Chapter 12

115 47 27
                                    

Chapter 12

 Madaling araw na nang makarating kami sa bahay ni lola sa maynila. Ang bahay rito ay hindi katulad ng bahay namin sa Cavite. Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. It is already modernized kaya nagulat pa ako roon dahil noong huli kaming pumunta rito ay hindi pa ito ganito kalaki. Ang lola ko nalang ata at iilang taga-pangalaga niya ang naninirahan dito e.

"Aba dalaga't binata na ang mga apo ko ah!" natutuwang bati sa amin ni lola nang makapasok kami sa loob, "Hali kayo rito at dadalhin ko kayo sa mga kwarto ninyo. Narito rin ang mga pinsan niyo ha! Nawa'y maging masaya ang bakasyon ninyo ano?"

"Kamusta na ho kayo, Ma?" bati sa kaniya ng mga magulang ko. Nag-usap pa sila kung bakit ngayon lang kami ulit nakabisita at todo paliwanag naman ang mga magulang ko. I prevent myself from scoffing dahil sa mga sinasabi nila.

I just went upstairs at dumiretso sa kung saan ang tinutulugan namin noon. Iisang kwarto lang naman 'yon. Pagkabukas ko ng pinto ay nandoon na si Gael at nagtatanggal na ng kaniyang medyas. Mahahabang kama ang nandito sa loob para kasya kaming lahta, iba ang kama ng mga lalaki sa main. Napatingin ako kay Carlie at Krystle na mahimbing ang  tulog at hindi man lang nagising sa ilaw na kakabukas ko. I saw them only in pictures and in video chats pero wala pa rin pala talaga silang pinagbago.

I took a picture of them saka ko pinost sa Facebook at tinag silang lahat. Nakatawa pa si Gael doon sa picture. I posted it with the caption: Once again, we met. Papatayin ko na sana ang phone ko para magpalit na ng damit at makapagpahinga na nang makita kong naka-like at nag-comment pa si Zen.

Zen Guevarra:

Pa-unblock.

Binalewala ko iyon saka ako nagtungo sa CR para makapag-ayos na ng sarili. I blocked him automatically saka si Aaron after noong nangyaring 'yon para hindi na nila kao ma-message. Magpasalamat nga siya at sa Facebook ko lang siya blinock. Kahit ilang beses pa siyang mangulit diyan, hinding hindi ko na siya papansinin.

Pagkatapos kong maghilamos ay tumabi na agad ako kay Krystle. Natawa pa ako kapag nagising sila at makikita akong nandito paniguradong gigisingin kaagad nila ako. Kinuha ko ulit ang phone ko para magpaantok. May mga iba pang nag-comment sa picture na kakapost ko palang a while ago. I can't believe na gising pa sila ng ganitong oras. Gising na o gising pa? Puro replies sa comment ni Zen ang nakita ko.

Agatha De Villa:

Cuties. Pa-unblock daw sabi noong nasa taas.^^^^

Sebastian Klyde Guevarra:

Pa-unblock daw, Alliah. Sorry na raw.

Wow, Agatha's interacting with Zen. Did I miss something? kapag naman galit siya sa isang tao ay hindi niya talaga ito pinapansin ah? Hinayaan ko nalang sila saka diretso na natulog na.

"OMG!! Alliah!!!" Nagising ako sa mabigat na nakadagan sa aking bandang tiyan at sa ingay ng sigaw ni Krystle. Sinasabi ko na nga ba at sa ganitong paraan niya ako gigisingin.

"Good morning," I yawned saka tinignan ang paligid. Para ko pang hindi maigalaw kaagad ang katawan ko dahil sa ginawa ni Krystle kanina. Oo, masakit dahil sa tiyan ka ba naman daganan diba?

"Nasa baba na sila kuya at yung iba para mag-lunch doon sa garden. Dali dali maligo ka na at may ikukwento ako!" kaagad na sabi niya. Halatang sabik na sabik makipagkwentuhan kanina pa.

"Lunch na? Anong oras na ba? Kanina ka pa gising?"

"Oo, gaga. Ayaw kayong ipagising ni Lola e kasi madaling araw na raw kayo dumating kaya ngayon nalang kita ginising. Tumayo ka na dahil marami pa akong baon na chika! Tagal nating hindi nagkita ano ba!" Natawa nalang ako sa kaingayan niya at nagpunta na sa banyo. I just wore a black halter top and my mustard beach shorts. I tied my hair into a simple ponytail before nagpunta sa garden.

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon