Chapter 31

42 1 0
                                    

Chapter 31 


I enjoyed it a lot noong nagbakasyon kami sandali sa Ilocos. We went to many tourist attractions there kasama ang isang babae na taga-roon din. I don't know what's the status between her and Kuya Aiden basta ang alam ko lang ay mayroong namamagitan sa kanila. 

The girl looks really feisty, by the way at tila ayaw niya sa Kuya ko pero sa amin naman ay maayos ang kaniyang pakikitungo.

"You can also try the empanada of the Serrano's right across the church," sabi ni Ate Laya na kasama namin sa hotel van. Kasama na sa binayaran namin sa hotel ang pagtutour nila sa amin around Ilocos. Hindi ko lang sigurado kung hanggang saan.

"You might also wanna try it, Kelaya." sabi ni Kuya, matalim siyang tinignan ni Ate Laya, "You'll surely remember the memories from the past."

Nagkatinginan kami ni Gael doon at napangisi naman ang aming mga magulang na parang may alam kung anong namamagitan sa dalawa. 

"You might want to shut up din, Sir?" sarkastikong tanong ni Ate Laya habang may pilit na ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Hindi roon natapos ang pag-paparinigan nilang dalawa dahil bawat araw na tumatagal kami sa Ilocos ay nagpaparinigan lang sila habang nagdedetour. Nakakaaliw naman silang panoorin lalo pa't ayaw aminin sa amin ni Kuya ang mayroon sa kanila ni Ate Kelaya. 

Sa panghuling araw namin doon ay nakakapanibago na hindi sila nagsasagutan. Maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon. Naayos na ba nila ang kung anong alitan nila? Naiisip ko tuloy na baka isa rin si Ate Kelaya kung bakit gusto nang umuwi ni Kuya Aiden dito sa Pilipinas bukod sa makasama kami. 

Napangisi ako roon. 

I took so many pictures while we're on vacation and posted some of it sa Instagram account ko. Habang naghihintay ng dinner ay nakahiga lang ako sa aking kama habang si Gael ay nanonood, sila Mama at Papa ay namasyal pa at si Kuya naman ay hindi ko alam kung nasaan, ay nag-scroll muna ako sa mga social media accounts ko. I saw some pictures kanila Agatha na nasa school for Intramurals.

They were wearing their unit's shirt at maging si Hazel na taga-ibang unit ay kasama sa picture. Last night nga ay nakwento nila sa akin ang kaganapan sa Intrams. Unfortunately ay hindi kasama si Gael sa games ngayong taon because of this quick vacation. Nakakita rin ako ng pics na naroon sila Elwis sa stage habang tumutugtog dahil naimbitahan para sa opening production.

While everyone there is enjoying and here I am in Ilocos spending the most of my time on my phone because of Zen. Magmula noong araw na iyon ay constant na kaming nag uusap on text messages. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nalaman ang number ko pero sa tingin ko ay ibinigay iyon ni Keith sa kaniya.

Von Keith Guevarra:

What? No. I didn't give your number to him! Promise!

Sagot niya sa text ko nang tanungin ko kung ibinigay niya ba ang numero ko kay Zen. Hindi ako naniwala roon pero hindi ko alam kung sino bang magbibigay ng number ko sa kaniya. Alam kong maparaan si Zen kaya dapat ay tantanan ko na ang kakaisip doon at maging masaya nalang dahil nakakausap ko pa rin siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang sinabi niya noong huling kumain kami sa labas. Parang hindi pa rin totoo na sinabi niya nga iyon. It just won't sink in to my mind. 

Gusto niya akong kasama. 

Mapait akong ngumiti roon. Maging noong nakabalik na kami at nag umpisa na naman ang klase namin kasabay ng first day of school nila ay ayon ang naging laman ng utak ko kaya kahit anong pambabadtrip ng mga tao sa paligid ko ay hindi ko kayang mabadtrip. 

Behind the Sinful Doors (Varra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon