Chapter 6
Lagpas alas siyete na nang makauwi kami dahil tinupad niya ang sinabi niyang tumigil muna kami hangga't hindi pa okay ang nararamdaman ko. Hindi pa rin naman ako okay pero pinilit kong itigil ang pag-iyak ko at hindi nalang siya kinausap hanggang sa maibaba niya ako, I even didn't say thank you and sorry or mag-ingat siya pauwi. Diretso nalang ako pumasok sa gate.
I only saw an empty garage pagkauwi ko. Wala na sila Mama at tuluyan na ngang umalis kesa hintayin ako at malate sila sa pupuntahan nila. Negosyo nga ba talaga ang inaasikaso nila o pupwede na akong maniwala sa sinasabi ng iba? Mas ikatutuwa ko pa siguro kung naabutan ko sila rito at paulanan nila ako ng galit nila dahil late akong umuwi.
Now, I don't even know where they've gone.
Pagod akong nagbuntong hininga at nadatnan si Gael na naghihintay sa akin sa kusina. May pinapanood siya sa cellphone niya habang kumakain ng ice cream. Hindi ko na sana siya papansinin at didiretso nalang sana sa kwarto ko sa taas pero wala akong ipagkakaiba sa mga magulang ko kung gagawin ko 'yon sa kapatid ko.
"Nakauwi na ako," sambit ko saka nagtungo kung nasaan siya. Nagtaas siya ng ulo ng makita ako.
"Buti nakauwi ka na. Nandito sila Mama at Papa kanina. Hindi na nga kumain at dumiretso sa kwarto pagkatapos nagpaalam sa akin na aalis daw sila at may aasikasuhin sa branch sa Cebu. Noong tinanong ka, hindi ko na mapigilang hindi magsinungaling kasi tinignan ka nila sa kwarto mo," mahabang paliwanag niya. Ngumiti ako at tumango nalang.
"Okay, at least nagpaalam sa'yo."
"Hayaan mo na, ate. Pag-uwi nila for sure 'di na sila galit sa'yo," sabi pa niya habang kumukuha ng isang baso ng tubig at ibinigay sa akin para inumin.
Natawa nalang ako. Syempre, wala na silang oras para magalit pa sa akin. Para namang may magbabago kapag uwi nila. Iniba ko nalang ang pinag-uusapan namin at nabanggit niya ang laro ng mga kakampi niya kanina. Pinagyayabang niya pa sa akin na ang gagaling ng mga ka-Unit nila kahit puro yabang lang naman talaga nakita ko kay Zen kanina.
Sa pangalawang araw ng Intrams ay hindi na ako pumunta. Booths opening at awarding nalang din naman ang magaganap at bukod doon ay hindi ko rin talaga alam kung paano haharapin ang Guevarra na 'yon matapos ng mangyari kagabi. Pagtatawanan ako no'n, sigurado ako. Late ko na nasabihan doon sila Agatha. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko kaya mag'stay muna ako sa bahay at ganoon din naman talaga ang ginawa ko buong araw. Kinabukasan, ay wala kaming pasok at bumaba ako ng kwarto ko na mayroon ng nakaprepare na breakfast.
"Aga mo yatang sinipag ah?" sabi ko. Napalingon siya sa akin at nakasuot pa ng apron sa ibabaw ng jersey niya. Ah, kaya maaga.
"May laro kami ng mga kaibigan ko ngayon sa court, ate. Dito ko sila ininvite mag-lunch, okay lang naman 'no?" tanong niya.
"Aba, hindi ko alam. Kung wala naman kayong gagawing masama at dito lang kayo sa baba, edi go." Ngumuya ako ng isang french toast na gawa niya.
I just wonder kung sino-sino pa ang mga kasama niya o sinong belong sa mga kaibigang sinabi niya. As far as I know, syempre basketball 'yan, kakaunti lang naman ang friends niya na nagbabasketball na ka-grade niya. He's friend with Zen so, baka kasama niya? Pero imposible, Zen's too much from his age. Approximately six years ata ang agwat nilang dalawa kaya imposible.
Nakaalis na si Gael at ako nalang ang natira sa bahay kaya mas pinili ko nalang tumambay sa gazebo namin sa likod dahil mahangin doon. Habang yakap yakap ko ang aking unan ay nagsscroll lang ako sa Facebook para makita kung ano ang naging ganap kahapon sa school. Tama ako dahil ang mga ganap kahapon ang bubungad sa akin. I saw some pictures na overall champion ang Black Wolves may picture pa silang lahat at si Aaron ang may hawak ng trophe. Zen's just standing beside him at hindi pa nga nakatingin sa camera at hindi rin nakangiti. Sana hindi nalang siya sumama sa picture kung may plano rin siyang sirain. I continued scrolling when I received a notification. Dalawa at the same time. Nang tignan ko ang messages ay isa itong message request galing kay Zen. Hindi naman kasi kami friends sa Facebook.
![](https://img.wattpad.com/cover/214767868-288-k801424.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)
Teen FictionVarra Series #1 Alliah Gail Arciveles is not a believer of love. Lumaki siyang hindi nabigyan ng tamang gabay ng kaniyang mga magulang dahilan kung bakit galit na galit siya sa mga ito. All she wanted is to be guided and to be loved by her parents...