fate can do bad things too

21.6K 194 12
                                    

one

"Doc, gising na po ang bata!" narinig ko ang masayang sigaw ng nurse sa aking gilid.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil nabubulag ako sa liwanag. Puting puti ang ceiling at malamig ang hangin, siguradong nasa hospital ako.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil may mga apparatus na nakalagay sa katawan ko. I didn't recall what happened. Hindi ko alam...

Shit!

Tatayo sana ako ngunit pinigilan ako ng mga nurse sa magkabilang gilid.

"H'wag ka munang gumalaw, sasakit ang katawan mo," sabi ng nurse sa akin.

Ramdam ko nga ang mga aparato sa aking katawan. Balot na balot ako nito, maging ang aking mukha ay may benda. Kahit medyo lang akong nakatayo ay nakita ko, pati ang mga paa ko ay may benda rin.

"A-Ano pong nangyari? Bakit po ako nandito sa hospital?" I asked.

Naguguluhan talaga ako dahil wala akong maintindihan. Andami kong naririnig na kung ano ano, at naririndi ang mga tainga ko.

Bigla akong napaiyak dahil sumasakit ang magkabilang tainga ko. It's like ringing, vibrating with all force!

"Doc, doc! Ang bata!" sabi ng nurse.

Nakita ko ang doctor na may inutos sa isang nurse kaya ito'y lumabas ng room. Gumagalaw ang lahat ng nakapaligid sa akin kaya pati ang mata ko ay nairita na.

Hindi ko na alam ang susunod pang nangyari. The white surrounding suddenly became dark.
                  
                  
                  
Medyo hilo pa ako noong nagising ako. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang ibang tao kundi ang isang babae rito sa aking paanan, natutulog.

"H-Hello?" bati ko.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo, at inayos niya ang kanyang buhok. Nang makita ko kung sino iyon ay napangiti ako ng pagod.

"Tita Andrea..."

"Ano, Djanne (da-yan)? May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa akin, habang sinasalat niya ang katawan ko.

"W-Wala naman po."

"That's great," sagot niya.

Malungkot ang ngiti niya sa akin, at pinindot niya ang button sa aking kanan. Iyon ay para yata sa mga nurses, para pumunta rito.

"Ano po palang nangyari? Hindi ko po maalala kung bakit ako narito," sinipat ko ang buong paligid.

Naramdaman ko rin ang mga aparato sa aking katawan. Pati rin ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Napahawak ako roon.

Oh gosh, anong nangyari sa akin?

"H'wag kang masyadong mag-isip, Djanne. Sasakit ang ulo mo..." hinimas ni Tita ang buhok ko.

Tumango lang ako, at kinagat ang labi. Nararamdaman ko nga. Kumikirot ang ulo ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Pumipintig ito ng kaunti kaya napapikit ako.

Kasabay ng paghupa ng kirot ang pagpasok ng mga nurse, at isang doktor. Pinisil ni Tita ang kamay ko bago pa siya pumunta sa doktor at kausapin ito. Ang dalawang nurse naman ay tinitignan at chinecheck ako.

Bakit hindi nga pala si Mommy ang nandito? I'm sure si Daddy, hindi makakapunta kasi yung kompanya namin, masyado nang malaki para iwan. Pero si Mommy...

Nanlaki ang mata ko ng kumirot muli ng sobra sobra ang aking ulo. Napasigaw ako sa sobrang sakit, at hinawakan ko ito ng dalawa kong kamay.

"Mommy, Mommy!"

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon