jealousy is a disease

3.2K 101 6
                                    

twenty one

"Yuan?" kinatok ko siya sa kwarto niya.

Umuwi kami kanina, hindi niya man lang ako pinansin. My heart hurt a lot, at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hindi ko man lang din siya kinausap, dahil sa mga tinginan ni Ylly na nang-iinis. Baka mamaya'y mas lalo pa mainis si Yuan sa mga banat ng kapatid niya.

Kumain kami ng hapunan, hindi niya man lang ako pinansin. Ang tingin niya ay nasa pagkain niya lang talaga. Ako naman ay pasulyap-sulyap sa kanya kung titingin ba siya banda rito sa'kin.

Past 10 na. Ni hindi ko nga alam kung gising pa itong kinakatok ko, e.

Kinatok ko ulit ito, this time, mas malakas sa nauna. "Yuan..."

No sign of response. Hindi niya yata talaga ako papansinin. O kaya'y pagod at tulog na talaga dahil ang sabi nila Kuya Jam ay marami silang ginagawa. Graduating na kasi.

"Tulog na yata," I muttered to myself.

I sighed. Siguro ay bukas ko na lang susuyuin?

Alam ko namang galit 'yon kasi may umaaligid na naman sa akin. I mean, hindi naman siya ganito lagi. Kung nasobrahan lang talaga ang inis niya. Sa ngayon, siguro he's fed up with my suitors.

Bumaling na ako sa hallway, at maglalakad na sana papuntang kwarto nang marinig ko ang pag-click ng lock ng pintuan ng kwarto niya.

Unti-unting lumabas ang liwanag ng kanyang kwarto dito sa may hallway, dahil madilim na dito. Pinatay na ng kasambahay ang mga ilaw.

His eyes bore on me. Wearing only his pair of pajamas, and topless, sumandal siya sa hamba ng pinto. Napakagat ako ng labi at nag-init ang pisngi.

"Sorry, naistorbo ba kita?" mahina kong sabi.

Hindi muna siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin, kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Why are you here?" tumikhim siya. "Bakit... di ka pa natutulog?"

"Uhm," paano ko sasabihin na hinihintay ko ang paghupa ng galit niya sa'kin?

"Ah. I get it," tumango siya. "Text mate na kayo?"

Kumunot ang noo ko, at gulat na tumingin sa kanya. What is he saying?

"H-Huh? Hindi," umiling ako.

"E bakit ka nga nandito?"

"Kasi... magso-sorry ako?" kinagat ko ang labi ko pagkatapos kong sabihin iyon.

Nahihiya ako!

Gumalaw siya ng kaunti, at tumingin sa ibang direksyon. I saw his adam's apple moved a little bit.

"Bakit ka magso-sorry?"

"Kasi... nagalit ka kanina," I said, almost a whisper. "Magkaibigan lang kami ni Pio..."

"You gave him your number," he said coldly.

"Magmumukha akong snob kung hindi ko ibibigay iyon," I pouted. "Sorry na?"

Lumunok ulit siya, at napatingin sa ibang direksyon.

"Sana ay tumanggi ka. Hindi mo dapat binibigay ang cellphone number mo sa kanino lang."

"Si Pio naman 'yon," yumuko ako.

Lumapit ako papunta sa kanya ng kaunti. Ang layo kasi namin sa isa't isa.

"Hindi na mauulit 'yon. I p-promise!" nagtaas pa ako ng kamay. "Kinaibigan lang naman niya ako... kasi crush niya yata ako."

Mas lalong dumilim ang paningin niya. His jaw clenched, at halata mong mas nagalit siya sa sinabi ko.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon