super sperm

5.5K 130 13
                                    

thirty seven

Kinagat ko ang labi ko.

What the heck, Djanne?! Ang pasmado naman yata ng bibig mo ngayon? Iilang drinks lang naman ang nainom mo, ah! Anong nangyari?

Napabalikwas kaagad ako ng tingin, at umarteng masakit ang ulo. God, please! Sana ay hindi niya narinig. Kundi, I'm completely doomed.  Wala na akong kawala.

Hindi ko alam kung kailan ko rin naman kayang itago sa kanya ang mga anak niya. Siguro hanggang sa kahuli-hulihan ng panahon? Kasi naman! It will ruin his name... Ilang taon niya ring pinaghirapan iyon, at kapag nalaman ng taong bayan (mostly, girls) na may anak na pala siya, tiyak ay makaaapekto iyon sa kompanya niya.

And I don't want that to happen!

He suddenly pulled over.

"Anong sabi mo?" the question mark is all over his face.

Thank God!

"Wala!" hinilot ko ang sintido ko. "Ang sakit ng ulo ko... bilisan mo na't ng makauwi na ako."

"Hindi," he said. "May sinabi ka. Narinig ko ng klaro."

Napadilat ako, at pinanlamigan ng kalamnan. NO!!!

I slowly looked at him. Ang madilim niyang ekspresyon kanina ay mas lalo pang dumilim. Ang tanging nagpapaliwanag lang noon y ng sinag ng buwan na tumatama sa kanyng mukha. Looking at his thick eyebrows, halata mong naguguluhan din siya sa sinabi ko.

"Wala nga," tanggi ko pa, kahit parang bulgar na. "Iuwi mo na ako, please? Gusto ko nang humiga."

"I'm not gonna take you home," mariin niyang sabi. "Hangga't hindi mo sinasabi ulit iyon."

"Eh! Hindi ko nga kasi lalaki 'yon! Ano ka ba..."

"Oo nga't hindi lalaki. May iba kang sinabi... tell me clearly," he used his calm but dangerous voice.

"B-Basta!" oh God!

Kung kailangan kong maglakad mula rito hanggang condo, gagawin ko! Hindi ko lang masagot iyong mga tanong niya!

"Tell me about it, hm?" he gripped my wrist, and pulled me.

Ramdam ko ang galit niya. Ang pagkakahawak niya sa akin ay mahigpit, pero hindi naman nakakasakit.

"W-Wala nga," naiiyak kong sabi.

Natatakot ako, okay! Hindi ko alam kung para sa kanya ba, para sa career niya, para sa mga bata, o para sa akin! Natatakot ako.

Ang tibok ng puso ko ay mas mabilis kaysa sa normal nitong bilis. Parang dumadagundong ang buong katawan ko dahil doon. I wanna rip my chest so I could throw my heart away for now. Damn it!

"So totoo pala iyon," ang dilim ng boses niya ay mas lalong nagpanginig sa akin.

His breathing is so heavy. Rinig na rinig ko ang bawat hinga niya. Para bang pinipigilan niyang huwag magalit sa akin.

Tumingin siya sa daanan at binitawan ako. He rested his forehed on the steering wheel. Nakapikit, at kitang kita mo ang sakit at poot sa kanyang mukha.

May lumandas na luha mula sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan. I suppressed a loud sob, at tinakpan ang aking bibig gamit ang dalawang kamay.

My chest hurt a lot. Para bang tinutusukan ng ilang libong punyal ang dibdib ko, at pinipiga ng marahas ang puso ko. Hindi na ako makahinga.

"I-I... I'm s-sorry..." marahang sabi ko, habang pinipigilan ang hikbi.

Nagulat ako sa isang hampas na iginawad niya sa manibela. My heart skipped a beat.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon