Chapter 5

170 61 91
                                    

Chapter 5

I don't know why people likes basketball so much or even any sports. Sports can make them real sweaty. Yes, maraming benefits ang pagpapawis kaso... nakakadugyot. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga sports or any extreme activities. I prefer serene activties. Pakanta kanta lang, nood nood, kwentuhan. Gano'n lang. Wala talaga sa tipo ko ang ganito.

Alam ko na minsan ang pinupunta lang ng mga tao rito ay hindi ang laro kung 'di ang manlalaro. Gaya nitong game ng Black Wolves at Red Falcons. Kanina namang sa Pink Owls at Yellow Dolphins ay tanging sila sila lang din ang nanonood pero ngayon ay lahat ng Unit nagsisisksikan dito sa gymnasium. Hindi mo na mararamdaman ang aircon sa sobrang daming tao at ang iingay pa ng lahat.

Late na akong nakapasok dahil natagalan ako sa pagbili ng pagkain at tubig namin nila Agatha. Pinauna ko na sila at buti nalang ay alam ko kung saang spot sila nakaupong dalawa. Patapos na ang first quarter at lamang ang Red Falcons. Si Aaron palang ang naglalaro sa kalaban namin at mga ibang hindi ko kilala ang pangalan pero alam ko ay miyembro rin ng varsity. Todo ang pagchicheer ni Agatha sa dalawang grupo at tawa ako nang tawa dahil doon. Sige, kaya mo 'yan. Ginusto mo 'yan e.

"Go Black Wolves!"

"Fighting Red Falcons!"

"Black Wolves win! Black Wolves fight!"

"Red Falcons!! "

Binabalot ng sigaw ang buong gymnasium. Nilibot ko ang aking tingin sa buong gymnasium hanggang sa dumapo ito sa kabiang side ng court kung saan tahimik lang na nakaupo si Zen, as usual. Tumingin siya sa akin gamit ang walang emosyon niyang mukha at mukhang sesenyas o may sasabihin pero nag-iwas na ako ng tingin.

He kindly accepted my gratitude earlier kaso ilang beses pang pinaulit sa akin para tanggapin niya. Syempre hindi ko inulit, wala naman ako pakialam kung tatanggapin niya o hindi. Kung ayaw niya, edi 'wag.

Lamang pa rin kami pagdating ng second quarter at patuloy pa'ring nagchicheer ang lahat. Hindi humina ang pagchicheer mula noong nag-umpisa ang laro tila lahat ay hindi nawalan ng pagod kahit huling laro ito para ngayong araw. Bukas naman ay panay booths nalang.

Tumunog na ang ring para sa half time at madaling madali si Agatha na bumaba kaya pinahawak pa sa amin ni Hazel ang banner at mga gamit niya para salubungin ng yakap ang pawisang si Aaron. Ang sakit nilang dalawa sa mata.

"Waaaaa! Ang galing galing mo, loves!" sigaw ni Agatha na halos lahat ay napatingin sa kaniya.

Medyo humuhupa na ang tao sa loob ng gym dahil ang iba ay pupuntang canteen for sure at ang iba ay nagpapapicture sa mga players. Sampung minuto lang naman itong half time. Ang ibang players ay nagpuntang lockers sandali sa hindi ko malamang gagawin. Si Hazel ay kinuha itong pagkakataong ito para makapag-interview para sa sports newspaper ng school.

"Sige, ako na bahala rito," sabi ko sa kaniya at hinawakan ang mga cartolina at plastic water bottle nila ni Agatha.

Pinlano ko ulit na maupo nalang ulit sa inuupuan namin kanina nang may tumawag sa akin.

"Psst oy!" Hinanap ko kaagad ang kung sino man ang sumitsit sa akin and I found Zen na nakaupo sa bangko at tumatawa ng bahagya. Nilapitan ko siya at pinalo ng bote ng mineral water sa ulo.

"Aray ano ba!" asik niya. 

"Ang arte mo. Hindi naman malakas ang pagkapalo ko. 'Wag mo akong artehan," saway ko sa kaniya.

"Ang sadista mo!" Inirapan ko nalang siya.

"O? Ba't di ka kasama ng mga pinsan mo sa loob?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon