Chapter 15

94 42 24
                                    

Chapter 15



"Yuck! Kadiri ka! Anong pinagsasabi mo, Zen? Ang aga aga oh! kung ano anong natututunan mo ha," saway ko sa kaniya. Anong klaseng banat 'yon? ang bano ng banat e.


"Hoy! Ang sama mo! Self learn 'yon!" I can see him pouting right now sa tono ng pananalita niya. Natawa nalang ako roon.


"Self learn? O palibhasa gamit na gamit mo na sa mga chics mo noon kaya gagamitin mo rin sa akin ngayon? Akala mo naman tatalab."


"O bakit hindi ba tumalab?"


"No," I answered.


"Talaga? Hindi tumalab?"


"Hindi nga."


"Banat ko ma'y 'di tumalab, pero dito sa puso ko'y ikaw lang ang aking love," banat niya the reason I laughed so hard.


Where the hell did he learn those pick up lines? Kung pwede ko lang siyang batuhin ng tsinelas ngayon ay ginawa ko na.


"Alam mo, sabi ni Gov, 'wag ka na raw umuwi. Dagdag perwisyo ka lang sa bayan natin," sabi ko sa kaniya. 


"Sige lang, baka ma-miss mo ako kapag hindi na ako umuwi."


"Miss na nga kita e," pagtawa ko. Nang wala na akong marinig na tawa mula sa kabilang linya ay unti-unti rin akong napatigil at tinignan ang screen. On going pa rin naman ang call, "Hoy? Nariyan ka pa ba?"


"Pakiulit nga," mapangasar na sabi niya. 


Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong uulitin ko?


"Ha? Ang alin?"


"'Yung sinabi mo."


"Anong sinabi ko? Hoy, nariyan ka pa ba?"


"Hindi, 'yung nauna pa!" dinig ko na bahagya na siyang natatawa na para bang natutuwa siya. Ano bang sinabi ko bago roon? 


Pumikit pa ako para alalahanin nang maisip ko 'yung sa sinabi niyang mamimiss ko siya. May sinabi ba akong oo? o mamimiss ko siya? o miss ko na nga siya? as far as I remember sa utak ko lang 'yon sinabi.


"Ha? Ang alin ba 'yon?"


"Miss na nga kita e," he said, mocking my voice. What the hell? Did I say that out loud?


Ilang beses kong inalala kung nasabi ko ba iyon at napapikit nalang ako ng mariin nang napagtanto ang sinabi niya. Parang gusto ko nalang lamunin ng higaan ko ngayon sa kahihiyan.


I heard him chuckling. Grabeng grabe pa ang pagtawa niya, "Oh ano? Napano ka na riyan?"


Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon