who is that guy?

4K 81 7
                                    

eleven

Grade 9. Unang pasukan namin ulit ngayon, at hindi ako masyadong nababahala, dahil LAHAT ng kaibigan ko, kaklase ko. Himala!

"Tabi tabi tayo, ha!" si Pleya.

"Oo, basta mag-reserve kayo ng upuan," sagot ko naman.

Ngayong Grade 9, dapat mas pag-ayusin ko pa ang pag-aaral ko. Parang mas gusto ko pa mag-exceed sa mga subject na magaling na ako, at magtuon ng pansin sa mga subject na mahihina ako.

Siguro naman makakayanan. Nakita ko kasi 'yong mga Grade 9 dati, pa-chill chill lang sa mga classroom nila. Baka wala masyadong gagawin ngayong Grade 9?

"Balita ko'y may bago raw na preso?" tanong ko.

"Oo nga! Sa section pa natin. Sabi nila, gwapo raw," si Sasha.

"Ah, lalaki?"

"Ang sabi. Mamaya makikita natin, kung totoo ngang sa section natin iyon. At kung gwapo ba talaga."

Preso ang tawag namin sa bagong estudyante, kasi parang kulungan itong school. Parang prison in hell, to be specific.

Nasa lounge kami ngayon, dahil hinahantay naming magbukas ang room. Hindi na kasi pinapapasok ang mga bata tuwing umaga, recess, pati tanghali sa room kasi baka daw may mangyaring masama.

May nadulas kasing lalaki noon sa lower grade kasi naghaharutan sila noong kaibigan niya, ayun, basag iyong ulo niya. Pero buhay pa naman.

Tinignan ko ang paligid. Sobrang ingay, kasi ang ibang estudyante ay ngayon lang ulit nakita 'yung nga kaibigan nila. Ang iba naman, maingay talaga. Siguro ikinukwento ang ginawa nila noong bakasyon.

As usual naman, pumunta kami sa bahay bakasyunan nila Yuan sa Palawan. Masaya kasi private beach iyon. At nag-island hopping din kami! We took pictures sa polaroid camera ni Ylly, dahil siya ang magaling kumuha ng litrato.

Noong bumalik kami sa bahay, tan na tan ako. Lalo si Yuan! Pero bumalik naman kaagad ang kulay namin.

Hindi naman nagtagal ay nag-bell na. Nagsitayuan na ang nga estudyante upang pumila sa hallway. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat, at pinulupot ang braso kay Martini.

"Tin, ang haba ng leeg mo, ah!" puna ko.

"Hinahanap ko 'yung jowa ko!" kilig na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Sino na naman ang jowa nito?

"Kaka-break niyo lang ni Red noong end ng school year ah? May bago na ulit?" tanong ni Ylly. "Bakit di mo sinabi sa'min!"

"Sorry gurls," she laughed. "Kasi naman! Kakasagot ko lang kagabi, ano ba!"

"E sino ba 'yan?" si Ylly ulit. "Dapat mas gwapo kay Red, ha! At mas mayaman."

"Si Carter!" halos tumirik siya sa kilig. "Carter Capistrano."

"Leche! Iyong college student?!" si Sash.

"Ilang taon agwat niyo noon, ah!" gulat na sabi ni Marri.

"Hoy, play boy daw 'yon!" sabi naman ni Pley.

"Ano naman? I like him a lot. At saka duh? I'm just playing lang naman! It's not like I want him to marry me," sagot ni Tin.

"Kahit na! Nako, mag-ingat ka roon ha! That guy has a BAD reputation with women," banta ni Marri. "Pati pinsan ko, nadagit noon. Iyak ng iyak pagkatapos."

"Yeah, I'm not stupid! I can handle myself," she said proudly.

"Sigurado ka, ah! Kapag ikaw, umiyak, babayagan kita kahit wala kang bayag," banta ko sa kanya.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon