Chapter 7
Sunday na ng gabi nang mapansin kng in-add pala ako ni Zen sa Facebook. Kakatapos ko lang magtoothbrush at naghahanda nang matulog para maaga akong magising bukas. Habang hindi pa ako inaantok ay napag-isipan kong magscroll muna sa timeline ni Zen. In-accept ko ang friend request niya saka ko siya ini-stalk dahil nakaprivate for sure ang mga posts nito.
Pagscroll ko ay laking gulat ko na ang display photo niya kaagad ang bumungad. It was four years ago pa kaya ibang-iba pa ang itsura niya rito. He looks young at hindi pa kasing laki ng katawan niya ngayon ang katawan niya rito. Gwapo pa rin naman pero ang bata ng itsura niya rito. Grade nine yata siya rito or probably my grade? Sinubukan ko pang mag-scroll pero wala na at puro tagged photos nalang ang iba. Nag-iisa lang 'yung display photo niya na pinost niya.
Facebook niya ba talaga 'to o poser account? Pero tinatag naman siya ng mga pinsan niya kaya account niya talaga 'to. Ang huling nasa timeline niya ay ang birthday niya: May 29. Ni-wala man lang bio, workplace o kahit na ano. Kaya umalis na ako sa timeline niya at nirefresh ko ang feed ko at lumabas ang isang post ni Kylie Guevarra, kapatid ni Keith.
'LF: Zenitsu's balls. Please dm me kung nahanap ninyo."
This was posted three minutes ago pero andami ng comment. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at binuksan ang comment box. May ilang nagcomment na medyo bastos because of the word 'balls' yet ang karamihan ay puro tanong. Nagcomment rin dito ang aking kaibigang si Agatha.
Agatha De Villa: Whut do ya' mean Ky? Hahaha.
Kylie Guevarra (replied): Nah. Parang may mali lang when Zen is behaving well hahaha.
Agatha De Villa: So, Aaron went chick hunting too?
Hanggang doon lang ang binasa ko at binack ko na kaagad. Wala naman akong say sa business nilang magpipinsan. Wala naman akong pakialam diyan pero bakit nga ba wala sa mood ang isang 'yon? Naiisip ko tuloy na baka may kasalanan ako o ano pero mukhang hindi naman ako ang huling nakausap no'n sa daming gustong kumausap sa kaniya kahit napakatahimik niya lang na tao.
Late na akong nagising kinabukasan dahilan para muntik pa akong ma-late sa klase pero umabot naman ako. Pagdating sa pangalawang period namin ay antok na antok talaga ako pero pinipilit kong hindi matulog dahil sayang ang matututunan ko. Kakastart palang ng pangalawang quarter tapos pangit na kaagad ng performance ko.
"Ba't parang puyat na puyat ka ha? Ginawa mo kagabi?" tanong ni Agatha nang mapansing napapapikit pikit na ako.
"I can't sleep kaya nagbrowse muna ako sa phone until I got entertained so much sa mga iilang videos sa Youtube," I said to them. Hindi naman ako nagsinungaling dahil 'yon ang totoo. After kong mag-Facebook ay dumiretso ako sa Youtube sa pag-aakalang makakatulog ako kaagad.
"Hay nako, kapag hindi ka pa inaantok, I suggest na mag-warm milk ka instead of browsing sa cellphone dahil mas lalo ka talagang magigising," sabi pa niya at sumang-ayon din si Hazel.
Sa aming tatlo talaga ay si Hazel ang pinakamatalino, nakakapasok siya sa honors every quarter at high honors sa katapusan ng taon. Kami naman ni Agatha ay pumapasa pa rin naman pero hindi kami katulad ni Hazel na nags'strive para sa honors. We're fine like this even alam ko kung anong pressure ang binubuntong kay Agatha ng parents niya about dito. Nawalan nalang din siguro ng gana maghirap pa.
Unang araw ng panibagong buwan ay mukha akong bangag kaya nandito ako sa restroom bago maglunch upang magretouch. I tinted my pale lips with my strawberry flavored tint at nilagyan ko nalang din ng kaunti ang aking pisnge dahil nga medyo namumutla ako dahil puyat. Normal lang ito sa akin, ang mamutla ako kapag walang tulog pero hindi naman ako nahihilo. Akala pa nga ng teacher ko kanina ay may sakit ako kaya pinapupunta niya ako ng clinic. I just refused dahil wala namang makikitang mali ang school nurse namin.
BINABASA MO ANG
Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)
Novela JuvenilVarra Series #1 Alliah Gail Arciveles is not a believer of love. Lumaki siyang hindi nabigyan ng tamang gabay ng kaniyang mga magulang dahilan kung bakit galit na galit siya sa mga ito. All she wanted is to be guided and to be loved by her parents...