatha naman ay ayaw dahil medyo naiilang pa siya sa mga ito. Especially siguro sa mga pinsan kong mga lalake na napapansin ko nung party ko na pinopormahan siya. Himala lang na tumatanggi na siya sa harot ngayon.Excited akong naupo sa upuan dito sa aming gazebo para kausapin si Zen through phone. Ano naman kaya ang gala namin mamaya? Busy naman sila mama sa pag aasikaso ng mga christmas decors at mga kulang pa na pang noche buena at probably kami ang pabibilihin ng mga 'yan sa grocery store.
"Tita, ano pang mga kulang natin? Subukan kong ako mag grocery mamaya," I asked habang dinadial si Zen. Hawak ni tita ang listahan habang may hawak naman siyang ballpen sa kaliwang kamay.
"Sige, sige. You're going with your cousins ba?" she asked.
"If they want, Tita. Yayain ko rin si Zen."
"Baka naman busy 'yang manliligaw mo, Alli."
[Ayos lang, tita! Wala naman kaming masyadong ginagawa rito sa bahay.] Bahagya pa akong nagulat sa biglang pagsasalita ni Zen sa kanilang linya.
Ngumiti sa akin si Tita saka ibinigay ang listahan. Medyo kaunti lang naman ito dahil nakagrocery na sila last two days pa.
[So, we're going to grocery store, huh.]
"Yes yes. Kaunti lang naman ito," I said as I scanned the whole list. Kernel corns, all purpose cream, fruits and other can goodies lang naman.
[Okay. I'll pick you up in 10 minutes. Get ready and...] Kumunot ang noo ko sa pagputol niya ng sasabihin niya.
"And?"
[Nothing. I supposedly tell you not to wear spaghetti straps but then again, I remembered na kaya ko nga palang bumugbog. So, go. Wear whatever you desire.]
Oh my fudge. I can't help but to burst out laughing. Walang pinagbago 'tong kumag na 'to.
Gaya ng napag-usapan, ten minutes ay sinundo niya na ako. I jumped on his motorcycle saka kumapit sa kaniya habang hawak hawak ang wallet ko at listahan. Pagkadating namin sa grocery store ay napakadami ng tao. Is this what they call panic buying? Bukas na kasi ang noche buena kaya lahat ng tao ay nakakandarapang magsibili na. I wonder kung mas marami pa kayang tao bukas.
"Patingin ako ng listahan." I handed Zen the list I'm holding saka naghanap ng grocery cart. When I saw one, I immediately grabbed it saka bumalik kay Zen. Inagaw niya sa akin ito saka kami nag umpisa pumasok sa loob. Oh yes, inagawan niya ako ng tutulakin. Siya kaya ang tulakin ko?
I pouted when he glanced on me. I love pushing carts kapag nasa grocery store. Itutulak ko ang cart then I'll hop on it habang umaandar. Even I'm seventeen ay ginagawa ko pa rin 'yon.
Ugh. I'm not matured, tsk.
Habang busy siya sa pagtutulak, ako naman ang tumitingin at kumukuha ng mga nasa listahan sa bawat pasilyong dadaanan namin. Nakikita ko ang mga pasimpleng sulyap sulyap niya sa akin but I'm pretending that I'm busy sa pamamagitan nitong listahan.
BINABASA MO ANG
Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)
Novela JuvenilVarra Series #1 Alliah Gail Arciveles is not a believer of love. Lumaki siyang hindi nabigyan ng tamang gabay ng kaniyang mga magulang dahilan kung bakit galit na galit siya sa mga ito. All she wanted is to be guided and to be loved by her parents...