Chapter 22

57 21 0
                                    

Chapter 22


"Salamat talaga ng marami, Zen. Dumating ka para partneran si Alli kung hindi, paniguradong sira buong film namin," pasasalamat ni Hazel kay Zen when we got the highest score sa film na ginawa namin last week. We got the highest views, reactions, and feedbacks nung pinost namin ito sa facebook at youtube dahil sa views nakabase ang grades na ibibigay sa amin at bonus yung reacts and feedbacks.


Why do the teachers base on highest views, by the way?

"Why are you thanking him e dahil sa kaniya kaya ka nastress." Sinadya niya kasing sabihin kay Derick na hindi na tuloy ang filming para siya ang pumalit na partner ko. Muntik pang ipahamak kaklase ko sa listahan ni Hazel.


"Duh? Dahil sa cameo ni Zen, sumikat at dumami ng napakadami views natin plus may mga feedback pa!" Pabiro ko siyang inirapan pati itong si Zen na pa-cool na nakatingin sa akin.



"Tama naman si Haze! Ang bongga ng views 'no kung icocompare mo sa pumapangalawa sa atin. We got 11.5k views in 24 hours at sa grupo naman nila Kyzha ay 967 views lang. See the difference?!"


"Feedbacks? Akala mo naman may magandang feedback roon e puro Zen ang nakita ko sa feedbacks, wala man lang reaction about the story itself," ani ko pa.


"Ha? anong walang maganda e ganda nga ng mga pangalan ko roon. Hindi ko kasalanan na maraming may gusto sa akin," pangaasar ni Zen na ikisinimangot ko.


"Sige, dude. Asarin mo para lumago ang income ng mga ospital dahil mukhang maraming macoconfine," natatawang asar pabalik ni Keith kay Zen at sabay silang tumawa. Tumawa rin ako nang magets ko ang sinabi niya.


"Hindi ko sila aawayin, Keith. Bakit naman diba kung alam kong ako gusto niyan?" 


Napa-oh silang lahat sa sinabi ko. I smugly looked at Zen who's now smiling confidently.


"Confident. Kita mo 'yon, Keith? Boo! wala kang ganiyan!" Zen teased.


"Yabang mo 'tol! Pag 'yan nawala sa'yo, iiyak ka."


"Ulol! Sinong mawawala e ikaw lang naman iniwan sa ating dalawa!" bawi ni Zen na ikinatahimik ni Keith saka nagshoot na rin sa rim, "Basketball player ka nga. Gawin ka ba namang rebound."



Wala akong alam sa lovelife ng mga pinsan niya kaya hindi na ako umimik saka base sa reaksyon ni Keith ay mukhang nagkaroon ito ng seryosong relasyon sa kung sino mang babae 'yon noon. Rebound? Nobody deserves to be a rebound. That's cruel.


Tumunog ang buzzer ng basketball arcade kaya naghulog muli sila ng coins. Lima lamang kaming narito sa arcade. Since Sabado ngayon at walang pasok. Si Zen, Keith, Agatha at Hazel lang ang kasama ko dahil may ibang gagawin pa raw sina Klyde, Axl, at Aaron. 'Yung mga babae nama'y bihira lang sumama sa amin since may sarili din silang circle of friends. Last Saturday ay ganito rin ang ginawa namin but maaga akong umuwi since magp'prepare raw si Mama ng dinner for us at ayon, mapayapa at masaya namang nairaos ang dinner.


We talked about a lot noong dinner na iyon including my status with Zen. I told her na Zen isn't just a friend to me and surprisingly, she wasn't mad at nagkwento pa siya noong kabataan nila ni Papa which is I enjoyed a lot dahil may mga natutunan ako about them na hindi ko pa alam noon. My mom and I are slowly getting along and I love the idea of that.


Palapit na nang palapit ang pasko at madadama mo talaga iyon dahil lumalamig na ang panahon. It is also my birthmonth and I still don't know what will happen, I still don't have plans kung paano ko iyon i-cecelebrate 'cause nasanay na rin naman ako na simpleng kain kain lang kung saan together with friends.

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon