thirty three
Mabilis ang three months na iyon. Para bang isang minuto lamang ang bawat oras ng isang araw. Parang ihip ng hangin lamang ang mga iyon, kumpara sa mga nakaraang taon.
Sa tatlong buwan na iyon, araw-araw na kaming nag-uusap ng aking mga kaibigan. Kaya lang minsan ay mabilis lang sapagkat may pasok sila.
Ang ganap tuwing gabi ay papatulugin ko muna ang mga bata, bago ako sumali sa group call nila. At heto na naman ako, nakatingin sa mga mukha nila.
"Wala ka talagang alam dito!" shocked na shocked na sabi ni Pleya. "Hindi mo rin alam siguro na kinasal si Kuya Hex, ano?"
"Ha?" gulat na sambit ko habang nanlalaki ang mga mata. "What? Totoo ba?"
"Oo naman! Isang taon na yata ang nakalipas. Kay Alyanna Moreno nga, e!" kinikilig na sabi niya. "Hay nako, ang gugwapo at ang gaganda siguro ng anak nila..."
Shocked naman ako roon. Isang taon na ang nakalipas? At kay Alyanna Moreno pa, ah! The unforgotten muse of Centro Escolar.
Ang dami ko nga namang hindi nabalitaan. Halos hindi na nga pumasok sa utak ko dahil sa sobrang dami ng mga balitang sinasabi nila! Ang iba'y kahindik hindik pa!
"Si Kuya Darius din! Ikakasal na," si Ylly naman iyon. "Alam mo ba, iyong magiging asawa niya, si Maxia Sacristia! Iyong may anak na? Dose anyos nabuntis!"
Napanganga ako roon. What? I never heard of her!
"Ano? Totoo ba 'yan?"
"Oo nga! Ka-schoolmate natin iyon dati e! Hindi mo siguro napapansin. Nawala na rin noong second year highschool tayo."
Tumango-tango ako, at pilit inalala kung may Maxia ba akong matandaan. Pero wala talagang pumapasok sa isip ko.
And randomly, pumasok sa isipan ko ang high school days ko. Ang pangba-basted ko sa mga lalaking umaaligid sa akin, para lang hindi magalit si Yuan.
"Ang..." huminga ako ng malalim. "Ang Kuya mo? Kumusta?"
Natahimik sila.
Kalaunan ay biglang naghiyawan na naman. Mga leche! Akala ko pa naman magiging mabigat sa kanila! What the hell.
"Ayon! Babad na babad sa trabaho! Trenta anyos na, wala pa ring jowa!" humalakhak si Ylly. "Pota, hinahantay ka yata talaga!"
Nagsihiyawan na naman sila.
"Totoo ba 'yan? Imposible," umiling ako habang nangingiti. "Makakaraos siya ng walang babae ng ilang taon... lima? Imposible."
"Oo nga! Alam mo bang pinilit niya si Daddy na magtayo ng building malapit dito sa atin para daw uuwi na lang siya!"
"Talaga?"
"Oo nga. Ito, ayaw pang maniwala," umirap siya ng pabiro. "My Kuya is so smitten! Ang ganda naman nitong si Djanne! Mula sa New York hanggang sa Pinas ang buhok!"
"Gaga," I chuckled a little bit.
Ganoon lagi ang usapan namin hanggang sa patayan na nila ako, dahil magsisipasok na raw sila. Magkakasama pa rin sila sa college na pinapasukan. Wow, ang tatag talaga ng Sugo ni Maria.
Matapos ng tawag na iyon ay uminom muna ako ng gatas para maganda ang tulog. Inisip ko na rin kung anong mangyayari sa amin sa Pinas.
Sasama si Pia sa amin pag-uwi. Ang dalawa naman, si Charmaine at Osang ay mamamalagi pa rin dito sa New York. Narito ang mga pamilya nila nakatira. May nakasalong trabaho sa kanila sa bahay ni Tita.
Saan naman ako titira roon? Alangan sa mga Larrazabal pa! Nakakahiya na. Ilang taon rin ako doon. It's time na siguro para bumili ako ng bahay? Hindi ko lang alam kung kaya ng pera ko iyon.
BINABASA MO ANG
DS#2 • daddy's little monster
Romance/completed/ by the second chance of fate, can you fall for the same person all over again? - After her parents' death, Djaneira Anne Arcilla was adopted by their family's trusted companion-the Larrazabals. Ang akala niya ay magiging madali lang iyon...